17th HOUR: Last Stop

1.8K 86 2
                                    

"Percy wake up! Gumising ka na please?"

Naririnig ko ang boses ni Phi. Tinatawag niya ko. Nag-aalala siya.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Phi.

"Oh thank God! You're okay!" sabi niya sabay yakap sa'kin.

"Anong nangyari Phi?" mahina kong tanong sa kanya.

"Mukhang pinatulog niya tayong lahat," sagot niya. Humiwalay ako sa kanya at nilingon ang mga kasama namin. Mukhang kagigising lang ni Cyril at Elize. Si Keiichi at Christine naman ay nakaupo na sa isa sa mga bench. Si Noemi ay nakapikit pa rin sa ilalim ng puno. Sila ma'am Jyn at Yvonne ay tila inaantok pa habang nag-uunat ng braso.

"Asan si Wayne?" sigaw ni Miviel na kakabangon lang. Inikot namin ang paningin namin pero hindi namin siya makita. "Katabi ko lang siya kanina!" mukhang alalang-alalang sabi nito. Inalalayan ako ni Phi para tumayo.

"Sila Edison at Aaron? Nasaan sila?" tanong ko din. "Saka... si Steffi?" nilibot ko na kasi ang paningin ko kanina at hindi ko makita sa malapit ang tatlong iyon.

"AHHHHHHHHHH!!" nagulat kaming lahat nang may marinig kaming sigaw.

"Si Edison ba yun?" tanong ni Cyril. Maya-maya'y nakita namin si Edison at Aaron na namumutla habang tumatakbo palapit sa amin.

"G-guys! Kailangan niyong makita 'to! Bilisan niyo!" sabi ni Aaron sa'min at saka tumakbo pabalik sa pinanggalingan nila. Naguguluhan man, sumunod na lang kaming lahat sa kanila. Iniwan namin sa base yung katawan ni sir Marlo at yung mga gamit namin.

Saglit lang at nakarating kami sa isang mabatong parte ng gubat. May maliit na talon sa isang bahagi nito. Malakristal ang tubig na bumabagsak mula sa talon. Pero hindi sa ganda nito kami napatulala at napatigil, kundi sa katawang gumagalaw sa ihip ng malakas na hangin habang pinupuluputan ng masikip na lubid ang leeg nitong halos magkulay-ube na ang kulay. Punung-puno din ito ng dugo dahil sa dami ng saksak sa katawan.

"Oh my God..," hindi makapaniwalang sambit ni ma'am Jyn.

"Kawawang Steffi," mahinang sabi ni Christine, bakas ang awa sa mukha nito. Inakbayan ito ni Keiichi. Pagkatapos masaksihan ang pagkamatay ng mga kaibigan niya, ito na mismo ang dinalaw ni kamatayan at pinukulan ng kanyang karit.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Cyril.

"Tulungan mo kong ibaba siya pre!" sabi dito ni Keiichi. Wala ng nagawa si Cyril nang mauna na itong lumapit sa may talon. Nakabitay ang katawan ni Steffi sa isang sangang nakaipit sa mga bato malapit dito.

Paano niya nagawang bitayin si Steffi?

Ibinaba na nila ang katawan ni Steffi malapit sa'min. Dahan-dahan akong lumapit dito. Pumwesto sa uluhan ni Steffi si Phi at sinimulang inspekyunin ang mukha nito.

"Mukhang pinatay siya ng killer nang oras na makatulog siya kanina kasama natin," sabi ni Phi. Tama siya. Base kasi sa mukha nito na nagsimula nang magrigor mortis, namatay ito habang nasa state of unconsciousness.

"Paano niyo pinutol ang lubid?" tanong ko kay Cyril.

"May cutter ako, ang hirap nga eh! Ang tigas kasi nung lubid!" reklamo nito. Tiningnan ko yung natirang lubid sa pinagtalian dito. Mataman kong tiningnan ang leeg ni Steffi. Napapikit ako. Parang may scenario na biglang pumasok sa isip ko. Tumayo ako at tiningnan ang itaas na bahagi kung saan binitay si Steffi.

