27th HOUR: Betrayal

1.7K 79 9
                                    

PERCY’S POV

Sinalubong ko siya ng yakap. Sa isang iglap ay nawala lahat ng alalahanin ko, lahat ng suspetsa ko’t paghihinala, lahat ng gumugulo sa isip ko.

Napangiti ako. Pero bigla rin yung napawi nang marinig ko ang bulong niya.

“I’m sorry Percy.”

Naramdaman ko ang malamig na bagay na dumampi sa likod ko. Kasunod nito ang hindi matatawarang sakit. Napaubo ako. Gumalaw siya at walang pagdadalawang-isip na hinugot ang bagay na iyon. Masakit. Sobrang sakit. Napakapit ako sa kanya. Sa pangalawang beses, napaubo ako. Nalasahan ko ang sarili kong dugo na lumalabas na sa bibig ko. Tiningnan ko siya. Nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha niya.

“Why… why are you doing this?” pabulong kong sabi sa kanya.

“You already know the reason Percy. You knew, but you still can’t accept it.”

Napailing ako. Hindi. Panaginip lang ito. Imposible ang lahat ng ito… hindi pwedeng mangyari ‘to…

Nanghihina na ako. Lumalabo na rin siya sa paningin ko.

Hanggang dito na lang ba ang buhay ko? Mamamatay na rin ba ako katulad ng ibang nabiktima niya?

“I’m sorry Percy but it’s now your hour of death.”

1 hour ago…

“Ang mabuti pa ay bumalik na tayo kina Nico sa taas,” wika ni Phi at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Tiningnan kasi nito ang set-up na ginawa sa ibabaw ng lababo para mahulog ang mga nakapatong na gamit dito. Nagmula dito ang malakas na ingay na narinig namin kanina sa taas. Napapikit ako nang mapadako na naman ang paningin ko sa mga patay na kambing na hinilera sa lababo. Pero mas lalo akong kinabahan nang may mapansing kakaiba sa ilalim ng mesa.

“Wait Phi,” lumuhod ako at saka tiningnan ang bagay na umiilaw sa ilalim ng mesa. Napapikit ako ng mariin nang makita ang limang tumpok ng kulay itim na bagay na iyon. Tama ako. There were bombs under the table.

“Ano bang—oh sh*t! B-bomba ba yan?” tanong ni Phi matapos tingnan ang tinitingnan ko.

“M-marunong ka bang magdisarm nito?” Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya.

“Isang beses pa lang akong nakapagdisarm ng bomba before kaya hindi ako sigurado kung magagawa ko ng—“ I hold his hand. Nanginginig kasi ito. Mine was also shaking but we need to compose ourselves. We need to gather our strength together.

“Ahh! S-Si Nicolai! I’m sure may experience siya about disarming explosives!” Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

“Talaga? Kung ganun, puntahan na natin siya agad!” tumango ito at saka kami lumabas na sa ilalim ng mesa. Maglalakad na sana ako palabas ng kusina nang hawakan niya ang braso ko.

“Why?”

“I think it’s safer for you to stay here,”mahinang sabi niya.

“Ha? No way! Mas safe kung dalawa tayong aalis at susundo sa kaibigan mo!” hinawakan niya ang magkabila kong balikat at saka ako tinitigan sa mata.

“Imposibleng bumalik si Elize sa room kung saan niya ikinabit ang mga bombang nilagay niya. I’m sure she has the detonator! Kaya dito ka lang. Mas mapapalagay ang loob ko kung hindi ka magpapagala-gala sa loob ng bahay.”

“Pero Phi—“

Tinanggal nito ang kurtina sa bintana at saka itinakip sa mga nakahilerang patay na kambing. Bumalik siya sa’kin at saka ako hinalikan ng mariin sa noo.

Hour of DeathWhere stories live. Discover now