2nd HOUR: Incomplete Story

3.6K 139 17
                                    

Pagkababa ko ng mga gamit ko sa dorm, dumiretso agad ako sa dean's office ng ng College of Architecture ng Elite's Academy at hinanap ang dean. Hindi naman ako nahirapang hanapin ito dahil mukhang inaasahan niya na ang pagdating ko.

"Nandito na lahat ng gamit ng kuya mo na narecover namin sa kampo," sabi ni Dr. Serrano pakaabot sa'kin ng malaking box. Dr. Serrano is an old woman, mga nasa 40's or 50's na kababakasan mo ng pagiging strict but warm at the same. May suot itong makapal na salamin at halos kulay puti na ang maiksi nitong buhok. Mga 5'6 ang original height nito pero dahil sa katandaan ay medyo baluktot na ang pagtayo nito. Naalala ko tuloy bigla yung lola ko sa kanya.

"W-Wala pa rin po bang balita sa katawan ng kuya ko?" tanong ko sa kanya. Saglit itong tumahimik, tila tinatantya kung sasagutin ba niya ang tanong ko o hindi.

"I'll be honest with you Ms. Montecer, ang mga pulis kasi... ang tinuturing nilang main suspect sa kaso ay ang kuya mo," seryoso niyang sagot. Napalunok ako.

"P-Po? B-bakit? Hindi makakagawa ng ganung bagay ang kuya ko! I swear!" napatayo ako sa kinauupuan ko.

"May mga nakitang sachet ng drugs sa kwartong tinutuluyan ng kuya mo sa camp at-"

"No way! Kilala ko si kuya! He's not a drug addict! Hindi niya magagawa ang binibintang niyo!" sigaw ko sa kanya.

"We're not yet sure about that Ms. Montecer. Hangga't hindi pa natatapos ang investigation, mananatiling suspect ang kuya mo. Kaya kung sakaling kokontakin ka niya o ang pamilya mo, mas makakabuti kung makikipagtulungan ka sa mga pulis," kalmadong sabi nito.

Napabuga na lang ako ng hangin out of frustration.

***

"Shiz! This can't be true! My brother is so good to commit such crime!" sabi ko kay Elize. Pagkalabas ko ng dean's office, tinawagan ko kaagad ito para maglabas ng sama ng loob.

"I know right Percy! Kaya chill ka lang noh! Lalabas at lalabas din ang totoo!"

"Sana nga... argh! I hate it!" napasipa ako sa damuhan sa sobrang inis.

"So tatagal ka kaya diyan sa school na iyan?"

"I need to know the truth. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nalilinis ang pangalan ng kuya ko!" determinado kong sabi sa kanya. Ibinaba ko na ang tawag at nagtuloy sa garden ng school.

Walang masyadong tao dito ngayon. Bukas pa kasi ang start ng class at ang mga students lang na makikita ngayon sa school ay yung mga tumutuloy sa dorm. Ibinaba ko yung box ni kuya sa tabi ko at inilabas yung notebook ko sa bag.

Pagkatapos kong malaman kung anong nangyari sa kuya ko, naghanap ako ng impormasyon sa pulisya tungkol sa Camp Chiatri. Ayon sa kanila at sa record na rin ng school, seven students ang pinadala ng school kasama na dun ang kuya ko. May kasama silang dalawang professors at isang driver.

Ayon sa pahayag ni Dr. Serrano sa mga pulis, sa bahay na tinuluyan nila kuya sila unang dumiretso. Dito nila nakitang patay ang mag-asawang care-taker nito na sina Mr. and Mrs. Carbonel. Pareho silang may dalawang hiwa sa may bandang tiyan.

Nang magtawag sila ng rescue team para hanapin ang mga students, natagpuan nila sa malapit na kakahuyan ang mga bangkay ng mga ito. Tinitigan ko ang mga pangalan ng mga taong kasama sa kampo.

Stephanie Galilei, 18 years old, College of Nursing
Kimberly Anne Galilei, 20 years old, College of Accountancy
Daniel James Montecer, 19 years old, College of Architecture
Cassiopeia Crux, 19 years old, College of Arts and Sciences
Conrad Bryan Telo, 20 years old, College of Engineering
Leah Fernita Venozo, 18 years old, College of Education
Yves Virtucio, 19 years old, College of Criminology

Prof. Samantha Patron, 42 years old, College of Psychology
Prof. Argel Joseph Rivera, 43 years old, College of Psychology
Mr. Domingo Reyes, 45 years old, school driver

Lahat sila nakita sa kakahuyan na may mga saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan maliban sa kuya ko na hindi nila makita kahit saan. Nang bumalik sila sa bahay para inspeksyunin ang mga gamit ng mga biktima, nakita nila ang ilang sachet ng drugs sa kwarto nila kuya. Hindi binanggit kung sinong kashare niya sa kwarto.

Posibleng yung kasama niya sa kwarto ang naglagay ng drugs sa mga gamit niya o posible rin namang isa sa iba pa niyang kasama ang may gawa nito.

"I'll be honest with you Ms. Montecer, ang mga pulis kasi... ang tinuturing nilang main suspect sa kaso ay ang kuya mo."

Napakuyom ako ng kamao. Kahit sa panaginip alam kong hindi yun kayang gawin ng kuya ko. Hinding-hindi.

Tiningnan ko ng isang beses pa ang mga pangalang nakalista sa notebook ko. Kailangan kong maghanap ng mga taong posibleng makatulong sa'kin sa paglutas ng kasong 'to.

Naramdaman ko ang mahinang pagpatak ng ulan kaya ipinasok ko na sa loob ng bag ko ang notebook. Tumayo na ako.

Tumingala ako sa langit na nagbabadya na ng pag-ulan. Mapait akong napangiti.

It's like the heaven knows what I'm feeling right now and it's sympathizing on me.

Binuhat ko yung box ni kuya at nagsimulang maglakad.

A storm is coming.

***

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now