Chapter 25 : Suspect

111 3 0
                                    

[ Michael’s point of view ]

Patungo kaming dalawa ngayon ni Rach sa naging tambayan ng barkada ng may narinig kaming pagsabog . Hindi lang ito ang unang pagsabog na narinig namen , kundi pangalawa na . Hindi namen pinansin yung una dahil mahina lamang ito , at akala namen ay nagkakaroon lang ng katuwaan sa pinangyarihan ng pagsabog .

 Pero hindi . At bigla kong naisip ang mga kaibigan ko . Kaya Nagkatinginan kaming dalawa ni Rach .

“ Sila Felicity ! “ pag-aalalang sabi ni Jane . Tumango ako at tumakbo ng mablis papunta roon .

No !Hindi maari ! Sana hindi pa huli , ngayong

 Alam ko na kung sino ang pumatay kay Bailey . Sinabi na sa akin ni Jane kung sino ang may-ari ng hair-pin na napulot ko mula sa banyo kung saan ibinigti si Bailey  . Pero tae ! Walanghiya ! Paano niya nagawa ito sa sarili naming kaibigan ?

“ Felicity ! Aubrey ! “ sigaw ni Rach ng makalapit na kami sa Cage .

Mabilis na iginala ko ang mga mata ko sa loob . Nakaramdam ako bigla ng inis , galit at pagkasuklam ng makita ko ito . Isa siyang traydor sa kabarkadahan . Isa siyang baliw ! Ang dapat sa kanya ikinukulong sa rehab o kaya pinapatay !

“ Okay lang ba kayo Guys ? “ – Rach

“ O-oo , pero ano ang pagsabog na iyon ? “ – Felicity

“ Mich , what’s wrong ? bakit ka ganyan makatingin kay Saphira ? “ – takang tanong ni Aubrey . Pero hindi ko ito pinansin . Naglakad ako patungo sa kinatatayuan ni Saphira ng masa ang tingin na ipinupukaw sa kanya . Napapaurong naman ito  habang ginagawa ko iyon .

“ A-anong p-problema mo –M-mich ? “ Saphira

“ Pre “ napahinto ako sa paglapit kay Saphira ng biglang pigilan ako sa braso ni Bennett na ngayon ay nasa likuran ko na . “ Anong problema ? anong ginagawa mo ? bakit ka ganyan masamang nakatingin kay Saphira ? anong ginawa niya sa’yo ? “ sunod sunod nitong tanong .

“ Bitawan mo ako Bennett . Kailangan mamatay ng babaeng yan ! “ mariing sabi ko habang at pilit na inaalis ang nakahawak na kamay ni Bennett sa braso ko . Pero humigpit lang iyon .

“ Anong sinasabi mo Mich ? anong kailangang mamatay ni Saphira ? “ – Bennett

“ DAHIL SIYA ! DAHIL SIYA ANG PUMATAY KAY BAILEY ! SIYA ANG NAGBIGTI KAY BAILEY SA BANYO ! SIYA ! SIYA ANG PUMATAY KAY BAILEY ! “ – rinig kong sigaw ni kambs na nasa likuran ko na halatang hawak ngayon ni Prince .

Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Rach . Namuo rin ang pagkabigla sa kanilang lahat , lalong lalo na si Saphira na nalalaki ang mga mata sa narinig nito sa kaibigan .

“ W-wala akong pi-pinapatay ! H-hindi ko mapapatay si Bailey . H-hindi ko kayang p-pumatay ng t-tao ! Lalong lalo na ang kaibigan ko ! “ utal utal na pagtatanggol sa sarili nito . Bumuhos na rin ang kanyang luha sa mga mata nito . Nagagawa niya pang umiyak ? ganun ? !

Naikuyom ko naman ng mahigpit ang dalawang palad ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa kanya .

“ SINUNGALING ! SINUNGALING KA ! IKAW ANG PUMATAY KAY BAILEY IKAW ! “- Rach

“ Te-teka Rach at Mich . Paano niyo naman nalaman na si Saphira nga ang gumawa nun kay Bailey ? atsaka kasama naten si Saphira ng umagang makita ni Prince sa loob ng banyo si Bailey na nakabigti ? “ – Felicity

Marahas namang kinalas ko ang braso ko sa pagkakahawak ni Bennett at mabilis na kinuha ang hairpin na nasa bulsa ko . Tinapon ko naman sa pagmumukha ni Divina ang hairpin na siyang paghawak muli ng mahigpit ni Bennett sa mga braso ko .

“ Sa’yo yan hindi ba ? “ napansin kong nanlaki ang mga mata nito ng makita ang hairpin na itinapon ko sa kanya “ Yan ang nakita ko sa loob ng banyo kung saan nakabigti si Bailey . Ngayon , paano mo maipapaliwanag yan kung paano napunta sa loob ng banyo yan ni Bailey ? ha ? SUMAGOT KA ! “ 

Naramdaman kong lumuwang ang pagkakahawak ni Bennett sa braso ko ng marinig niya ang sinabi ko . Dapat lang siyang maniwala dahil buhay ng pinsan niya ang nawala dito .

Hindi agad ito nakapagsalita sa sinabi ko , at nakatingin lang ito sa hairpin ng may pagtataka . Ano namang nakapagtataka doon ?

“ T-totoo ba iyon Saphira ? t-totoo bang ikaw nag pumatay kay Bailey ? “ – Bennett

[ Third person’s point of view ]

Hindi magawang makapagsalita ng dalaga dahil sa pagtataka habang nakatingin ng daretso sa hairpin . Sa kanya ito at hindi niya alam kung paano napunta ito sa banyo kung saan nakabigti ang kanyang iabigan .

“ SAPHIRA ! “ – Bennett

Doon lamang bumalik sa huwisyo ang dalaga sa naging pagsigaw ng kaibigan nito . Maraming beses itong umiling na nagsasabing hindi siya ang gumawa . Pero sa nakikita nito sa mga mata ng mga kaibigan nito ay hindi sila naniniwala sa kanya , dahil sa may ebidensiya ito na siyang makakapagturo sa kanya sa naging insidente sa loob ng banyo .

“ M-maniwala kayo saken , hi-hindi ako ang p-u-pumatay kay B-bailey . Hi-hindi ko magagawa ang pumatay “ – Saphira

“  Nagawa mo na ! Pinatay mo na si Bailey , pinatay mo na ! “ – Rach

“ H-hindi ! H-hindi ko siya pinatay ! H-hindi ! HINDI !! “ – Saphira

Humagulogol na sa iyak ang dalaga at napaupo na ito sa sahig . Hindi naman makapaniwala ang iba sa kanilang nalaman , habang si Bennett ay napapahilamos nalang sa kanyang mukha dahil hindi nito alam kung sino ang paniniwalaan nito sa dalawa .

Mataman namang tinitignan ni Prince ang hairpin na ngayon ay nasa sahig hindi kalayuan sa kinauupuan ngayon ng dalaga . Lumapit ito doon at pinulot ang hairpin . Kumunot ang noo nito ng may biglang may nag flashback sa kanyang isipan na isang imahe ng dalaga na siyang nagu-suot nito kamakailan lang at ang babaeng ito ay hindi si Saphira .

“ Guys ! Hindi si Saphira ang may nagma-may-ari nito “ – Prince

Napatingin sa kanya ang lahat ng kanyang mga kaibigan , pati na ang kaibigan nakaupo sa sahig . 

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon