19th HOUR: Suspicions

2K 94 9
                                    

Pagkatapos kumain ng hapunan na pinagtulungan naming lutuin ni ma'am Jyn, nagkanya-kanya na kaming punta sa mga kwarto namin. Sabi kasi ni ma'am, bukas na lang daw kami magpaplano kung paano kami makakaalis ng kampo at makakauwi. Umakyat na ako sa taas habang ang iba ay nasa living room pa at may kung anu-anong ginagawa.

Pagpasok ko ng kwarto namin, naabutan ko si Phi na may hinahalungkat sa bag. Sinarado ko ang pintuan at saka naupo sa kamang katabi nito.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"This!" sagot nito sabay angat sa pamilyar na itim na librong nakita namin sa Camp Chiatri noon.

"Dinala mo pala yan?" gulat kong tanong sa kanya at saka lumipat sa kama nito at umupo sa tabi niya.

"Nakita ko 'to sa ibabaw ng table mo bago ako umalis kanina sa dorm kaya dinala ko," sagot niya. Naiwan ko pala yun dun? Ano ba yan! Nagiging makakalimutin na yata ako?

"Ahh mabuti kung ganun, akala ko nailagay ko na siya sa bag ko ei naiwan ko pala hehe," sabi ko sabay peace-sign.


"Dito tayo magsimula ng investigation at bumuo ng mga pwedeng possibilities," seryoso nitong sabi sabay buklat sa itim na libro. Tulad ng nasa cover page nito ang nakasulat sa unang pahina nito-japanese characters o kanji na kapag tinranslate ay 'Hour of Death' ang meaning.

Binuklat namin ang sumunod na pahina at may nakasulat ditong initials na mukhang letrang I at P エ.ア

Anong ibig sabihin nito?

Ang sumunod naman na mga pahina ay mga litrato. Sa unang pahina ay isang lumang litrato ng isang babaeng medyo may katandaan na din naman, payat ito at maputi ang balat. Maamo ang mukha niya at may mga matang parang laging iiyak.

"Baka siya yung unang biktima nung killer," sabi ni Phi. Posible nga yun pero paano naman kaya namin malalaman kung sino ito? Binuklat ko pa ang mga sumunod na pahina. Limang pictures ang hindi namin kilala. Limang pictures na nakalagay bago ang picture ng mga estudyanteng kasama sa Camp Chiatri. Limang naunang posibleng biktima ng hinahanap naming killer.

"Teka, tingnan mo 'to... may ekis na nakasulat oh!" pansin ko sa lower end ng first picture. Binuklat ko ang sumunod na page at imbes na ekis ang nandito, bilog ang nakadrawing. Tiningnan ko din ang iba pang page at kung hindi bilog ang nakasulat, ekis ang iba sa mga ito. Meron ding tatlong page na triangle ang nakadrawing.

"Hindi lang yun... tingnan mo itong upper part, gumamit din ang killer ng black ink dito para magsulat ng mga numbers. Black yung background sa part na to kaya hindi masyadong pansinin," sabi ni Phi. Tiningnan ko naman yung tinuturo niya at meron nga ditong 8 numbers na maliit na nakasulat. Kinuha ko yung notebook ko at nagsimulang ilista ang mga numbers at symbols na nakita namin. Pagkatapos kong magsulat, tiningnan namin ang sinulat ko.

Girl 1: 02131410 - X


Boy 1: 02142400 - O


Boy 2: 02181730 - O


Girl 2: 02191831 - O


Boy 3: 02232400 - Δ


Girl 3: 04252400 - O


Girl 4: 04260005 - O


Boy 4: 04260008 - O


Girl 5: 04260015 - X


Boy 5: 04260015 - X


Girl 6: 04260020 - X


Girl 7: 04260020 - X


Boy 6: 04260030 - Δ


Boy 7: 04260035 - X


Girl 8: 04260036 - O


Boy 8: 04260115 - Δ

Hour of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon