6th HOUR: Attempt

2.2K 106 1
                                    

Gabi na nang matapos ang huling klase namin. Pagkalabas ng prof. namin, lumabas na rin ako at dumiretso sa locker room. Madali ko naman agad nakita yung locker na para sa'kin. Binuksan ko ito at tumambad sa'kin ang tatlong letrang iyon na sinulat gamit ang masangsang na kulay pulang likido.

DIE.

Napapikit ako't napahinga ng malalim. Sinarado ko ang locker ko at tumalikod dito. Bahagya ko pang napansin ang masasamang tinging ipinukol sa'kin ng ilang babaeng nasa loob ng room na iyon.

Mga mapanghusgang tingin.

Pumikit ako. Sa pagkakaalala ko, medyo natulo pa yung pulang likido na nakasulat. Ibig sabihin, hindi pa ganun katagal nang gawin iyon ng salarin. Dinilat ko ang mata ko. Sigurado akong nandito pa ang taong iyon. At ang mga babaeng nandito ngayon, kilala nila kung sinong may gawa nito. Alam nila pero alam kong wala silang balak sabihin sa'kin.

Kumuha ako ng kapirasong papel sa notebook ko at nagsulat. Iniwan ko ito sa loob ng locker ko at saka diretsong lumabas ng room.

Hindi niyo ko kayang takutin!


3rd Person's POV (Narrator's POV)

Pagkalabas ni Percy ng room, dahan-dahang naglakad papunta sa locker ng huli ang isang babae at kinuha yung kapirasong papel.

You're aiming at a wrong target, basa niya sa nakasulat. Galit na galit na nilamukos niya ang papel.

Maya-maya, may lumapit ditong isang babae at saka bumulong.

"Dumating na ang hinihintay niyo, Pres."


Napangiti ang babae at saka matalim na tiningnan ang pangalan ni Percy na nakadikit sa locker. Tumalikod na ito at lumabas ng room.

Nang makarating ang babae sa rooftop ng building na iyon, maingat na binuksan niya ang pintuan. Tahimik, naisip niya. Humakbang siya at palinga-lingang tiningnan ang paligid. Tiningnan niya ang kanyang relo. Hindi siya sanay na pinaghihintay. Maya-maya, nakarinig siya ng mahinang mga kaluskos. Paglingon niya, nakita niya yung mga taong hinihintay niya.

Hahakbang pa sana ang babae palapit dito nang magsalita ang isa sa mga bagong dating.

"Step another one and your head would blow right away!" napaatras siya nang makitang may hawak itong baril at nakatutok sa kanya.

"I'm the student council president and you're pointing a gun on me?"

"We still don't trust you so back off!" supladong sabi nito habang di pa rin binababa ang baril. Bakas sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro.

"Okay fine!" inirapan niya ang mga ito at saka tinaas ang dalawang kamay.

"We're here to tell you na wag kang mangingialam sa mga plano namin," sabi nung isa pang lalaki habang hawak ang kamay ng girlfriend niya.

"I promise not to interfere, but I have a proposal," nakangiting sabi ng babae.

"Proposal?" sabat ng girlfriend ng lalaki.

"Let's recreate the camp and corner that monster," seryosong sabi ng babae. Her eyes were sparkling with vengeance and anger. Lihim siyang napangiti. Alam niyang papayag ang mga ito dahil pare-pareho ang layunin nila: to kill the monster who end the lives of their loved ones.

It's time to start a war.


PERCY'S POV

Palabas na ako ng building namin nang may tumawag sa pangalan ko. Hinihingal pa ito nang makalapit sa'kin.

"P-Percy! Tawag ka ni sir Umbal sa gym!"


Nagtaka ako sa sinabi niyo. Bakit naman kaya ako ipapatawag sa gym?

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam eh! May estudyante lang na nagsabi sa'kin. Sige babye na!" pagkasabi nito, tumakbo na ang lalaki palayo.

Kahit medyo nagtataka, dumiretso na lang ako sa gym. Medyo madilim na rin kaya kakaunti na lang ang mga taong nakikita ko malapit dito. Nang makarating sa entrance nito, hinanap ko si sir.

Asan na yun?

Pumasok ako sa may parang locker room. Walang tao. Tatalikod na sana ako para umalis nang biglang may tumakip sa bibig ko at pagkatapos, unti-unti na akong nanghina at nawalan ng malay.


***

Hour of Death
EuclidAngel
Vote.Comment.BeAFan


Hour of DeathWhere stories live. Discover now