Chapter 12 : Sino nga ba ?

130 2 0
                                    

[ Prince’s point of view ]

Nakangiting pinagmamasdan ko ang dagat ng Palaui Island dito sa ikalawang palapag na kung saan sa tapat nito ang tinutulugan kong kwarto .

Naalis ang tingin ko sa dagat ng may marinig akong nag-uusap sa ibaba .

“ Cynthia , nakita mo ba si Rachelle ? “ Fritzie

Kumunot ang nook o sa narinig ko sa kanya . Bakit niya hinahanap ang kaibigan niya ? hindi ba magkasama silang naiwan sa bus kahapon ?

“ Hindi , bakit ? ang huli ko yatang pagkakakita ko sa kanya ay kahapon pa pero sa bus nga lang “ sagot naman nung Cynthia

“ Saan kaya nagpunta ang babaeng yon ? bigla bigla nalang kasi siyang umalis sa bus kahapon . Tapos simula din nun hindi ko na siya nakita pa “ Fritzie

“ Ay nako Fritz , wag mo munang problemahin yang kaibigan mo . Nandito tayo para magp-enjoy , hindi problamahin yang si Rachelle kung saan nagsuot . Maiwan na muna kita ha ? pupuntahin ko muna si Mich “ Cynthia

“ Sige , salamat nalang “ malungkot nitong sagot . Napasapo ito sa noo niya at inihilamos ang palad sa mukha nito “ Saan ka ba nagsususuot na babae ka ha ? Argh ! tama si Cynth nandito ako para mag-enjoy at hindi ang poblemahin ka Rachelle , kung nasaan ka man bahala kana sa buhay mo , malaki ka na ! Airsh ! “ sabay alis nito sa kintatayuan niya at tumungo sa ibang kaklase namen .

Saan kaya pumunta ang kaibigan ni Fritz ? kahit ako hindi ko pa siya nakikita simula nung iwanan namin silang dalawa sa bus .

“ Hoy ! sino yang tinitignan mo ? babae ba yan ha ? “ napalingon ako sa nagsalita . Si Cillian lang pala .

“ Hindi , wala “ tanggi ko

“ Awtsu ! Sino natipuhan mo sa mga kaklase naten ha ? naku ang swerte naman niyang babae ! “ – Cillian

“ Huh ? bakit naman swerte ? “ takang tanong ko . Kilala ako bilang isang babaero sa mga naging past school ko noon , pero swerte ? saan banda ? .

“ Ang gwapo ng magiging boyfriend e “ – Cillian

Kumunot ang isa kong kilay at napaatras ako ng bahagya sa kinatatayuan ko palayo ng kaunti sa kanya . Bakla ba’to ?

“ Hey hey ! ano yan ha ? wag madumi ang isip ! 100% pure boy ako noh ? gwapo yata ito ! “ – Cillian

Nakahinga naman ako ng malalim sa sinabi niya . Akala ko bakla na , ke gwapo pa namang lalaki . O wag kayo ! 100% din akong lalaki . Babaero nga diba ?

Hindi nalang ako nagsalita at ibinaling ang tingin sa paligid ng resort . Nahinto ang paningin ko sa isang makahoy na lugar na hindi kalayuan sa kinatatayuan nitong resort . Napakunot ang nook o ng may makita akong isang tao na pamilyar saken .

“ Si Michael ba iyon ? “ sabay turo ko sa lalaking naglalakad at parang may hinahanap .

“ Saan ? “ sinundan naman ng tingin ito ni Mario “ Oo nga noh ? , anong ginagawa naman ng mokong nayun sa kagubatan ng ganitong oras ? “ – Cillian

Ano nga ba ? alas dose na kasi ng hapon . Mainit pa ang panahon , pero kung sabagay . Nasa kagubatan naman ito , hindi anman siguro siya maiinitan doon . Pero ang malaking tanong , anong ginagawa niya doon ?

“ Tara puntahan naten “ – Cillian

Tumango ako kaya’t bumaba na kami ng ikalawang palag upang bumaba para lumabas ng resort upang puntahan si Mich sa kagubatan .

“ Saan kayo pupunta ? “ napahinto kaming dalawa ni Cillian sa paglabas ng resort ng may biglang nagsalita . Paglingon naming dalawa ni Cillian at ang tumambad saming dalawa ay ang nakapameywang na si Rachael .

“ Ikaw pala Rach , pupuntahan sana namen ang Kambal mo sa kagubatan “ – Cillian

“ Ano ? ako ba’y pinagluluko loko niyong dalawa ? ha ? “ kunot noong sabi ni Rach

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Cillian .

“ Anong ibig-sabihin mo Rach ? “ takang tanong ko

“ Nasa loob ng kwarto si Mich tulog , kaya paanong mapupunta sa kagubatan si Mich kung tulog ang kakambal ko ? “ – Rach

Nagkatinginan kaming muli ni Cillian , halata sa kanya ang pagtataka . Pero sigurado ako sa nakita ko , si Mich iyon . Hindi ako pwedeng magkamali .

“ Sigurado ka ba sa sinasabi mo Rach ? “ – Cillian

“ Oo naman . Hindi kayo naniniwala saken ? o sige . Heto ang susi at kayo na mismo ang tumingin kay Jim na hanggang ngayon ay nasa dreamland parin ang kaluluwa “ pagkabigay ni Rach ng susi kay Cillian ay siya namang alis nito .

Mabilis na tumakbo kami paakyat sa hagdan at hindi na nag atubiling sumakay ng elevator . Ng makarating kami sa tapat ng kwarto na tinutuluyan ng dalawang magkambal ay nagkatinginan muna kaming dalawa ni Cillian at nagtanguan . Kinuha niya ang susi sa bulsa niya at agad na binuksan ang pinto .

Nanlaki ang mga mata namen ng makita namen si Mich na mahimbing nga itong natutulog .

“ Sino yung nasa gubat ? “ takang tanong ni Cillian

Sino nga ba ?

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now