10th HOUR: First Blood!

2.1K 95 10
                                    

Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ang daming matang nakatingin sa akin… I mean, sa amin ng kasama ko. Kasabay ko kasi sa pagpasok ang weirdong si Phillipse. Dahil ba puno pa rin ng benda yung magkabila kong braso o dahil kahit ang init-init ngayon nakahoodie-jacket itong kasama ko?

*bzzt bzzt* kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko.

1 new message
From Elize
Yieeh magkakalablayf ka na bestfriend! Boto ko jan kay papa Phillipse!

Napanganga ako sa text ni Elize. Ang babaeng iyon talaga! Sabi niya may tatapusin siyang project kaya maagang umalis! Nananadya pala siya! Nakuu!
I replied.

To: Elize
It’s not wat u think! >_<

Message sent!

“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Mamaya niyan madapa ka kakatingin sa cellphone mo!” masungit nitong sabi. Napasimangot ako. Ibinalik ko na yung cellphone sa bulsa ko at naglakad sa tabi niya.

“Hindi ka ba talaga naiinitan?” maya-maya’y tanong ko sa kanya.

“Hindi,” maiksing sagot nito.

“Akala ko ba hindi ka nalabas ‘pag may araw?” pang-iinis ko sa kanya.

“Hindi nga kasi ako vampire!” nakakunot ang noong sagot nito.

“Pero ayaw mo sa liwanag?”

“Sort of”

“Nyctophilic ka?”

Napatigil ito sa paglalakad. U-oh! May nasabi ba kong masama?

“I’m impressed you’ve found that word with that brain of yours!” sarcastic nitong sabi.

“Anong palagay mo sa’kin, walang utak? Tss,” nilampasan ko siya. Ayoko pa man din sa lahat, yung hinuhusgahan yung I.Q ko! Nakakainis!

“Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang pupunta sa gym ng 7 pm ng gabi at walang kasama?” sabi nito. Bigla akong natigilan.

“Paano mo nalamang 7 pm ako nagpunta ng gym?”

Hindi niya ako sinagot. Nauna itong pumasok ng room. Tiningnan ko yung room na pinasukan niya. Room ko din ito ah? Sinundan ko siya at nabigla ako nang mapansing nagbubulungan ang mga tao sa loob. Bulong na naririnig ko naman. Napasimangot ako.

“Look who’s here…”

“Malanding babae…”

“Bitch!”

“She deserves those bandages!”

“Carrier of a monster’s blood!” napatingin ako sa nagsabi nito. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

“My brother is not a murderer!” sigaw ko sa kanya.

“Oh yeah? Eh anong tawag mo sa taong pumatay ng tao? Ng maraming tao? Hindi ba murderer? Monster?”

“Stop it Yvette!” lumingon ako sa babaeng bagong dating. Biglang tumahimik ang lahat.

“Totoo naman ang sinasabi ko Pres! That girl’s brother is a murderer!”

“May ebidensya ka ba diyan?” tanong ni Cyril na kakapasok lang. Kasunod nito si Keiichi at Christine. Teka, room din ba nila ‘to? Oo nga pala, minor subject lang ito kaya pwedeng kumuha kahit taga-ibang department.

“Hindi pa ba sapat na ebidensya na yung kuya niya lang ang hindi pa nakikita ng mga pulis? For all we know baka nasa malayong lugar na iyon at nagtatago!”

Hour of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon