21st HOUR: Hidden Clues

1.9K 92 24
                                    

"Alam ko. Tama ka naman, nanggaling nga siya dito, that 12th guest," seryoso nitong sabi.

"But he's not here anymore," dugtong niya pa.

"He?" tanong ko sa kanya. Tumango ito at saka ibinalik ang tingin sa loob ng cabinet.

"Mukhang nagtago nga siya dito at matangkad siya kaya sumabit pa yung buhok niya dito," tinuro niya yung part ng cabinet na may nakausling pako. May maiksing buhok ngang sumabit dito. "Medyo nagulo din itong mga bags natin, ibig sabihin may sumiksik ditong kung sino at isa pa, tinanggal niya muna yung sabitan ng hanger bago pumasok," turo niya sa stick na mga isang dipa ang haba na isinasabit sa magkabilang gilid ng cabinet para pagsabitan ng mga nakahanger na damit.

"Kung ganun, kelan pa kaya siya nandito?" tanong ko sa kanya.

"Mula pa siguro kagabi hanggang kaninang umaga," sagot nito. Napatangu-tango na lang ako. Sinamantala niya siguro ang mahimbing na tulog naming kagabi kaya hindi namin namalayan ang presensiya niya. "Oo nga pala, pwede mo ba kong timplahan ng kape? Gusto ko kasing may iniinom na mainit sa umaga," sabi niya sa'kin. "Please?" natawa ako sa mukha nito. Ang cute niya kapag umaarte siyang parang bata.

"Sige! Kukunin ko lang naman talaga dapat yung cellphone ko ei," sabi ko sa kanya. Gumawi na ko sa may pintuan.

"Susunod na lang ako sa'yo sa baba," rinig kong sabi niya at saka nauna na akong lumabas.

PHILLIPSE'S POV

"Pwede ka ng lumabas diyan," sabi ko nang masigurong nakalabas na si Percy. Agad na lumabas ang taong nagtatago sa ilalim ng kama. Sa unang tingin, hindi mo aakalaing may magkakasya sa ilalim nito pero dahil napansin kong kakaiba ang structure ng kama kung saan may malaking space pala sa ilalim, dito siya posibleng nagtago.

"Nice deductions Phil," pambungad nito sa'kin.

"Anong ginagawa ng isang FBI agent dito ha? Nicolai?" tanong ko sa kanya.

"Syempre para mag-investigate ano pa nga ba?" sabi nito sabay kampanteng umupo sa kama.

"Bakit hindi na lang si kuya Euclid ang ipinadala? For sure mabilis niya lang malulutas ang kasong 'to!" sabi ko sabay upo sa harap niya.

"Tsk! Nasa London siya ngayon kaya ako ang pinadala dito! And besides, kayang-kaya ko rin namang isolve ang kasong 'to noh!" mayabang nitong sabi. Napaismid ako. He's Nicolai, an FBI agent, isang detective na tumutulong sa mga mahihirap na kaso ng pulisya. Nameet ko siya before dahil sa minsanan kong pagsama sa mga crime scenes na inaassign sa uncle ko.

"So alam mo na kung sinong killer?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito. Kahit kailan talaga madamot siyang magbigay ng information!

"May mga pinaghihinalaan na ako pero kailangan ko munang makasiguro," nakangiti nitong sabi. "Oo nga pala, sino yung kasama mong babae kanina? I can say na she's really good dahil naramdaman niya ang presence ko," tumatango pang sabi nito habang nakahawak sa chin niya.

"She's Percy, Daniel's sister."

"Ahh kaya pamilyar! Siya ba yung may D.I.D?"

"D.I.D?"

"Oo yung may dual personality disorder?"

PERCY'S POV

Ako? May dual-personality disorder?

Napatutop ako sa dibdib ko habang nakasandal sa pinto ng kwarto namin. Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila Phi sa loob. Alam ko kasing nasa loob pa yung presensiya kong naramdaman kaya hindi muna ako umalis at nagulat ako nang malamang magkakilala pala sila.

Hour of DeathWhere stories live. Discover now