15th HOUR: Trapped

2.1K 104 7
                                    

Isang saglit pa at nakarating kami sa isang tulay na gawa sa pinagtagpi-tagping lubid at table ng kahoy. Paghakbang ko sa bukana nito, napalunok ako nang marealize kung gaano kataas ang pwesto namin.

"Oh bakit ka tumigil? Don't tell me, may takot ka sa heights?" rinig kong biro niya. Kinalma ko muna ang sarili ko at saka humarap sa kanya.

"W-wala akong takot s-sa heights noh!" sabi ko sa kanya. Shiz. Why did I stammer?

"Okay! Sumunod ka kaagad ha?" sabi niya at saka ako tinalikuran. Paghakbang nito ng isa, bigla itong tumigil at nilingon ako.

"Bakit?" tanong niya.

"Ha?" reaksyon ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak pala sa laylayan ng jacket niya.

Halaa?

Napabitaw ako bigla dito at saka napaiwas ng tingin. Narinig ko pa ang pagpipigil niya ng pagtawa.

"Ano tara na?"

"Oo! Susunod ako!" nakasimangot kong sabi sa kanya. Naramdaman kong pinatong niya yung isa niyang kamay sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko.

"You look like a scaredy kid that I want to give a piggy back ride," sabi pa niya sabay tawa. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Pero dahil mabigat ka, I'll hold your hand na lang ha?" dugtong niya pa sabay hawak sa kamay ko.

"H-hindi ako mabigat ah!" singhal ko sa kanya.

"Bakit magpapabuhat ka nga?" tanong niya sabay tawa.

"Syempre hindi!" sigaw ko sa kanya at saka ko siya hinayaang hilahin ako papunta sa bungad ng tulay. Tinablan na naman ako ng nerbyos nang makita ang tulay na tatawirin namin. Sa sobrang taas nito, parang naging manipis na linya na lang ang kahabaan ng ilog sa ibaba na mabilis ang pag-agos.

Paano kung mahulog kami dito?

Napalunok ako at saka napapikit. Napahigpit din ang kapit ko kay Phi na nagsimula nang humakbang. Dumilat ako at saka ko narealize na nakailang hakbang na kami. Napatingin ako sa baba. Para akong maduduwal nang panghinaan bigla ang mga tuhod ko. Shiz. I really hate heights!

"Kung titingin ka sa baba tapos matatakot ka lang, sa'kin ka na lang tumingin!" sabi niya sabay ngiti sa'kin. Nabawasan kahit papaano ang kaba sa dibdib ko. Siguro okay lang kahit magtagal pa kami dito basta si Phi ang kasama ko!

Ay shiz. Ano na naman ba 'tong pinagsasasabi ko sa sarili ko?

Kikiligin pa lang sana ako nang palihim nang biglang lumakas ang hangin at medyo gumalaw ang tulay. Napakapit tuloy ako sa braso ni Phi.

Shiz. Sabi ko nga natatakot pa rin ako!

"Kilala mo ba si Sherlock Holmes?" rinig kong tanong niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa'kin. Parang amused pa siya na nakikita akong natatakot tsk tsk.

"Hindi mo kilala?" tanong niya ulit.

"Yung detective yun di ba?" nakasimangot kong sagot sa kanya. Sa kanya na nga lang ako titingin para hindi ako matakot!

"Yup, he's a great detective. Alam mo bang gustong-gusto kong maging katulad niya?"

"Talaga? Kaya ba criminology ang kinuha mong course?"

"Oo nainspire ako sa way kung paano siya mag-isip at magsolve ng mga cases."

"Ahh..," napatangu-tango na lang ako.

"Nabasa mo na ba lahat ng adventures niya?" may halo pang excitement na tanong niya.

"Oo nung highschool ako. May collection kasi si kuya ng mga books ni sir Arthur Conan Doyle kaya kapag may time, nagbabasa ako," sagot ko sa kanya.

Hour of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon