29th HOUR: Last Manifesto

1.9K 77 2
                                    

“I’m the one who wrote it.”

“A-anong ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong ko sa kanya. Biglang nagflash sa utak ko yung tagpo kung saan nabasa ko ang pamilyar na manifesto sa notebook ni kuya. Ang mga tagpo kung kailan paulit-ulit kong tinatanong kung bakit nabasa ko ang mga salitang yun doon.

“You know that I was a Sherlockian right? I love all the adventures of Holmes as he solved different cases. Sa sobrang hilig ko sa mystery stories, nagkaroon ako ng idea na maging isang mystery writer.”

“Mystery writer? Ikaw?” Oo nga pala, kahit noong highschool ay kasali si kuya sa Journalism club dahil hilig nito ang pagsusulat ng mga literary piece. May koleksyon din ito ng iba’t ibang klaseng libro sa kwarto.

“Hindi ba bagay sa’king maging mystery writer? Tsk! So anyway, sa black notebook ko sinusulat yung mga naiisip kong drafts ng story ko. Since draft nga yun, magulo yung arrangement nun. Hiwa-hiwalay. Halo-halo,” huminga muna ito ng malalim at saka nagpatuloy. “When I was in the Camp, nakareceive ako ng tawag from a publisher. Nagpasa kasi ako sa kanila ng manuscript a week before the camp at nagkataong nasa Camp ako nang tumawag sila. Plano ko sanang saglit lang umalis nun pero nagkaroon kasi ng problema sa bus terminal kaya hindi ako nakauwi ng gabing yun.”

“Ibig sabihin, nang pumunta kami ni Elize sa camp ay ang araw na umalis ka din para pumunta sa publisher?”

“Yeah. Sa bus terminal ako nagpalipas ng gabi dahil hindi agad nakarating yung bus na magdadala sa’kin pabalik sa campsite. Kinabukasan ng umaga nang bumalik ako sa campsite at…”

“Bumalik ka kinabukasan? Kung ganun nakita mo ang itsura ng camp site?” Saglit itong natigilan at saka napapikit. Halata sa mukha nito ang disgusto sa pag-alala sa tagpong iyon.

“Yeah. It was horrible,” dumilat ito at saka ako seryosong tiningnan. “I found their lifeless bodies in the forest. Some were inside the house. It was a shocking sight. I never would have imagined na makakakita ako ng ganung tagpo and worse sa mga kakilala ko pa. Sobrang nakakapanlambot. I was about to call the police right then when someone from behind knocked me out. Hindi ko siya makilala dahil nanlabo bigla ang paningin ko. Basta ang alam ko, matangkad siyang lalaki at nakasuot siya ng itim na jacket. Pilit kong minulat ang mata ko. And then suddenly, may narinig akong sigaw mula sa isang babae kaya sinamantala ko ang pagkakataon at tumakbo palayo sa kanya. Tumakbo ako sa loob ng gubat. Nanlalabo na ang paningin ko nang mga oras na iyon pero tuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko namalayang padausdos na pala pababa ang nilalakaran ko kaya nadulas ako at nahulog pababa.”

Pumikit ito ng mariin at saka huminga ng malalim. Ramdam ko ang takot na nararamdaman ni kuya lalo pa at bahagya pang nanginginig ang mga kamay nito habang nagkekwento.

“Paggising ko, nasa isang kubo na ako at wala akong maalalang kahit na ano. Wala rin akong dalang kahit ano na pwedeng pagkakakilanlan kaya hindi namin alam kung anong gagawin. Pansamantala akong inalagaan ng matandang nakakita sa’kin sa ibaba ng bundok. Araw-araw, dinadalaw ako ng masamang panaginip. Panaginip na sa tuwing gigising ako ay nagpapasakit ng husto sa ulo ko.”

Kaya pala hindi makita kahit saan si kuya ay dahil nahulog siya sa bangin at nakarating sa paanan ng bundok. Bukod sa naranasan niyang sakit ng katawan ay nawala pa pati ang mga alaala niya.

”Matapos ang ilang buwan ay unti-unting bumalik ang mga alaala ko. I came back but I never informed anyone. Ayokong may madamay na malapit sa’kin. Lihim akong nagmatsag. Pero dahil hindi ko din kilala kung sinong kaaway ay nanatili akong tahimik until I found out about your camp. I asked the school admin about the camp that’s why we were able to know your location. Yun nga lang, huli na nang dumating kami sa tinutuluyan niyo dahil marami na siyang napatay. Kung sana maaga lang namin natunton ang campsite niyo… kung hindi lang sana masama ang panahon…”

Hour of DeathWhere stories live. Discover now