5th HOUR: Death Threats

2.4K 111 4
                                    

Dahil 1st day of class ngayon, maaga akong naghanda sa pagpasok. Ilang beses ko pang chineck yung mga gamit ko kung sakaling may makalimutan ako.

Napalingon ako sa may pinto nang marinig kong may kumakatok dito. Baka si Cyril na 'to. Inisip ko kung anong dapat kong maging actions ko sa harap niya ngayong alam ko nang posibleng hindi coincidence ang pagpunta niya sa room ko kagabi.

Fine! You should just act normal Percy!

Pumunta ako sa may pintuan at binuksan ito. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Best friend!!! Yiee!! Surprise!!" napakurap-kurap pa ako ng ilang beses nang makita siya.

"Oh shocks! Elize! What are you doing here?" excited kong tanong sa kanya. Mas nanlaki ang mata ko nang makitang nakasuot ito ng parehong uniform ko at may bitbit na malaking bagahe.

"Dito ako nag-enroll para magkasama tayo!" nakangiti niyang sabi. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Kung ganun, may kakampi na ko sa school na 'to! Napansin kong kasama pala nito si ma'am Carmen na ang laki ng pagkakangiti habang nakatingin sa amin.

"Ay ma'am Carmen, nandiyan po pala kayo! Good morning po hehe," sabi ko sa matanda.

"Nakakatuwa naman kayong dalawa! Naalala ko tuloy yung nakababata kong kapatid sa inyo!" nakangiti pa nitong sabi.

"Bakit po pala kayo napadalaw?" tanong ko sa kanya. Bigla kong naalala yung problema namin ni Cyril sa room. "Ay oo nga pala-"

"Tumawag kaninang umaga si Mr. Venozo at sinabi nga ang problema sa room niyo. Actually, hindi lang talaga tayo nagkaintindihan," napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Malaki kasi itong room 313 kaya hindi lang siya pang-isahang tao. Sa katunayan niyan, apat kayong nakareserved dito."

"Apat po? Sa iisang room?" malakas kong tanong sa kanya.

"Oo hija, bale iaakyat mamaya yung dalawang double deck at ililipat sa kabila yung kama na nandiyan sa loob," paliwanag nito.

"Eh sino pa po yung dalawa naming makakasama sa room?" tanong ko pa.

"Present!" tumaas ng kamay si Elize. "Ako yung isa Percy tapos hindi ko kilala yung isa!" nakangiti nitong sabi. "Pasok ko lang 'to!" mahina niyang sabi at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng room.

"Lalaki yung isa niyo pang kasama sa room, tumawag siya kanina at sabi niya mamayang hapon daw or bukas siya maglilipat ng gamit," sagot ni ma'am Carmen maya-maya.

"Bakit hindi po kami puro babae? Hindi po ba mapanganib na may kasama kaming lalaki sa room?" mahina kong sabi sa kanya.

"Ay naku hija! Wala kang dapat ipag-alala! May mga guards naman na nag-iikot gabi-gabi dito at laging on-duty sila sa baba 24/7! Isa pa, mga kilalang pamilya lang ang nakakaafford sa dorm na 'to kaya nasisiguro kong safe kayo dito!"

Ayoko pa rin sana yung idea na may mga hindi kami kilalang lalaki na makakasama sa room pero dahil alam ko namang wala akong magagawa, nanahimik na lang ako. Maya-maya, nagpaalam na si ma'am Carmen kaya pumasok na ako ulit sa room.

"Pasok na tayo?" tanong niya sa'kin na halatang excited.

"Hindi ka naman halatang excited niyan?" natatawang sagot ko sa kanya.

"Obvious ba?" nakatawang sabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa. Maya-maya, sabay na kaming pumasok sa school. Sa Criminology building ako samantalang si Elize ay sa Nursing building na medyo may kalayuan sa main gate. Nagpaalam na ako sa kanya nang matanaw ang building ko.

*bzzt bzzt*

Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ng palda ko nang maramdamang nagvibrate ito.

1 new message
From +639776660***
Be careful to who you trust.

Napakunot ang noo ko sa nabasa. Weird. Binalik ko sa bulsa ko yung cellphone ko at nagtuloy sa paglalakad. Nagulat na lang ako nang biglang may malakas na bumangga sa'kin. Kasunod nito ang pagbagsak ng isang hollowblock sa pwesto ko kanina. Tumingin ako dun sa bumangga sa'kin. Wala na siya. Tumingala ako para tingnan kung saan nanggaling yung hollowblock. Mula sa rooftop? Hindi ko maaninag kung sino yung nasa taas pero alam kong sa akin siya nakatingin kanina. Bigla akong kinabahan kaya patakbo akong pumasok sa building namin.

Paano na lang kung hindi ako nabunggo nung lalaki kanina?

Napapikit ako sa imaheng biglang nagpop-out sa imagination ko. Tinayuan ako ng mga balahibo.

Nang makarating ako sa classroom namin, agad akong dumiretso sa likuran at doon naupo. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

*bzzt bzzt*

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko.

1 new message
From +639776660***
They're going to kill you.

Tinitigan ko yung text message. They're going to kill you. Bakit? Anong kasalanan ko? At sinong sila? Sinong gustong pumatay sa'kin?

Naalala ko na naman yung sinabi ni Dr. Serrano.

"I'll be honest with you Ms. Montecer, ang mga pulis kasi... ang tinuturing nilang main suspect sa kaso ay ang kuya mo."

So pati sila... pare-pareho sila ng iniisip.

Lahat sila si kuya ang sinisisi...

Huminga ako ng malalim at pinapayapa ang tibok ng pusok. Percy, you're not here to be a victim! You're here to prove your brother's innocence and to save him from that monster!

Hinawakan ko yung kwintas ni kuya na suot ko.

I promise, I'll save you kuya...

Tiningnan ko ulit yung text message at nireplayan yung number.

To +639776660***
Who are you?

Message sent!

*bzzt bzzt*
1 new message
From +639776660***
Someone who cares. ~L

L? Mapagkakatiwalaan ko kaya 'tong L na 'to? Teka, hindi kaya... siya yung bumangga sa'kin kanina? Para iligtas ako dun sa gustong pumatay sa'kin? Hindi kaya... kilala niya si kuya Daniel?

To +639776660***
You know my brother?

Message sent!

*bzzt bzzt*
1 new message
From +639776660***
Sort of. ~L

Parang may biglang kumiliti sa loob ko. Bigla akong naexcite. Kilala niya ang kuya ko! Rereplayan ko pa sana si L kung hindi lang dumating yung prof namin.

Sana tulungan niya ako...

***

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now