12th HOUR: Camp Chiatri

1.9K 87 12
                                    

Nagising ang diwa ko nang marinig ang tunog ng alarm clock sa mesa sa tabi ko. Dumapa ako at habang nakapikit ay pinindot ang stop button nito. Bumalik ako sa pagkakatihaya at saka dahan-dahang dumilat. Muntik na kong mapasigaw nang ang unang bumungad sa'kin ay ang nakatitig na mukha ni Phi.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya sabay bangon. Hinila ko yung kumot ko at saka tinakip sa katawan ko.

Ang ginaw!

"Tanghali na, bumangon ka na!" nakakunot ang noong sabi nito.

"Wala akong pasok!" naka-pout kong sabi sa kanya.

"Alam ko! Classmates kaya tayo, nalimutan mo?" sabi niya. Oo nga pala, criminology student din siya.

"Oh eh bakit mo ko ginising?"

"Hindi kita ginising. Hinintay kitang magising,"sabi nito sabay iwas ng tingin.

Hinintay niya kong magising? Aww...

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May pupuntahan tayo," bigla akong naexcite sa sinabi niya. Niyayaya niya ba akong makipagdate?

"Date?" huli na para bawiin ko ang nasabi ko na. Ay shiz. Tiningnan ko ang reaksyon niya. hindi siya makatingin sa'kin.

"Pwede rin... after nating pumunta sa lugar na iyon," mahina nitong sabi.

"Saan?" excited kong tanong.

"Sa Camp Chiatri."


***

Halos isa't kalahating oras din ang tinagal ng byahe namin bago ihinto ni Phi ang kotse niya sa isang may di kalakihang gate na gawa sa kahoy. Sa itaas nito ay may nakasulat na "Welcome to Camp Chiatri".

"Mga 15 minutes pa yung lalakarin mula dito papunta sa lodging house ng Chiatri," sabi niya pagkababa ko ng kotse. Tiningnan ko ang lalakaran namin. May mga matataas na talahib sa daraanan at mukhang may masukal na gubat sa loob.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad.

"Yung uncle ko kasi ang inassign na inspector sa kaso dito at isinama niya ko dito ng isang bese," sagot niya.

"Ibig sabihin, may basic info ka about the case?"

"Alam ko yung mga names ng victims at kung paano sila namatay"

"Alam ko na rin yun ihh," mahinang sabi ko.

"Ibang info ang sinasabi ng mga pulis sa mga outsiders. Hindi ganun kadetailed," sabi nito.

"Paanong iba?"

"Ano bang nalaman mo?"

"Natagpuan ang bangkay ng mag-asawang Carbonel sa may kitchen, parehong may dalawang hiwa sa bandang tiyan. Yung 6 students, 2 professors at driver naman ay sa kakahuyan-" napatigil ako nang makita ang isang puno. Napatakbo ako dito. May lubid pang nakatali sa isang sanga nito habang ang ugat nito'y halos maging kulay pula na sa natuyong dugo. May yellow tape na nakasabit din dito.

"Yves Virtucio, 19 years old from College of Criminology. Dito siya binitay ng killer pagkatapos saksakin ng 13 times sa katawan."

"WHAT?" hindi ako makapaniwala sa narinig. Paano magagawa ng isang tao ang ganoong klaseng krimen? Naisip ko na naman yung pagkamatay ni Yvette. Wala talaga siyang awa.

"Mag-iingat ka kay Yvonne dahil kapatid niya si Yves."

"Yung SSC President?"

"Oo, sigurado akong siya ang nagsuggest ng camp na gaganapin next next week. Isa lang yun sa mga nakikita kong plano niya para makapaghiganti," seryoso nitong sabi. Mukhang may malalim pa itong iniisip.

Hinawakan ko yung katawan ng puno. Nasaksihan ng punong ito ang isang karumal-dumal na krimen.

"Tara na!" yakag niya sa'kin. Naramdaman kong parang may nakatingin sa'min sa likod kaya napalingon ako dito. Bahagya ko pang napansin ang isang aninong biglang nagkubli sa matataas na talahib.

Sino yun?

Napahawak ako sa braso ni Phi. Nakakunot ang noong tiningnan niya ako.

"Parang may tao Phi..," tumigil na rin siya at tumingin sa likod. Lumingon-lingon pa ito ng ilang beses. Nagulat ako nang biglang may tumalon sa harap namin na isang itim na pusa. Napahugot ako ng malalim na hininga.

"Pusa lang pala!" sinamaan niya ako ng tingin.

"Pero-"

"Tara na bago pa tayo abutin ng ulan!" sabi nito. Napatingala ako. Makulimlim nga ang panahon, nagbabadya ng malakas na ulan. Tumakbo na ako palapit kay Phi at naglakad sa tabi nito.

Sunod naming pinuntahan ang isang malaking bato na may mga bahid ng natuyong dugo. May nakapalibot ditong yellow tape at bakas ng chalk na pinang-outline sa katawan ng biktima. Mukhang may nagsindi pa ng kandila sa ibaba nito.

"Conrad Bryan Telo, 20 years old from the College of Engineering. Dito siya natagpuan ng mga pulis, katulad ni Yves, may 13 din siyang saksak at sa batong ito siya nabagok at tuluyang namatay."

Nahugot ko ang paghinga ko. Naalala ko bigla yung nabasa ko sa notebook ni kuya kahapon.

I'm the 13th guest who will end this scheme.

13th guest... 13 na saksak...

Pero bakit sa notebook ni kuya pa?

Isinulat ko ang detalyeng sinabi ni Phi sa notebook ko gayun din ang paraan ng pagkamatay ni Yves. Maya-maya, nakarating kami sa isang ilog. Mabato dito at malakas ang pag-agos.

"Dito naman nakita yung bangkay ni Cassiopeia Crux, 19 years old from the College of Ats and Sciences. Halos hindi na maidentify yung mukha niya dahil punung-puno ito ng hiwa. Mukhang sa kanya pinakagalit ang killer," tumigil saglit sa pagkekwento si Phi.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Tinanggalan siya ng puso," sagot nito.

"Katulad ni Yvette?" agad kong tanong. Tumango ito.

"Nakita rin sa katawan niya na pinainom pa siya ng isang mataas na uri ng lason," dagdag nito. Napatulala lang ako sa tubig. "Nakikita mo ba yung punong iyon?" nilingon ko yung tinuturo niya. "Diyan naman nakita yung magkapatid na Stephanie at Kimberly Anne Galilei. Pareho silang may mga saksak at sugat sa katawan."

Nagsimula nang umambon kaya tumakbo kami. "Malapit na dito yung bahay kaya bilisan mo!" sigaw niya sa'kin at tama naman siya dahil saglit lang at nakarating na kami dito.

Pero mukhang may tao nang nauna sa amin. Mataman siyang nakatingin sa amin habang sa labi niya'y namuo ang isang makahulugang ngiti.

Bakit siya nandito?

***

A/N:
Sino sa tingin niyo yung nakita ni Percy? Comment muna! (^_^)/

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now