"Phi, pwede mo ba kong samahan sa taas?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya yung direksyon ng tinitingnan ko kanina at mukhang nagets niya na kung anong gusto kong alamin. Saglit kaming nagpaalam sa kanila at saka naghanap ng daan paakyat. Malapit dito, nakahanap kami ng isang makipot na daan. Medyo mabato kaya inalalayan ako ni Phi sa pag-akyat. Maya-maya, nakarating na rin kami dito.

"Mukhang pareho tayo ng nasa isip ah," nakangiting sabi ni Phillipse. Alam na namin kung paano nagawang bitayin ng killer si Steffi pero hindi pa rin namin alam kung sino siya. Kung kasama ba talaga namin siya o hindi pa namin nakikilala.

Bahagyang napukaw ang iniisip ko nang mapansin ang isang itim na bagay na nakaipit sa mga bato. Nilapitan ko ito at kinuha.

Itim na sobre.

Dahan-dahan kong kinuha ang kapirasong papel na nasa loob nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan.

The unneeded casts were now out of the scene
All 12 of you, let the real game begin
You'll mind, you'll cry, your hope will all lost
I'm here, I'm there, or nowhere at most
You blink, you sleep but you cannot hide
I'm the killer who waits, I'll be by your side
A friend, a foe, a Nephilim
I'm the 13th guest who will end this scheme.

Teka... pamilyar 'to ahh...

"All 12 of you? Tayo ba ang tinutukoy niya diyan? Teka..," saglit itong nagbilang sa isip at saka tumingin sa'kin. "13 pa tayo ahh!"

"Ibig sabihin isa nga sa atin ang killer?" tumayo ako at ibinalik sa sobre ang kapirasong papel.

"Mukhang ganun na nga," seryosong sabi ni Phi. "Pero ang nakakapagtaka..."

"Bakit dito niya iniwan ang papel na 'to?" dugtong ko sa gusto niyang sabihin. Napatango ito.

"It's like the killer knows what we're thinking," nakapamulsa nitong sabi. Bigla akong kinabahan. Parang may kung ano sa loob ko na nagsasabing may nakaligtaan kaming kung ano. Isang bagay na makakatulong sa'min sa paglutas ng kasong 'to.

"Ang mabuti pa bumalik na muna tayo sa kanila," sabi ni Phi maya-maya. Sumang-ayon ako at saka kami bumaba at naglakad pabalik sa base. Nadatnan naming umiiyak si Miviel katabi ang isang katawan ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Phi. Napatakbo ako palapit dito.

Si Wayne.

Punung-puno siya ng saksak sa iba't ibang parte ng katawan niya. May laslas pa siya sa leeg niya at halos makita na ang mga litid at ugat nito.

Pero bakit?

"Nakita namin siya sa likod ng puno doon," turo ni Aaron sa isang malaking puno mga tatlong metro ang layo mula sa base namin.

"Malaman ko lang talaga kung sinong gumawa nito, papatayin ko siya!" galit na galit na sabi ni Miviel habang patuloy pa ring umiiyak.

"Now there's a conflict here," nilingon ko si Phi na mukhang may malalim na iniisip.

Kahit ako man ay naguguluhan, akala ko si Steffi na ang last victim niya bago kami makarating sa kampo. Kaya paanong pati si Wayne ay patay na rin?

Bigla kaming nakarinig ng mga kulog kaya napatingala ako sa langit. Nagsimula nang kumulimlim.

"Baka abutan tayo ng ulan, ang mabuti pa bilisan na nating maglakad para makarating na tayo sa lodging house," sabi ni Yvonne. Mukhang nasanay na ito sa sunod-sunod na patayang nasasaksihan namin. Hindi na ito mukhang gulat sa nangyari kay Wayne.

"May isa pa palang possibility dito," napatingin ako kay Phi nang magsalita ito sa tabi ko. Halatang ayaw niyang iparinig sa iba ang gusto niyang sabihin kaya inilapit nito ang mukha sa akin. "There is someone here other than the killer who kills," bulong niya.

Someone other than the killer?

Napatingin ako sa mga kasama namin at napatigil ako nang makita ang maliit na mantsa ng dugo sa kaliwang braso ng isa sa kanila.

Siya ba?

Pero bakit?

***

A/N:
Sino na pinaghihinalaan nyo?
I'll update when I'm in mood. xD

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now