26th HOUR: Killed, One by One

1.8K 79 3
                                    

KEIICHI’S POV

Nang bumaba sila Percy ay agad kaming naglakad papunta sa kwarto nila Miviel. Wala kaming sinayang na sandali dahil alam naming posibleng kumikilos na ang killer. Napahinto ako bigla nang mapansing may mali. Napalingon ako sa mga kasama ko. Gayon na lang ang pagbaha ng kaba sa dibdib ko nang makitang tatlo na lang kaming magkakasama.

“N-Nasaan si Cyril?” agad kong tanong.

Agad kong tinakbo ang huling pasilyong pinanggalingan namin pero wala ito. Tahimik ang buong pasilyo.

“Ohh sh*t!” napahilamos na lang ako sa mukha.

“B-baka naman sumunod siya kina Percy sa baba?” napalingon ako kay Christine sa sinabi nito samantalang tahimik lang ang kasama naming FBI agent. Nilapitan ko naman ito agad at saka kinwelyuhan.

“Asan si Cyril, ha?”

“You’re seriously suspecting me now?” binitiwan ko naman siya agad. Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang inis.

“Ipagdasal na lang nating sumunod nga siya kina Percy sa baba at walang nangyaring masama sa kanya,” sabi pa nito habang inaayos ang kwelyo. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Mapagkakatiwalaan ba talaga namin ang isang ‘to?

“Wala akong pakialam kung wala kang tiwala sa’kin. Pero may pakialam ako sa oras na sinasayang natin dito. Sabi nga ng kaibigan niyo kanina, posibleng sa mga oras na ‘to ay mayroon na siyang binibiktima. Shouldn’t we go and try to save them?”

Pumikit ako at saka huminga ng malalim. Tama siya. Wala kaming dapat sayanging oras. Pagkadilat ko ay agad ko siyang tinanguan at saka kami tumakbo papunta sa kwarto nila Miviel. Kinuha ko kay Christine ang flashlight na hawak nito.

“Miviel? Are you here?” tanong ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Mahigpit kong hinawakan ang flashlight para agad na sipatin kung anong nasa loob. Tumambad sa’min ang tahimik na kwarto. Ramdam ko ang pagkapit ni Christine sa braso ko habang dahan-dahan kaming naglalakad papasok.

Huminga ako ng malalim at saka sinimulang iiscan ang buong paligid. Walang nasa kama. I shifted the light onto the left side and found disarranged baggage. May mga nagkalat pang damit sa lapag. Humakbang pa ulit kami palapit.

“Oh sh*t!” napapapitlag ako nang makarinig ako ng parang nadurog. A cracking sound from my feet. Napalunok ako habang dahan-dahang ibinababa ang flashlight sa paanan ko.

“Oh my God! Miviel!” nanlambot ako nang marinig ang sigaw ni Christine. Napahakbang ako paatras habang nanatiling nakatingin sa katawang naapakan ko sa lapag. It was Miviel’s body covered in blood.

Holy crap!

Parang naaninag kong may isa pang katawan sa tabi nito kaya agad kong finocus ang ilaw dito. At gayon na lang ang panlulumo ko nang makilala kung sino siya.

“Oh sh*t! S-si Aaron!” halos masuka ako sa itsura ng dalawa. They are both lying in a pool of blood, their bodies were like butchered meat and their skin were almost white with a little bit of purplish color. Sa mga pelikula lang ako nakakakita ng ganito before but looking at them now with my bare eyes, parang gustong bumaliktad ng sikmura ko at iluwa lahat ng kinain ko kanina.

“Their bodies is now in the post mortem period of Livor mortis,” sabi ng kasama naming FBI habang matamang iniinspeksyon ang katawan ni Miviel at ni Aaron. Tumayo ito at saka humarap sa’min. “Since hindi pa ganoon kalamig ang mga katawan nila, we can assume that they died approximately 30 minutes to 1 hour ago, oras kung kelan nawalan ng ilaw sa buong bahay.”

Hour of DeathWhere stories live. Discover now