3rd HOUR: Bloody Present

2.7K 119 12
                                    

Pumunta na ako sa dorm na tutuluyan ko dala-dala yung box ng gamit ni kuya.

Pagdating ko dito, napansin kong hindi ito nakalock at may kung sinong taong nasa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at maingat na pumasok.

Pinakiramdaman ko ang buong kwarto. Binaba ko muna yung box sa kama ko. Mukhang nasa CR yung salarin. Kumuha ako ng pwedeng pamalo at pumwesto sa bungad nito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Paano kung masamang tao pala ang nasa loob? May mga tao na kaya sa mga katabi kong room na pwedeng sumaklolo sa'kin? Paano kung wala? Mamamatay na ba ko agad hindi pa man nagsisimula ang klase sa school na 'to?

Nang bumukas ang pinto, akmang ihahampas ko na sa kanya yung walis na hawak ko nang bigla siyang umiwas palayo at magsalita.

"What the hell do you think you're doing?" bigla akong natigilan. Hindi naman siya mukhang masamang tao pero, bakit siya half-naked at mukhang bagong ligo?

"Who are you?" balik kong tanong sa kanya.

"Ako kaya ang unang nagtanong!" malakas na sabi niya sabay upo sa kama KO.

"Hey! Wag ka ngang basta-basta uupo sa hindi mo kama!" sita ko sa kanya. Tumawa lang ito nang nakakaloko.

"This is my room!" tumayo ito at pumunta sa may cabinet.

Teka, may laman na yung cabinet ng mga damit niya? Wala pa yun kanina ah! Teka, hindi kaya nagkamali ako ng room na pinasukan?

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Nasa isang gilid yung mga bagahe ko at books na iniwan ko dito kaninang umaga. This is my room!

"Hey mister-whoever-you-are! Mukhang nagkamali ka ng room na pinasukan! This is room 313 kaya sure akong-" napalaki ang mata ko nang makitang tinanggal nito ang towel na bumabalot sa lower part niya habang nakatalikod sa'kin. Nakabrief lang siya! Agad akong tumalikod dito. Narinig ko pa yung pagtawa niya.

"Alam kong room 313 'to miss at ito nga ang room ko!" rinig kong sabi niya.

Aish! Nakakairita siya!

"Pwede ka ng humarap miss!"

Humarap ako sa kanya habang nakapameywang. Nakasuot na ito ng boxer shorts at jersey na sando.

"Ako ang may-ari ng room na 'to kahit itanong mo pa kay ma'am Carmen!" mataray kong sabi sa kanya. Si Ma'am Carmen yung matandang babaeng care-taker ng dormitory.

"Fine. But I'm telling you, it's just a waste of time! Room 313 is reserved to Mr. Cyril Stynx Venozo and that's me!" nang-aasar pang sabi nito. Sasagot pa sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami.

Gumawi ako sa may pintuan at padabog na binuksan ang pinto.

Walang tao.

Humakbang ako palabas ng pinto para tingnan kung nasa malapit pa yung kumatok. May napansin pa akong aninong tumatakbo papunta sa may hagdan.

Sino yun?

"Sinong dumating?" rinig kong tanong nung lalaki sa loob. Ano nga ulit name niya? Naramdaman ko ang paglapit niya sa likod ko.

"Hindi ko nakita kung sino eh!" sagot ko sa kanya. Napansin ko naman ang isang di-kalakihang itim na box sa lapag. Kinuha ko naman ito at binuhat.

"Ano yan?" tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. Pagtanggal ko sa takip nito, bigla ko itong nabitawan.

"What the heck is this?"sigaw nito. Ako nama'y masuka-suka na habang nakatingin sa laman nito. Nahulog mula dito ang isang patay na itim na pusa na may hiwa sa tiyan at labas na ang mga lamang-loob. Punung-puno ng dugo ang puting tela na nasa loob ng box. Umupo ito at at tila may kinuhang kung ano sa loob nito.

"Look!" tiningnan ko naman yung kinuha nito. Isang kwintas.

"Teka, parang pamilyar yan ah!" sabi ko sabay hablot sa kwintas. Tinitigan ko ito. Cross ang pendant nito na may nakapaikot na singsing. Tiningnan ko ang inner part ng singsing at nakita ko ang initials na D.M. Parang may biglang kumirot sa puso ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagbrowse ng pictures. Nakita ko naman yung hinahanap ko. Zinoom-in ko yung picture ni kuya at nakita kong pareho ang kwintas na ito sa kwintas na suot ni kuya sa picture.

"Ohh... sa kuya mo yang kwintas?" tanong nito. Tumango ako. Papaanong nandito ang kwintas ni kuya?

Ibig bang sabihin... yung nagpadala nito, may kinalaman sa kung anong nangyari sa Camp? At alam niya ang relasyon ko kay kuya kaya sa'kin niya 'to pinadala?

"Hey!" tinapik nito yung balikat ko. "Are you okay?"

"Y-yeah..." mahinang sabi ko sa kanya.

"Is he also involved with the Camp Chiatri case?" maang na napatingin ako sa kaniya.

"Alam mo ang tungkol doon?" bigla itong natigilan. Maya-maya, ngumiti ito.

"Balita na sa buong campus ang tungkol sa nangyari sa Camp Chiatri kaya halos lahat alam ang tungkol doon," nag-iwas ito ng tingin at saka inayos yung patay na pusa. Ibinalik niya na ito sa box at saka tinakpan.

"Ganun ba? Akala ko pa naman..." napailing ako. Tumayo na rin ako at saka siya hinarap. "Ang mabuti pa, sabihin natin kay ma'am Carmen ang tungkol sa nangyari dito."

"Bukas na lang siguro, masyado na kasing gabi kung aabalahin pa natin siya," mahinahon nitong sabi.

Maya-maya may tinawagan ito. Ako nama'y pumunta sa mga gamit ko at tinago ang kwintas ni kuya sa accessory box ko. Paglingon ko sa kanya, tapos na itong tumawag.

"Doon na lang muna ako matutulog sa tropa ko habang hindi pa naaayos yung problema natin dito sa room," sabi niya sa'kin. Napahinga ako ng maluwang sa sinabi nito. "Ano nga palang name mo?"

"Percy," maiksi kong sagot.

"Ahh... Percy... I'm Cyril, nice meeting you!" naglahad ito ng kamay na tinanggap ko naman.

Maya-maya, nagpaalam na siya at naiwan na akong mag-isa sa room.


***

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon