EPILOGUE

2.3K 102 3
                                    

"Isang hindi pa nakikilalang bangkay ang natagpuan sa loob ng abandonadong gusali bukod sa isa sa mga suspek na naiwan sa loob kasama ang ilang pulis. Maaalalang sa naturang gusali din nailigtas ang kidnap victim na si Percy Montecer, bandang alas-nuwebe ng gabi kagabi. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga pulis tungkol sa totoong sanhi ng biglaang pagsabog…”

Pinatay ko na ang T.V at saka tiningnan ang natutulog na si Percy. Ilang araw pa lang siyang nakakalabas ng ospital at ngayon ay nandito na naman siya ulit. Hinawakan ko ang kamay nito at saka ito hinalikan.

Mabuti na lang at umayon sa’min ang lahat ng pinlano namin kahapon. Kung hindi ay hindi ko na alam kung anong gagawin para mailigtas siya.

“May problema ba?” tanong sa’kin ni Christine. Agad ko namang tinago ang cellphone sa bulsa ko.

“Wala. Magsi-CR lang ako saglit,” paalam ko sa kanila at pagkatapos ay palihim ng umalis sa lugar na iyon. Pumunta ako sa kotse ko at saka pasimpleng finorward kay Daniel ang text message na nareceive ko galing kay Elize. Mula sa side view mirror ay napansin kong may naka-motorsiklong nakaabang sa pag-alis ko. Tiningnan ko din ang mga CCTVs na nasa parking lot. Posibleng may connection sila sa mga CCTVs na nandito kaya kailangan kong mag-ingat. Ini-start ko ang sasakyan ko.

Tumunog ang cellphone ko. In-ON ko naman ang handsfree nito para marinig ang mga sasabihin nito.

“Hello Phillipse? Daniel here. Susunod kami sa location but we have to set a distance para hindi sila makahalata. We’ll also hire a hacker para kung sakaling gwardiyado ng CCTVs sa area ay ligtas ka pa ring makakapasok. Don’t worry, we’ll save Percy.”

Matapos nitong putulin ang tawag ay nagfocus na ako sa pagdadrive. Malayu-layo pa ang location ni Percy base sa coordinates na sinend ni Elize. Napahigpit ako ng hawk sa steering wheel.

Wait for me, Percy.

Nang makarating sa building ay nagpalinga-linga ako para alamin kung anong sitwasyon. Tulad ng inaasahan ay may mga CCTVs sa area. Hindi ko alam kung anong plano nila pero kailangan kong magtiwala.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng building at umakyat. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit at tumambad sa’kin ang isang lalaking may hawak na baril. Siya yung kasabwat ni Elize.

“Are you ready to die?” itinaas nito ang baril at itinutok sa’kin. Napataas ako ng kamay at napalunok ng ilang beses.

“Nasa’n si Percy?”

“Hmm… she’s with Elize upstairs. I hope she’s not yet dead,” sabi nito at saka tumawa ng nakakaloko.

“How dare you!” Inilapit nito ang hawak na baril.

“Should I pull the trigger now? Or should I play with you—ahhh!! What the heck?” napalingon kami pareho sa pinanggalingan ng putok ng baril. It was Nicolai, smiling with confidence and arrogance while pointing his gun on us. He successfully shot the guy’s hand.

Agad naman akong nakabawi at saka sinipa sa tiyan ang lalaki. Tumalsik ito sa isang sulok. Sinipa ko naman palayo ang nabitiwan nitong baril at saka ito binalingan para suntukin. Nagpalitan pa kami ng ilang suntok hanggang sa mapatulog ko ito.

Umakyat na rin sa taas si Nicolai kasama ang ilang pulis. Diretso-diretso kaming pumasok sa kwarto sa pinakataas.

Napabalik sa kasalukuyan ang isip ko nang pumasok ng room si Daniel. May dala-dala pa itong mga prutas. Kasunod nito si Noemi at Nicolai.

“I heard you’re the hacker yesterday,” sabi ko kay Noemi. Ngumiti naman ito at saka naka-crosed arms na sumandal sa dingding.

“It’s not a big deal.”

Hour of DeathWhere stories live. Discover now