7th HOUR: Bathed with blood

2.1K 102 2
                                    

Pagkadilat ko ng mga mata ko, wala akong makitang liwanag. Naramdaman ko pa ang bahagyang pagsakit ng likod at binti ko. Ang hapdi rin ng mga braso ko. Naramdaman ko ring medyo basa ako.

Umulan ba kanina? Teka, nasaan ako?

Bumangon ako at pakapa-kapang humakbang. Nang masanay na ang mga mata ko sa dilim, naaninag ko ang pintuan. Kahit na nanghihina, pilit ko itong tinulak para buksan.

Shiz bakit ayaw mabukas?

"Tulong! Tulungan niyo ko!" malakas kong sigaw. Naramdaman kong parang may gumalaw sa likod ko. Lumingon ako at sumandal sa may pintuan. "S-Sino yan? M-May tao ba diyan?" tanong ko. Hindi ako takot sa dilim pero medyo may takot ako sa multo. Nagsimula na akong kabahan nang maaninag ko na parang may bulto ng tao sa isang sulok.

Parang... may taong nakaupo?

Napalunok ako. Bigla kong naalala yung mga horror films na napanood ko. Shiz! Kaya ayokong nanonood ng horror ei! Masyadong malawak ang imagination ko kapag madilim! Nagiging paranoid pa ko! Tiningnan ko maigi yung pinagmulan ng nakita kong gumalaw kanina. Paano kung... bigla na lang niya akong atakihin?
Bigla kong naalala yung cellphone sa bulsa ng palda ko. Ayun! Buti na lang nandito pa siya! Ginamit ko ang backlight nito at dahan-dahang lumapit sa pinanggalingan ng ingay kanina.

Tao naman siguro siya di ba? Hindi naman siguro siya multo?

"Ahm... okay ka lang ba?" kulbit ko dun sa taong nakaupo. Hindi ko pa makita yung mukha niya dahil nakatungo ito at may suot na hood. Yung dalawang braso pa nito ay nasa kanyang tuhod.

"Wui!" kulbit ko pa ulit sa kanya. Gumalaw ito at dahan-dahang tumingin sa'kin. Napapitlag ako nang magtama ang mga mata namin.

"What?" tinatamad nitong tanong, halatang bagong gising lang.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya kahit medyo nawiweirduhan sa kinikilos nito. Hindi kaya... multo na itong kausap ko? Napalunok ako sa naisip ko.

"Kanina oo, ngayon hindi na!" tinutok ko sa kanya yung phone ko kaya nakita kong nag-unat siya. "Hey! Keep that off my face!" suplado nitong sabi. Ang sungit! Ibinaba ko naman ito at saka sinabayan siya sa pagtayo. Pero at least, hindi siya multo Percy! Wala naman kasing multong nagsusuplado di ba?

Lumapit ito sa may pintuan at pilit itong binubuksan.

"May naglock yata niyan sa labas!" naiinis kong sabi sa kanya. Narinig kong huminga pa ito ng malalim at saka sinipa yung pintuan. Napanganga na lang ako nang makitang bumagsak yung pintuan sa sahig.

"Wow..." namamangha kong sabi. Sumunod ako sa kanyang lumabas. Mukhang nasa storage room kami kanina. Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng katawan ko, pati ang hapdi sa magkabila kong braso't binti.

Nakalabas naman kami ng gym gamit ang emergency exit. Hindi pa rin nalingon yung lalaki sa'kin. Nakaramdam ako ng inis.

Hindi ba dapat alalahanin niya man lang ako kahit papano? Babae kaya ako! At madilim ang nilalakaran-

Bigla akong nabunggo sa likod nito nang bigla itong tumigil sa paglalakad.

"Bakit ka tumigil?" tanong ko sa kanya.

"Bakit mo ko sinusundan?" suplado niyang tanong. Gwapo kaya ito para magsuplado? Napasimangot ako.

"Dito po kasi yung papunta sa dorm ko!" mataray kong sabi sa kanya at saka naunang maglakad kahit medyo mahapdi talaga yung mga binti ko. Natuwa naman ako nang maaninag ang liwanag na nanggagaling sa guard house ng dorm.
Kakawayan ko na sana si manong guard nang bigla akong hawakan sa braso nung lalaking kasama ko.

"Anong nangyari sa'yo?" medyo mataas ang boses na tanong nito.

"Ha? Anong 'anong nangyari sa'kin'? Bakit?" nagtataka kong tanong.

"You looked like a zombie! Manhid ka ba't hindi mo maramdamang punung-puno ka ng dugo?" kahit medyo galit, nakaramdam ako ng pag-aalala sa boses nito.

Biglang nagsink-in sa'kin ang sinabi niya at tiningnan ang sarili ko.

Kaya pala parang ang lagkit ko...

Kaya pala parang may mahapdi sa mga braso't binti ko...

Ang dami kong dugo...

Halos naging kulay pula na yung suot kong puting uniform. At dahil naging aware na ko sa katawan ko, naramdaman ko ng sabay-sabay lahat ng iniinda kong sakit kanina.

Parang narinig kong may sinabi pa siya pero bigla na lang akong nahilo at nagdilim na ulit ang paningin ko.

Am I dead already?

***

A/N:
What you do not know won't hurt you. But truth hurts. Kaya ayun, nahimatay siya. Mehehe may masabi lang si author! >_<

mag-Comment naman kayo!

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now