1st HOUR: Find the Killer

5.7K 188 38
                                    

Tiningnan ko ang bawat reaksyon ng mukha nila habang isa-isa nilang kinuha ang kani-kanilang baraha. Halata sa mga mukha ng ilan ang kaba habang umiikot ang paningin sa mga katabi nila. Mataman ko silang pinagmasdan hanggang sa may magsimula ng magsabi ng "I'm dead!"

Shiz... may isa na.

"I'm dead!" sabi pa ng isa malapit sa'kin. Nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

"I-I'm dead." Shiz. Napasinghap din ang iba. Patay na ang nurse. Ilan na lang ang natitira.

Huminga ako ng malalim. Concentrate. Focus. Tiningnan ko ang mga katabi kong natitira at pagkatapos, napangiti ako.

Nagpawala ako ng malalim na hininga at pagkatapos ay tumayo sa harap nila.

"You're under arrest," confident kong sabi sa taong nasa may kanan ko at ipinakita ang barahang hawak ko.

"Aish! Sabi na nga ba ikaw nakabunot ng police ei! Kaya ayokong tumingin sa'yo kasi mahuhuli mo ako agad!" nakapout na sabi niya sa'kin. She's Elize, my best friend.

"Tss, nakapatay ka pa rin naman ng tatlo ei!" sabi ko sa kanya.

"Oo nga Elize! Yung iba kaya hindi magawang makakindat kapag si Percy ang police haha," sabi ni Ashner, classmate namin.

Tama.

Kasi hindi ko sila hahayaang makabiktima hangga't ako ang pulis. Pero sa larong ito, minsan victim ako. Minsan naman nurse at minsan... killer.

"Mamimiss ko 'tong laro natin," malungkot na sabi ni Erich.

"Sus! Magkacollege na tayo kaya hindi na bagay na laruin pa 'to sa university noh?" sabi sa kanya ng boyfriend na si Tom.

"San ka magkacollege Percy?" tanong ni Jack sa'kin. Hindi ako agad nakasagot. Napatingin sa'kin si Elize. Alam niya ang tungkol dito dahil nga best friend ko siya at siya ang sinasabihan ko ng lahat ng tungkol sa'kin. One month ago desidido na kong mag-aral sa isang university dito sa Manila. Pero dahil sa isang tawag na natanggap ko last week, nagbago lahat.

"Elite's Academy," maiksing sagot ko.

1 week ago...

"Mommy, kelan uuwi si kuya?" masiglang tanong ko pakakita ko sa kanya sa may kusina habang nagluluto ng almusal. Ang alam ko kasi, mageend of semester na sa school nila kaya alam kong uuwi si kuya para dito magbakasyon.

"Baka next week nandito na yun," sagot nito pagkatapos tikman ang niluluto. Napatango-tango na lang ako.

Excited na kong umuwi ang kuya ko!

Dalawa lang kasi kaming magkapatid kaya super close kami. Tatlong taon ang tanda niya sa'kin at nasa third year college na siya habang graduating naman ako ng senior high.

"Ano kayang magandang gawin sa bakasyon? Hmm...," siguro dapat papuntahin ko si Elize mamaya para makapagplano kami! May crush pa man din yun kay kuya! Tama!

"Mukhang may masama ka na namang iniisip ah? Alalahanin mo, may girlfriend na yang kuya mo... wag mo nang ipilit pa ang kaibigan mo!" napawi ang malaking ngiti sa labi ko sa sinabi ni mommy.

"Inspirasyon lang yung kay Elize My!" nakapout kong sabi.

*ring ring*

"Ikaw na sumagot ng tawag at aahunin ko lang 'tong niluluto ko!" utos sa'kin ni mommy. Tumakbo agad ako palabas ng living room at saka sinagot ang tawag.

"Hello? Montecer residence, who's this?" masigla kong sagot sa telepono.

"Ahm this is Dr. Gilette Serrano, Dean of the College of Architecture at Elite's Academy. This is about Mr. Daniel James Montecer..." bigla akong kinabahan nang marinig ang pangalan ng kuya ko.

"Y-yes? W-What about my brother?"

"He is missing," parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi niya.

"W-What?"

"Isa siya sa pinadala sa outreach program sa Camp Chiatri last week at mukhang nagkaroon ng problema sa tinuluyan nila. Sinubukan naming kontakin ang professor na nakaassign sa kanila pero walang nasagot kaya pumunta kami sa camp kahapon. And..." narinig ko ang paghugot nito ng malalim na hininga. "There's no one around."

"B-baka naman po mali kayo ng napuntahan? O kaya hindi sila dun tumuloy?"

"No... nandoon lahat ng gamit nila... k-kaya hinanap namin sila sa mga kalapit na lugar at nahanap naman namin sila... I mean... natagpuan namin ang mga katawan nila..."

Bigla akong natigilan. Pakiramdam ko'y may malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko.

"S-si kuya?"

"We can't find him."

Napaupo ako at nabitawan ang telepono. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi nito.

Si kuya, imposible... hindi pwede...

"Percy! What happened?" alalang tanong ni mommy pakakita sa'kin. Niyakap niya ko agad.

"Mommy... si kuya... si kuya..." ayaw tumigil ng luha sa pag-agos sa magkabila kong pisngi.

***

Elite's Academy.

Camp Chiatri.

Aalamin ko kung anong nangyari sa lugar na iyon. Alam kong buhay pa si kuya... hindi ako naniniwalang patay na siya. Hindi pwede. Hindi ko matatanggap. At kung sinuman ang may kagagawan ng kung anumang nangyari sa camp na iyon, pagbabayarin ko sila.

***

A/N:

Find the killer po yung game nila. Yun yung game kung saan lahat ng kasali ay bubunot ng cards, maraming cards for victims, isa lang sa police, nurse at killer. Yung killer yung kikindat sa mga inassume niyang 'victims'. Kapag nagsabi na ng 'I'm dead' ang victim, pwede pa siyang mabuhay pag nakindatan siya ng 'nurse'. At syempre, matatapos lang ang game kapag nahuli ng 'police' ang killer bago maubos lahat ng nakabunot ng 'victim'. Favorite namin yang laruin nung highschool! (*^^*)

Anong masasabi nyo sa first chapter?

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now