11th HOUR: The Notebook

2K 90 8
                                    

Hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa memorya ko ang kalunus-lunos na nangyari kay Yvette. Sa tuwing pipikit ako, nakikita ko pa rin ang duguan niyang katawan, ang mga mata niyang may bahid ng takot habang nakadilat at ang puso niyang sinadyang tanggalin. Hindi ko tuloy magawang matulog at makakain ng maayos.

Katulad ng inaasahan, mabilis na kumalat sa buong school ang tungkol sa nangyari kay Yvette. Maraming mga tsismis ang kumalat. Maraming version ng storya ang nabuo. Pero iisa lang ang tinuturo nilang salarin. Iisa lang ang sinisisi nila.

"Ano ba yan, may gana pang magpakita dito yang babaeng yan?"

"Oo nga, hindi na nahiya?"

"Mamamatay-tao!"

"My gosh, what if tayo naman ang isunod niya?"

Their words were like swords slicing through my flesh. It hurts. It hurts a lot. But I can't do anything about it dahil kahit anong gawin kong paliwanag, walang naniniwala. Katulad ng dati, naupo ako sa likuran. Tiningnan ko yung katabi kong upuan. Wala itong laman. Mapait akong napangiti. Kahit ang weirdong si Phi ayaw akong samahan?

"Wala si Phillipse?"

"Baka nalaman niya na rin yung balita?"

"Gosh! Hindi kaya may sumpa yang babaeng yan?"

Nagulat ako nang biglang pumasok si Phi at dire-diretsong umupo sa tabi ko. Nahuli ko pa yung mga babae naming classmates na inirapan ako.

"Hindi mo ko ginising!" suplado nitong sabi pagkaupong-pagkaupo.

"Hindi mo naman sinabing gisingin kita ah?" sagot ko sa kanya. Ang aga-aga mukhang wala sa mood ang isang 'to?

"Late na ko nakatulog! Anong oras ka umuwi?" ang lalim ng pagkakakunot ng noo nito. Bahagya niya lang akong tiningnan.

"Hah? Ahm... maga-ala una na yata yun ng umaga... nagbigay pa kasi ako ng statement sa mga pulis..," paliwanag ko sa kaniya. Teka, bakit para akong bata dito na pinapagalitan ng tatay niya?

"Ilang araw ka ng nagbibigay ng statement sa kanila ah?"

"Last na daw yung kagabi... teka nga, bakit ba ganyan ka magsalita ngayon? Para kang yung daddy ko..," mahina kong sabi. Bigla ko tuloy siyang namiss.

"Wala! Wag mo kong pansinin!" supladong sabi nito sabay tungo sa desk. Bakit parang kinilig ako sa sinabi niya? Halaa, abnormal na yata ako! Tiningnan ko ulit ito. Mukhang natutulog na naman ito habang nakatungo. Yung totoo, pumapasok lang ba 'to sa school para matulog?

Matapos ang klase, hindi na 'ko nag-abala pang gisingin si Phillipse at dumiretso na ko sa dorm. Kailangan kong makabawi ng tulog. Pagdating ko sa room namin, walang katao-tao. Oo nga pala, mamaya pa ang tapos ng klase ni Elize. Nagbihis muna ako at saka sumampa sa kama. Napalingon ako sa box ng gamit ni kuya na nasa ilalim ng mesa.

Yung journal kaya ni kuya nandito?

Agad akong bumangon at nilapitan yung box. Nilabas ko yung mga nasa loob nito hanggang sa makita ko sa pinakailalim ang hinahanap ko. Napangiti ako.

Buti na lang nandito siya!

Bumalik ako sa kama ko at saka pinatong sa uluhan yung notebook.Ito yung sinasabi ni kuya before na pinagsusulatan niya ng mga memories na gusto niyang maalala kaapag binasa niya in the future! Dumapa ako sa kama at saka ito sinimulang buklatin. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Torn pages.

Napakunot ako ng noo.

Blangko yung notebook!

Parang sinadyang punitin ng kung sino yung mga may sulat na pages nito. Binuklat ko pa ang ibang pahina pero ganun pa din. Blangko. Anong ibig sabihin nito?

"Aish!" sa inis ko, hinagis ko yung notebook sa mesa. May nalaglag na kung ano mula dito. Tumayo ako at kinuha ito. It was a photo of my brother with... someone? Halatang may kasama siya sa picture pero hindi malaman kung sino dahil pinunit yung part nung kasama niya. Yung girlfriend kaya 'to ni kuya? Speaking of girlfriend, ni hindi ko man lang pala nameet yung babaeng yun! Tumayo ako at inipit ulit sa notebook yung picture.
Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Kumuha ako ng lapis at shinade yung unang pahinang may pilas. Kahit isang clue lang... kailangan kong makakuha ng isang clue...

Nang matapos ako, tiningnan kung anong nakasulat dito. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.

You blink, you sleep but you cannot hide
I'm the killer who waits, I'll be by your side
A friend, a foe, a Nephilim
I'm the 13th guest who will end this scheme.

Anong ibig sabihin nito? Bakit ganito ang nakasulat sa notebook ni kuya?

Teka... pamilyar 'to ahh... Nephilim...

Napapikit ako. Parang may kung anong gustong pumasok sa isip ko pero hindi ko magawang matukoy kung ano.

"Nakauwi ka na pala?" gulat akong napalingon kay Cyril na kadarating lang. Agad kong sinarado yung notebook na hawak ko.

"Ah o-oo, w-wala daw yung prof namin sa last class," sagot ko sa kanya. Mariin kong hinawakan yung notebook.

"Okay! Kamusta na nga pala yung kaso ni Yvette?" tanong nito sabay upo sa may sofa.

"Wala pa rin silang lead," mahina kong sabi. Pasimple kong tinago sa ilalim ng unan ko yung notebook.

"Sigurado ka bang hindi ikaw yun?" matalim ko siyang tiningnan. "Okay fine! Wala na kong sinabi!" sabi nito sabay taas ng dalawang kamay.

*Bzzt bzzt*

Kinuha ko yung cellphone ko sa kama. Nakita kong tiningnan din ni Cyril yung phone niya.

1 new message
From: +6397712567**
Congratulations! You're one of the selected students that will undergo a training camp this coming August. Please claim your waiver at the SSC office tomorrow until 5pm for details. Thank you!

"Pareho ba tayo ng nareceive na text message?" tanong nito.

"I think so," sagot ko.

"Woah! Isn't it exciting?" nakangiti nitong sabi. I know that there's something more with his smile...

Nagsimula na silang kumilos...

***
A/N:
May mga nabuo na ba kayong teorya sa isip niyo? Share niyo yan! *^_^*

Vote.Comment.BeAFan.
Hour of Death
EuclidAngel

Hour of DeathWhere stories live. Discover now