23rd HOUR: Memories

1.9K 91 28
                                    

PERCY’S POV

“Let’s start?” tanong ni Noemi sa’kin. Napalunok ako at saka tumango. Wala ng atrasan ito. Nandito na ako ngayon sa room niya at nakaupo sa harap ng kama niya. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. Pinagpapawisan ako kahit na may aircon naman sa loob ng room. Hindi ko alam kung anong pinaplano ni Noemi pero isa lang ang nasisiguro ko, gagawin ko ang lahat mahuli lang ang hinahanap naming killer.

Pero paano kung si Noemi talaga ang killer at kaya niya ko pinapunta dito ay para patayin?

Kinakabahan akong tiningnan si Noemi habang nagsisindi ito ng mga kandila. Teka, kandila? Saka ko lang napansin na patay pala lahat ng ilaw at natatakluban ang liwanag na nagmumula sa mga bintana. Sobrang dilim sa loob ng kwarto.

Teka, may mga ganito na kong napanood dati ah! Yung mga kulto na nag-oorasyon para gawing alay sa… don’t tell me may tatawagin kaming kaluluwa at itatanong namin mismo sa kanila kung sinong pumatay sa kanila? Oo nga! Posible yun!

“Wag mo nga kong tingnan na para akong isang kulto!” napapitlag ako nang bigla siyang magsalita. Nakaharap na pala siya sa’kin at kasalukuyan akong tinitingnan.

“Ahm… ano ba kasing plano mo?” nag-aalangang tanong ko sa kanya.

“Simple lang naman ang plano ko. I’ll use hypnotism on you,” parang wala lang na sagot niya.

“Ha?” awtomatiko kong sambit. Ano daw? Hypnotism?

“May hinala kasi ako na someone alter your memory kaya hindi mo maalala ang involvement mo sa Camp Chiatri.”

“A-anong ibig mong sabihing involvement? Pinaghihinalaan mo ba ko?” pasigaw kong tanong sa kanya.

“Chill! Hindi ikaw ang pinaghihinalaan ko but someone very close to you,” seryosong sagot niya. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “During the camping of your brother, naaalala mo ba kung anong ginawa mo? Kung nasaan ka?”

Natigilan ako bigla sa sinabi niya.

April 25
We’ll surprise kuya in their camp!

Tama siya. Bakit hindi ko maalala kung anong ginawa ko noon?

“Paano mo nalamang wala akong maalala sa mga panahong iyon?” tanong ko sa kanya.

“I investigated your whereabouts kaya napag-alaman kong mahilig kang gumawa ng surprises for your brother. Kahit hindi sabihin sa’yo ng kuya mo ang schedule niya, nalalaman mo pa rin because of your link. And that link is someone so close to you… someone who is so dear to you…”

“Anong…”

“Gusto mo bang malaman kung sino siya?” dahan-dahan siyang lumapit sa’kin. Napaupo ako sa upuang nasa likod ko at sunud-sunod na napalunok. “Gusto mo bang malaman kung sino ang hinahanap nating killer?”

Kakayanin ko ba? Magtitiwala ba ko sa kanya?

“Pumikit ka. Bubuksan natin ang nakatago mong alaala…” mahina pero kalmado niyang sabi. Sumunod na lang ako at pumikit. Tanging boses niya lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to. Boses na parang pinapatulog ako, dinadala sa pinakailalim ng dagat…

“Percy, someone’s looking for you sa labas, gusto yatang makipagkaibigan sa’yo ng bagong lipat nating kapit-bahay,” sabi ni kuya sa’kin habang nilalaro ko ang alaga kong si Whitie.
“Saka na lang kuya! I’m still playing with Whitie kasi!”

“Naku baka maging magkamukha na kayo ng alaga mo ah?”

“Kuya naman!” nakasimangot ko pang sabi at saka kinalong na ang alaga ko paakyat ng kwarto. Sa labas ng gate, bahagya ko lang napansin ang batang matamang nakatingin sa’min.

Hour of DeathWhere stories live. Discover now