8th HOUR: The Weirdo

2.2K 103 22
                                    

"Kuya ano yan?" tanong ko sa sinusulat niya sa itim na notebook.

"Journal," maiksing sagot nito.

"Journal? Ano po yun?"

"Hmm... parang diary din, doon mo sinusulat yung mga importanteng nangyari sa'yo-good or bad, happy or sad, lahat!"

"Eh bakit kailangan pa pong isulat?"

"Para alalahanin mo sa future o kaya para may maiwan kang record kapag bigla kang nawala..."

"So kapag nawala ka po, titingnan ko lang yang notebook na iyan at mahahanap na kita?"

Ginulo niya ang buhok ko.

"Kahit hindi mo basahin 'to, alam kong kayang-kaya mo kong hanapin Percy!" nakangiti nitong sabi.

"Talaga po? Paano?"

***

Pagkamulat ng mata ko, kulay puting kisame ang unang tumambad sa'kin.

Buhay pa ko...

"Oh my God, best friend! Buti na lang gising ka na!" nag-aalalang sabi ni Elize. Nakatayo siya sa right side ko.

"Nasa'n ako? Anong nangyari? Bakit ako nandito?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"Nandito ka sa St. Louise Hospital. Dinala ka dito nung... nung... ah basta! May nagdala sa'yo dito nung nahimatay ka tapos gamit yung phone mo, tinawagan niya ko para sabihin yung nangyari! Tinawagan ko kaagad si tita nang makapunta ako dito and that was two days ago pa! Imagine how much we're worried! Now tell me, anong nangyari sa'yo ha?" mahabang sabi nito. Halatang alalang-alala siya sa'kin.

"May nagkulong sa'kin sa storage room ng gym tapos binigyan niya ko ng maraming sugat na hindi ko naman narealize agad. Buti na lang may tao pala dun sa loob kaya ayun, nakalabas ako."

"Teka-hindi kaya, siya yung nanakit sa'yo?"

"Mukhang hindi naman! Hindi naman siya amoy-dugo eh!" naalala ko nung biglang huminto yung lalaki at mabunggo ako sa likod niya. Ang bango ng amoy niya!

"Inamoy mo siya?" nanlaki ang mga mata nito. Binatukan ko nga. "Awts! Hehe so anong itsura? Gwapo ba?" excited nitong tanong.

"Hindi ko nga nakita yung itsura eh! Hello, ang dilim kaya?!" sinenyasan ko siya na babangon ako kaya inalalayan niya muna ako.

"Pero grabe best friend yang mga sugat mo! Alam mo bang ang daming nawala sa'yong dugo? Buti na lang hindi ginalaw yang pretty face mo!" sabi nito sabay hawak sa magkabila kong pisngi. Napatawa naman ako.

"Hindi ako masyadong nag-ingat kaya nangyari 'to. Medyo naramdaman ko na ngang may kakaiba tapos tumuloy pa rin ako. Sorry ahh... pinag-alala pa kita..."

"Hmp! Malaman ko lang kung sinong may gawa nito sa'yo, nakuu... malalagot talaga siya sa'kin!" inis na inis na sabi nito. Natatawa naman ako habang tinitingnan ito.

Pero, sino nga kaya ang may gawa nito sa'kin?

At saka, sino kaya yung lalaki kagabi?

***

Ilang araw din akong nagstay sa hospital bago ako payagang umuwi ng doctor. Medyo naghilom na rin yung mga sugat ko sa may braso't binti kaya medyo nakakakilos na ako ng maayos.

"Papasok na ko Percy ha? Magkita na lang tayo mamaya!" nakangiting sabi ni Elize. Hinatid niya lang ako sa dorm namin pagkadischarge ko. Si mommy kasi maaga ring umalis kanina matapos asikasuhin ang paglabas ko. "Ay oo nga pala best friend!" lumingon ako nang bigla itong bumalik.

"Bakit?" tanong ko.

"Mukhang dumating na yung huling room mate natin kagabi kasi nakita kong may nagoccupy na nung lower deck sa tabi mo! Sinabi ko lang para hindi ka magulat," sabi nito at pagkatapos ay nagpaalam na. Simula nang maadmit ako sa ospital, halos doon na rin natutulog si Elize. Siguro dahil si Cyril lang ang nasa dorm kaya ayaw niyang matulog doon nang wala ako. Umakyat na ako at dumiretso sa room namin.

Pagkabukas ko ng pinto, agad akong nabunggo sa kung anong matigas na bagay. Pagtingala ko, nagtama ang mga mata namin. Agad na kumunot ang noo ko. De javu?

Teka... suminghot-singhot ako. Pamilyar din itong amoy na 'to...

"Ikaw!!" sigaw ko sabay turo sa mukha niya. "Ikaw yung lalaki sa storage room di ba?"

Hindi ako pwedeng magkamali dahil pareho sila ng amoy at isa pa, ganun pa rin yung suot niya-black hoodie jacket at black pants!

"Ahh... the zombie girl!" tumangu-tangong sabi nito. Zombie girl? The heck. "What are you doing here?" tanong nito.

"This is my room!" sagot ko sa kanya sabay baba ng dala kong bag.

"Ahh I see..." tinalikuran niya ako at saka sumampa sa kama nito. So siya yung tinutukoy ni Elize na kalilipat lang? What a small world!

"Hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kanya. Nakadapa pa rin kasi ito sa kama. Hindi ito sumagot. Don't tell me nakatulog siya agad? "Bakit ba ng dilim dito?" mahina kong sabi sabay lakad papunta sa switch ng ilaw.

"Wag mong bubuksan yung ilaw!" napalingon ako dito nang bigla itong sumigaw.

"Bakit?" tanong ko. Hindi ito sumagot. Nakatihaya na ito habang nakapatong yung kaliwang braso sa mga mata. Nilapitan ko naman ito at umupo sa tabi niya.

"Takot ka ba sa liwanag? Vampire ka ba?" tanong ko sa kanya. Nanatili itong tahimik. "Ano... salamat nga pala sa tulong mo nung nakaraan ah? Siguro, patay na ko ngayon kung wala ka sa storage room nang araw na iyon," mahina kong sabi sa kanya. Sana naman pansinin niya ko noh?

"Alam mo na ba kung sinong may gawa nun sa'yo?"

Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin. "I'm sure it's one of them," seryoso kong sabi. Sigurado akong may kinalaman sa Camp Chiatri case ang nangyari sa'kin ngayon. Isa sa mga taong gustong maghiganti ang may gawa nito, isa sa mga taong galit kay kuya.

Nagulat ako nang bigla itong bumangon at humarap sa'kin. Nahubad tuloy sa ulo niya yung hood niyang suot kaya buo kong nakita ang maamo niyang mukha na may alun-along buhok. May matangos itong ilong at mga matang parang nanghihypnotize.

"What's your name?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"P-Percy," maiksing sagot ko. Did I just stammer?

"Anong gagawin mo kapag nalaman mo kung sinong may gawa sa'yo nito Percy?"

Natigilan ako at napaisip. Ano nga ba?

"Do you want to kill him/her?" seryoso nitong tanong.

"Seryoso ka ba? Of course not! I'm not a murderer!" sagot ko. Ngumiti naman ito. Shiz. Bakit parang ang gwapo ng lalaking 'to?

"That's good to hear. I'm Phillipse Lynx Cromwell, nice meeting you Percy!"


***

A/N:

Ano sa tingin nyo magiging papel ng weirdong ito kay Percy? *^_^*

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now