14th HOUR: The Camp

2.3K 104 14
                                    

"Paano kaya pinili yung mga kasama sa camp?" tanong ni Elize na nakaupo sa tabi ko. I looked at my watch. It's only 4am in the morning and here we are waiting for the other participants of the training camp. Ilang linggo na nga pala ang lumipas simula nang bisitahin namin ang Camp Chiatri at August na ngayon.

"Random daw ang pagpili sabi nung SSC President," sagot ko sa kanya. Or that's what I want to believe. Tiningnan ko ang mga taong kasama naming naghihintay. Si Cyril ay nasa isang sulok kasama si Keiichi at Christine. Si Yvonne naman ay may kausap sa phone habang may dalawa pang estudyante malapit sa'min na hindi ko kilala.

Ilan kaya kaming kasama?

"Narinig ko yung mga kwento about... you know, sa Camp Chiatri? Papaano kung mangyari din yun sa'tin? Natatakot ako!" halata sa boses nito ang pag-aalala. Bakit ba kasi pati ang bestfriend ko dinamay nila?

"Don't worry, walang mangyayaring masama sa'yo! Nandito lang ako!" nakangiting sabi ni Cyril na nakalapit na pala sa'min. Nalingunan ko sila Edison at Noemi na mga bagong dating.

Kasama din pala sila... Parang gusto ko tuloy isipin na hindi coincidence ang pagkakasama-sama namin sa dorm at ang pagkakakrus ng mga landas namin. Paano kaya kung nandito na ang killer kasama namin? Tiningnan ko yung SSC President na abala sa kausap nito sa cellphone. Ano kayang pinaplano ng Student Council at nag-organize sila ng ganitong event? Balak kaya nilang hulihin yung killer? Pero, paano naman kaya nila yun gagawin? Masama talaga ang kutob ko dito. Napailing na lang ako at napakibit-balikat.

Sana lang walang mangyaring masama...

Mukhang matagal pa naman bago umalis kaya napagpasyahan kong pumunta muna ng restroom malapit sa building kung saan kami naghihintay ng service. Isang pinto lang ito sa dulo ng pasilyo at base sa signage sa dingding nito, pwedeng pumasok dito babae man o lalaki.

Pagpasok ko sa loob, bahagya pa akong nakaramdam ng ginaw dahil sa malamig na hanging biglang dumaan. Hinubad ko muna ang suot kong jacket at saka inayos ang suot kong sleeveless shirt na tinernuhan ko ng jogger pants. Humarap ako sa malaking salamin sa harap ng apat na cubicle at tiningnan ang repleksyon ko. Yosh!

Bago ako pumasok sa unang pinto, narinig ko pang may gumagamit sa dulong cubicle. Napalunok ako. Naalala ko na naman ang ilang kwentong nabasa ko noon tungkol sa mga white lady na nagpapakita sa mga CR kapag mag-isa ka lang pumasok sa loob o kaya naman mga poltergeists na dumudungaw sa taas ng pinto ng cubicle habang nasa loob ka at nakaupo. Shiz. Dali-dali akong pumasok sa loob ng pintong kaharap ko at inilock ito. Sobrang tahimik. Napailing na naman ako. Langya Percy ang duwag mo talaga sa dilim! Pilit kong kinalma ang sarili ko. Ilang saglit pa bago ko naramdaman ang paglabas niya. Napahinga ako ng maluwang at saka napailing. Kapag madilim talaga, nagiging paranoid ka Percy!

Pagkalabas ko sa cubicle, parang biglang bumagal ang tibok ng puso ko nang makita ko kung anong nakasulat sa puting tiles ng lababo.

HI PERCY, LARO TAYO.

Napaatras ako. Hindi multo o kung anumang maligno ang nandito kanina. Nandito siya! Nandito ang killer na hinahanap ko! Lipstick ang ginamit na pangsulat ng salarin.

Kung ganun... babae siya? Babae ang killer?

Dinampot ko na ang jacket ko at saka lumabas ng restroom. Lakad-takbo ang ginawa ko para makabalik agad sa mga kasama namin. Hindi ko pinahalata ang nararamdaman kong takot nang salubungin ako ni Elize at itanong kung saan ako galing. Sino kaya siya? Aish! Bahala na nga! Kung sino man siya, sisiguraduhin kong mahuhuli ko siya! Maya-maya pa, dumating na rin yung dalawang prof na mukhang makakasama namin sa camp.

Hour of DeathDär berättelser lever. Upptäck nu