Chapter 19: Hide and Sick on Dim Part II

108 3 0
                                    

[ Third person’s point of view ]

Nagsimula na ang aktibidad ng Class 4-A , nagkanya-kanya na ang mga studante upang magtago para hindi mahanap ng taya na si Prince na ngayon ay tahimik na nagbibilang  hanggang twenty habang nakaubob ang ulo sa puno .

“ 20 “ sigaw ni Prince sabay alis ng ulo nito sa pagkakaubob sa puno . Nilibot nito ang paningin sa paligid . Ang paligid ay malinis , wala kang makikitang kahit na isang tao , lahat ay minabuting hindi agad makita sa kanilang mga pinagtataguan dahil sa kagustuhan nilang makuha ang premyong naghihintay sa kanila pagdating ng isang oras .

Hindi naman mapakali si Cena sa kanyang pinagtataguan sa isang madilim na lumang budega na kung saan puno ng sapot ng gagamba , mga basag na utensil sa kusina at mga lumang gamit sa resort .

“ Ano ba naman dito ! Ang kalat kalat ! Ang dumi-dumi ! Buti pa sa bodega namen sa bahay malinis , hindi kagaya dito ! Nakakadiri ! “ inis na sabi nito habang nandidiring hinahawakan ang mga gamit upang itabi sa isang sulok .

“ Ahhh ! “ napatili ito sa kinatatayuan niya dahil may biglang pumasok sa loob ng bodega . Nakahinga naman ito ng maluwang ng mapagtanto ito kung sino ito . “ Ikaw lang pala , nakakagulat ka ha ? “ – Cena

“ Sorry “ mahinang tugon nito

“ Ang dumi noh ? nakakadiri . Porke ba bodega na hindi na kailangan pang linisin ? tss ! Anong klaseng may-ari ang nagmamay-ari nito . Hindi niya ba alam na , dito palang sa bodegang ito nakaka turn off na ? tss ! “ – Cena

“ Medyo magulo nga . Pero magtatanong sana ako kung anong oras na ? “

“ Huh ? bakit ? wala ka bang relo ? cellphone ? “ – Cena

“ Wala e’ , isa lang kasi ang dala ko ngayon “

“ Ano naman ? kung ano pa ang mahalaga ay yun ang wala ka . Ano kang klaseng tao ? “ – Cena

“ Isa itong uri ng isang patalim na kayang kumitil ng  mahigit isang daang buhay ng tao pati na ang buhay mo . Anong oras na ba ? “

Napaurong ang dalaga sa kinatatayuan nito kasabay ng malakas niyang paglunok na rinig na rinig sa loob ng bodega dahil sa sobrang tahimik doon .

“ Sa-sandali lang “ nanginginig naman itong sumilip sa kanyang hawak na cellphone na siyang nagsisilbing ilaw nila sa loob ng bodegang iyon . “ s-6:30 pm na “ – Cena

“ Anong date ngayon ? “

“ October 4 ? “ – Cena

“ Alam mo bang ngayon na ang oras at araw mo upang mawala sa mundong ito ? “

“ A-anong sinasabi mo diyan ? anong o-oras at a-araw ang sinasabi mo ? h-hindi ikaw ang diyos upang malaman kung kailan ako kukunin o mamatay “ – Cena

“ Hindi nga ako isang diyos , pero isa akong demonyo , na kayang magbigay ng oras at araw kung kailan kikitilan ang buhay ng isang tao “

TIME to DIE ( FIN )On viuen les histories. Descobreix ara