30th HOUR: Farewell

2K 71 0
                                    

PHILLIPSE’S POV

“Ito po yung bayad!” sabi ko at saka inabot sa tindera yung bayad ko. Kinuha ko naman sa kanya yung dalawang milkshake. Narinig ko namang nagriring ang phone ko kaya ipinatong ko muna ang isang milkshake sa table at saka sinagot ang tawag.

“Hello Phillipse? Kasama mo ba ang kapatid ko?” agad na sabi ng nasa kabilang linya. It was Percy’s brother.

“Ahh opo! Natanggap ko yung mga tickets na pinadala niyo kanina kaya nandito kami ngayon ni Percy sa South Ocean Park!”

“Anong tickets? Oh sh*t!” Halata sa boses nito ang pag-aalala.

“Teka, hindi ikaw ang nagpadala ng tickets?” Napakagat ako sa labi ko nang biglang may pumasok na ideya sa utak ko.

“Naalala ko na yung last manifesto. Makinig ka! It says like this:

When the east and the west collide,
Then the clock hits 30 on a side
Expect a spark from there above
Discolouring the water of love.

A splash will come, and another one.
With the noise and the songs, you'll hear none.
Do not turn left for you'll be shocked
A head will blow and you'll be knocked.”

Water... Oh damn it!

Agad akong tumakbo papunta sa bench na pinag-iwanan ko kay Percy. Wala siya. Napansin kong maraming tao ang nagtatakbuhan palayo. May mga bata pang umiiyak.

I looked at my watch. It’s 12:15. Napapikit ako. Am I already too late?

When the east and the west collide,
Then the clock hits 30 on a side

It was referring to the second and hour hand of the clock. Right after they met which is 12 o’clock, 30 degrees angle after that shall be the beginning of their attack. 30 degrees angle is equivalent to 5 minutes if the reference hand is at 12. Kaninang 12:05 sila nagsimulang umatake!

Tumunog ulit ang phone ko at agad ko naman itong sinagot nang pangalan ni Percy ang rumehistro sa screen nito.

“Hello Percy? Where are you?” mula sa background ay mukhang maraming tao sa paligid nito. May mga bata ding umiiyak.

“H-Hello Phi—“

“Hello Percy? Hello?” tiningnan ko ang phone ko at nakitang pinutol na nito ang tawag. Sinubukan ko ulit itong kontakin pero patay na ang cellphone nito.

Tumakbo ako sa natanaw kong fountain. Halos wala na ring tao dito. May mga guards ng nakapaligid dito habang sa gitna ng circle ay may ilang piraso ng nasirang kung ano. Mukhang ilang minuto pa lang ang lumipas nang sumabog ito.

Expect a spark from there above
Discolouring the water of love.

They used a drone that has a bomb on it. I clenched my fist as I tried to look around and look for other clues. I found an abandoned mascot’s head that was blown into pieces. Triple sh*t.

A splash will come, and another one.
With the noise and the songs, you'll hear none.
Do not turn left for you'll be shocked
A head will blow and you'll be knocked.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at saka tinawagan si Daniel para ipaalam dito ang nangyari. Maya-maya pa’y dumating na din ito kasama ang ilang pulis.

“This is all my fault. Masyado tayong nagpakakampante na in 2 days pa aatake ang killer,” napahilamos sa mukha si Daniel. Sising-sisi ito sa nangyari.

“I’m so sorry. Kung sana nagtanong muna ako sa’yo about the tickets I received this morning…” mahina kong sabi sa kanya. Hindi man lang ako nagduda nab aka isang trap ang napuntahan namin. Kampante pa man din kami kanina na walang mangyayaring masama ngayon tapos ganito pa ang nangyari.

Hour of DeathTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang