Chapter 2 : Welcome To Hell

366 12 9
                                    

[Felicity’s point of view]

      Naiiling ako habang nakaupo sa bleachers dito sa covered court . Wala nanaman magawa ang mga ito .

“ GO BEST ! PAKAININ MO NG ALIKABOK YANG MASUNGIT NA YAN ! “ – Aubrey

Nilingon ko si Bennett na nag thums up lang kay Aubrey . *sigh* mga trip talaga ng mga ito .

“ Wooo ! Go Pogi “

“ GO BENNETT “

“ GO BLUE TIGER “

   Kanya kanya nilang sigaw . Tss ! Sira ulo naman kasing lalaking ito at pinatulan ang kabaliwan ni Bennett .

*Prff*

Paninimula ng Referee na si Michael , isa sa mga Varsity player .

Magsisimula na sana ang laban nila ng biglang may humiyaw mula sa isa sa mga studyante na nanunuod .

“ AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH “ – hindi ito isang hiyaw na humahanga lang , kundi isang hiyaw ng dahil sa takot .

-

[Prince Hope’s point of view]

Nahinto ang laro dahil sa isang kakaibang hiyaw na nanggagaling sa isang studyanteng nanunuod samen .

Mabilis na tumakbo yung apat patungo dun sa babaeng humiyaw , dahil sa curiosidad kusang tumakbo din ang mga paa ko patungo doon .

Naabutan namin doon ang isang babae na umiiyak at parang takot na takot dahil nakaubob ito sa kanyang mga tuhod habang pilit na isinisiksik ang sarili sa pader .

“ Anong nangyare ? “ – tanong nung makaka one on one ko sana sa laban kung hindi humiyaw ang babaeng ito .

Lumapit siya dun sa babae at hinawakan ito sa braso na ikinahiyaw nung babae .

“ Ahhh ! “

“ Anong nangyayare sa’yo Flor ? “ tanong nung Referee . Unti-unti naman umaangat ang ulo nung Flor .

Pawis na pawis ang mukha nito at masagang luha ang dumadaloy sa mga mata nito , bakas din sa kanya ang takot . Pero bakit ?

“ Bennett ! “

Napalingon kaming lahat sa tumawag . Si Aubrey at yung kasama niyang maiksi ang buhok . May inabot yung Aubrey kay Bennett , isa tong cellphone !

O_______O “ Jhonalyn ? “

Nagtaka ako ng makita kong nag-iba ang itsura niya ng tinignan nito ang cellphone na ibinigay ni Aubrey kay Bennett . Bumakas narin sa kanya ang takot na nakita ko kay Flor Pero may halo ito na hindi ko maintindihan . Anong meron ?

“ Si Miss Pressy , wala na ! waaaaa~ “ napalingon ako sa ngumawa . Siya yung babaeng bastos ang kamay . Umiiyak ba talaga siya o nag-iiyak iyakan lang ?

“ Sinong wala na ? “ takang tanong ko sa kanila . Ibinigay naman bigla saken ni Bennett yung cellphone na hawak nito . Pagkatingin ko dun sa picture naibato ko ito sa malayo .

A-ano yun ?

“ Siya si Jhonalyn Perez . Ang mabait , matalino at matulunging  Presidente *sob* ng Social Council “ – Naiiyak na paliwanag ni … sino to ? wala naman siya kanina ah ? “ Saphira Paras nga pala “ err Mind Reader ? “ No , madali lang kasing basahin ang expression ng mukha mo “ -___- sabi mo e .

Isa-isa kong tinignan ang mga umiiyak . Umiiyak ba talaga sila ? bakit walang luha ? bakit nakikita ko sa kanilang mga mata ang saya ? . Masaya ba sila o nalulungkot ? ang gulo naman ng mga to .

-

Nasa silid kami ngayon . Lahat ng mga kaklase ko ay tahimik lang habang nakatingin sa guro namen na isa ring malungkot sa nangyare sa kanilang presidente .  Kung malungkot nga ang maitatawag sa mga kaklase ko .

So ? ang ibig sabihin pala ng SC ay Social Council at hindi Soft Copy ? sayang naman :3

“ I have a Bad News “ walang umimik kahit isa sakanila . Pero hindi pa man nag-uumpisa sa pagsasabi ng kung anong Bad News yung teacher . Humagulgol na ito sa iyak . Akala ko dahil sa nakitang ganun ng mga kaklase ko ay isa-isa narin silang iiyak . Pero nagtaka ako dahil wala akong narinig na kahit isang hikbi . Ang tanging hikbi at hagulgol lang na naririnig ko sa loob ng silid ay dun kay Flor at sa guro . Ang weird naman nila . Parang kanina lang may umiiyak sa kanila .

“ A-ano po yung Bad news niyo Mam ? “

Eh ?  bakit pa nila itatanong kung alam naman nila ang sagot ? . Pero sa totoo lang , nakakatakot at kakadiri yung nakita kong picture . Puno ito ng saksak sa mukha , naiwan pa nga doon ang matulis na bagay na ipinangsaksak dito . Halos hindi ko na nga siya makilala e .

“ Hi-hindi na ako magpapaligoy ligoy pa at sa nakikita ko naman sa inyo dahil tahimik kayo ay alam niyo na kung ano ang masamang balita na sasabihin ko sa inyo . Wa-ala na si Jhonalyn

, na-natagpuan siyang patay sa faculty room . Puno ng saksak ang katawan pati narin sa mukha nito “ humagulgol muna nanaman ito sa iyak bago ipinagpatuloy ang pagsasalita “ Wala siyang awang pinatay , walang  awa ang gumawa nito sa katulad niya ! TT__TT “ – ( Ms Delgado ) Guro

“ Bagay lang sa kanya yun ! “ ( Cillian )

Nilingon ko yung nagsalita sa tabi ko . Kumunot ang noo ko ng makita kong iba pala ang katabi ko . Sino kaya ito ? . Pero bakit niya sinabing bagay lang sa kanya ang nangyare ? sa president nila .

“ Tama ka ‘ sipsip yung babaeng yun e’ , akala mo kung sinong matalino “ sabi pa nung katabi nito ( Emerson )

Napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa ng bigla silang tumingin saken . Anong nangyayare saken ? hindi ba siga ako at walang kinatatakutan ? pero bakit sa mga studyante dito ay parang natatakot ako . Hindi ko maintindihan pero yun ang nararamdaman ko .

“ Transferee ka ? “ lumingon ako sa nagsalita “ Swerte ka dahil nakalipat ka rito na wala ng sipsip at nagmamatalino . Btw . Im Emerson “ sabay lahad ng kamay nito “ Merson for short “ – Merson

Sipsip ? nagmamatalino ? . Yun ba yung sinasabi nung dalawa kong kaklase na ang malas ko dahil dito ako na transfer ? bago nila nalaman na patay na yung president nila ? . Yun ba ang dahilan ? pero bakit iba ang pakiramdam ko ? o guni-guni ko lang ito ?

“ Prince Hope Reyes , Prince for short “ nakipagkamay ako sa kanya . Mabilis naman niyang binawi ang kamay nito at humarap sa katabi niya .

“ Cillian Sta Ana , Dude . Welcome to Hell “ – Cillian

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now