4th HOUR: A FRIEND or a FOE?

2.5K 113 20
                                    

CYRIL'S POV

"So tama ba ang hinala mo?" agad na tanong ni Keiichi pagkapasok ko sa room niya. Umupo ako sa may sofa. Nakita kong nagkalat pa yung mga ginamit nito sa mesa.

"Yeah, he's Daniel's sister."

"So... stick tayo sa plan natin?" tanong niya habang hinuhugasan yung kagagamit niya lang na kutsilyo.

"Of course! Kailangang magbayad ang mga may pagkakautang," seryoso kong sabi sa kanya.

PERCY'S POV

Nang mapag-isa ako, inisip kong muli ang mga pangyayari at pagkatapos ay tumayo ako. Pinuntahan ko yung itim na box na may lamang patay na pusa. Ipinatong lang kasi ito ni Cyril kanina sa may mesa.

Binuksan ko ito at kahit nandidiri, tiningnan ko ang pagkakahiwa nito. Nagsuot muna ako ng gloves at saka inilagay sa isang tabi ang mga lamang loob nitong nakaharang sa bakas ng hiwa sa tiyan nito. Nasa kanan ko ang ulo ng pusa. Napansin kong hindi straight ang pagkakahiwa nito, bahagya itong nakalihis kung saan mas mataas ang sa kanang part. Binuksan ko ang hiwa sa may itaas nito. May maliit pang hiwa sa taas nito bago ang palihis na hiwa pababa. Pumikit ako at pilit inimagine ang posibleng kamay ng taong gumawa nito at kung paano niya ito ginawa. Left-handed, bigla kong naisip.

Tinakpan ko na ulit ang box at hinubad ang suot kong gloves. Kinuha ko yung flashlight sa bag ko at lumabas ng room. Nasa third floor ang room ko kaya kung sinumang pumunta sa room, posibleng dumaan siya sa hagdan. Tumingin ako sa corridor. Naulan mula kanina pa kaya may mga footprints pa dapat na makikita hanggang ngayon. Nakita ko naman yung mga footprints ko at mga footprints ni Cyril.

Ibig sabihin, naulan na rin nang umuwi siya dito kanina. Bukod sa footprints naming dalawa, wala na akong makita pang set of footprints na may bahid ng ulan. Wala ring bakas na may naglakad ditong galing sa labas.

Pilit kong inalala yung aninong nakita ko kanina. Tama, wala siyang dalang kahit ano. Wala siyang panangga sa ulan. At isa pa, masyado siyang tahimik tumakbo. Hindi siya nakasapatos. Bumaba ako ng hagdan at tiningnan ang corridor sa second floor. Iilan lang ang may bukas pa ang ilaw.

Napatago ako nang makitang papabukas yung isang pintuan.

"Naku naulan pa rin p're eh! Wala ka na ba talagang beer dyan?" tanong ng lalaking kalalabas lang ng unang room mula sa hagdan. Halos isang dipa lang ang layo niya sa pinagtataguan ko. Pero teka, hindi ako pwedeng magkamali... boses ni Cyril yun! So doon yung room nung tropa niya?

"Inubos mo na kanina di ba?" narinig kong sagot sa kanya nung lalaking kasama niya sa room.

"Oo nga pala! Sige bibili na lang ako sa vendo sa baba, akin na yang basura mo't ang lansa ng amoy!"

Teka, bakit nga pala ako nagtatago? Napangiwi ako nang marealize kung anong ginagawa ko. Tatalikod na sana ko para umakyat nang bigla akong matigilan sa sinabi ng kausap niya.

"Sino kayang nakaisip na pumatay ng pusa ngayong maulan?"

Bigla akong kinabahan. Biglang may kung anong nagregister sa utak ko.

"Fine. But I'm telling you... it's just a waste of time! Room 313 is reserved to Mr. Cyril Stynx Venozo and that's me!" nang-aasar pang sabi nito.

Cyril Stynx Venozo... Venozo...

Stephanie Galilei, 18 years old, College of Nursing
Kimberly Anne Galilei, 20 years old, College of Accountancy
Daniel James Montecer, 19 years old, College of Architecture
Cassiopeia Crux, 19 years old, College of Arts and Sciences
Conrad Bryan Telo, 20 years old, College of Engineering
Leah Fernita Venozo, 18 years old, College of Education
Yves Virtucio, 19 years old, College of Criminology

Prof. Samantha Patron, 42 years old, College of Psychology
Prof. Argel Joseph Rivera, 43 years old, College of Psychology
Mr. Domingo Reyes, 45 years old, school driver

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Maingat akong tumakbo paakyat at bumalik sa kwarto ko. Nilock ko kaagad ang pinto nang makarating ako dito. Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas ng pagtibok.

Nagpakita na ang isa sa kanila.

Isa sa mga posibleng tumulong sa kaso ni kuya.

Isa rin sa mga posibleng pumatay sa'yo Percy.., bigla akong natakot sa pumasok sa isip ko.

***

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon