13th HOUR: Exploring the Insides

2K 94 9
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" agad kong tanong kay Christine pagkasilong namin sa entrance ng lodging house. Bumuhos na ang malakas na ulan. Napatakip ako ng tainga nang biglang kumulog ng malakas.

"Mabuti pa, pumasok muna tayo sa loob dahil mababasa tayo dito!" sigaw sa'min ni Phi. Sumunod naman kami dito. Hinanap namin yung switch ng ilaw. Buti na lang at may kuryente pa rin dito.

Si Christine ba yung nakita kong nakatingin sa'min kanina? Bakit kaya siya nandito?

"Oh!" sabay hagis sa'kin ni Phi nung puting towel. Nasa living room kami ng lodging house.

"Dalawa dala mo?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko kasing wala kang dala!" suplado nitong sabi. Lihim akong napangiti.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Christine habang nakaupo sa may sofa. Ibinalabal ko sa katawan ko yung towel at saka naupo sa harap niya. Ang ginaw!

"Gusto kong makita ng personal yung mga crime scenes," walang alinlangan kong sagot sa kanya.

"Ahh..," napatangu-tango ito.

"Ikaw?" baling ko sa kanya.

"Bumisita ako sa lugar kung saan namatay yung kuya ko," malungkot na sabi nito.

"Kuya mo? Sino?" tinaas niya ang tingin sa akin.

"Si kuya Bryan," mahina niyang sagot.

"Ikaw yung nagsindi ng kandila?" nagtatakang napatingin siya sa'kin. Ang inosente talaga ng mukha niya.

"Oo. Napansin ko kasing uulan na kaya dali-dali akong pumunta dito."

"Ikaw ba yung... kanina? Yung nakatingin samin?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Ngayon ko pa lang kayo nakita," sagot niya. Bigla akong kinutuban ng masama. Napalingon ako sa may bintana. Napatayo ako nang may makitang dumaang anino dito.

"Bakit?" tanong ni Phi.

"May dumaan sa may bintana!" sabi ko sabay turo sa bintana sa harap ng sofang inuupuan namin.

"B-Baka imagination mo lang yan," natatakot na sabi ni Christine. Napakurap-kurap ako. Parang may kung ano akong nararamdaman sa bahay na 'to.

Imagination ko nga lang ba yun?

Makalipas ang ilang sandali, napagdesisyunan naming libutin ang buong bahay. Inuna namin ang kusina na nasa 1st floor din naman kung saan nakita ang bangkay ng mag-asawang care-taker. Hinanap namin ang switch ng ilaw dito na nakita naman namin sa isang tabi.

Nang bumaha ang liwanag sa buong kusina, tumambad sa amin ang gulo-gulong mga gamit dito. May mga yellow tape pa sa paligid nito. Napatakip ako nang ilong nang maamoy ang masangsang na amoy ng natuyong dugo. Nadagdagan pa ang amoy nito ng singaw na nagmumula sa labas ng bahay. Bukas kasi yung maliit na bintana sa taas ng lababo kaya nabalot ng amoy ng dugo ang buong kwarto.

"Dito natagpuan yung bangkay ng mag-asawang Carbonel. Kung mapapansin mo, para silang kinaladkad mula sa kabilang room papunta dito," may dalawang matabang path nga ng dugo malapit sa lababo. May body outlines ng chalk sa dulong bahagi nito.

"Ibig sabihin, doon sa room na yun sila pinatay," nilingon ko yung room kung saan nagsimula yung path ng natuyong dugo. Naglakad ako papunta dito. May mga yellow tape din na nakadikit sa pinto nito. Kinuha ko yung gloves sa bulsa ko at sinuot ito. Pagkatapos, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.

Napatakip ako sa ilong ko nang salubungin ako ng nakakasulasok na amoy. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Naramdaman kong sumunod yung dalawa sa pagpasok ko.

Hour of DeathWhere stories live. Discover now