28th HOUR: Escapees

1.8K 77 5
                                    

KILLER'S POV

"I’m sorry Percy but it’s now your hour of death.”

Napangiti ako nang unti-unti nang nanghihina si Percy sa harap ko. Sa wakas ay mawawala na rin ang malaking balakid sa buhay ko.

“What are you doing?” natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. May isang aninong dahan-dahang papalapit sa’min. Isang pamilyar na anino. Mula sa liwanag na nagmumula sa labas ng bahay ay bahagya kong nasilayan ang mukha niya. Magkahalong saya at pananabik ang naramdaman ko nang tuluyan kong makita ang kabuuan niya.

“D-Daniel!” sigaw ko sabay takbo palapit sa kanya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. “I missed you!”

“Bitiwan mo ko!” malakas niya akong itinulak kaya napaupo ako sa sahig. “Anong klase kang halimaw ha?” galit na galit na sigaw nito.

“A-Anong sinasabi mo? I was just doing what you want…” nilapitan nito si Percy at saka binuhat.

“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo Elize. I didn’t know you were such a monster, that you could do this to my sister…” napailing ako habang pinapakinggan siya. No, this can’t be happening. Punong-puno ng galit at pandidiri ang boses niya. He hates me so much?

“No way… I read the draft in your notebook. It was a message for me right?” tumalikod ito at saka gumawi sa may pinto.

“Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, ako mismo ang papatay sa’yo!”

Nag-uunahang bumagsak sa magkabila kong pisngi ang mga luha ko. Hindi pwedeng mangyari ‘to. Hahakbang pa lang sana ako palapit sa kanya nang hilahin ako ni Drake palayo.

“Bitiwan mo ko!” kinaladkad niya ko palayo hanggang sa hindi ko na makita pa si Daniel. “Ano bang ginagawa mo? It was Daniel!”

“Hindi mo ba magets kung anong nangyayari? May mga rescuers ng dumating! Mas maaga silang nakarating hindi tulad ng inaasahan natin! Kailangan na nating tumakas!”

“Pero—“

“Gusto mo bang mabulok sa bilangguan ha?” hinawakan niya ko ng madiin sa magkabilang balikat ko. Ramdam ko ang pagdiin ng mga kuko niya sa balat ko. Mahapdi. Masakit. Pero mas masakit pa rin sa pakiramdam ang mga sinabi ni Daniel kanina.

“Si Daniel…” mahina kong sambit.

“Let’s go!” hinayaan ko na lang siya na kaladkarin ako palabas ng bahay. Dumaan kami sa pinto papunta sa likod-bahay. Sinalubong kami ng malakas na hangin. Ramdam ko din ang lamig dulot ng malakas na ulan na dumadampi sa balat ko.

“Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, ako mismo ang papatay sa’yo!”

“Sandali!” pigil ko kay Drake sa pagtakbo.

“Bakit?”

“Hindi ako makakapayag na umuwi sila ng ligtas! Papatayin ko silang lahat!” kinuha ko ang detonator na nasa coat ko at saka tumingin sa iniwan naming lodging house.

“Mamatay kayong lahat!” walang pag-aatubiling pinindot ko ang detonator at maya-maya pa’y nakarinig na kami ng malakas na mga pagsabog. Napangiti ako nang makita ang makapal na usok na nagmumula sa malaking bahay.

“Let’s go!” hinawakan ako sa kamay ni Drake at saka kami tumakbo palayo sa lugar na iyon.

***

PERCY’S POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Sa una ay medyo malabo pa pero nang lumaon ay luminaw na rin ang paningin ko. Puro puti lang ang nakikita ko sa harap.

Hour of DeathWhere stories live. Discover now