Chapter 30

118 5 0
                                    

[ Prince's Point Of View ]       

H-hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kay Cillian . Paano nagawa ni Merson ito sa kanyang mga kaibigan ? at anong ugnayan nito sa anak ng Principal na si Shaira ? .

Na e-kwento na sa aken ni Cillian kung paano siya nagkaroon ng sugat sa hita . At ang may gawa nun pala sa kanya ay sina Shaira at Merson .

Walanghiya ka Merson , paano mo nagawa ito sa mga kaibigan mo ? ang laki pa naman din ng tiwala ko sa'yo dahil ikaw ang tumatayong kuya ng lahat .

" Hindi oras ng pagtunganga ngayon Prince , kailangan tayo nila Felicity , nasa panganib ang buhay nila " - Cillian

Sa sinabing iyon ni Cillian ay bumalik ang utak ko sa huwisyo ko . Tumango ako at tumalikod para pasanin siyang muli .

" Hindi na kailangan " sabay tulak saken " Hindi naten maililigtas sina Felicity kung papasanin mo pa ako , iwanan mo nalang ako " - Cillian

" Baliw ka ba ? anong iiwanan ? paano ka ? " 

" Okay lang ako , kaya ko pa sarili ko , basta ang mahalaga mailigtas mo sina Felicity " - Cillian

" Bakit puro Felicity ka nalang ng Felicity , may gusto ka kay Felicity noh ? " - kanina pa kasi siya Felicity ng Felicity e pwede namang Bennett diba ?

" Mapapatay ako ni Mama kapag may nangyareng masama kay Felicity , Prince kapatid ko si Felicity sa Nanay kaya Please , iligtas mo siya . Hindi man ako mamatay dito , mamamatay naman ako kay Mama kapag napahamak si Felicity " - Cillian

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya . Magkapatid sila sa nanay ni Felicity ? what the .

" Hindi niya alam ang tungkol dito dahil isang hamak lang akong anak sa labas . Kaya please , mauna kana at iligtas mo ang kapatid ko " - Cillian

" O-oo " yun na lamang ang nasabi ko bago siya tuluyang iniwan sa lugar na iyon . Kaya pala medyo magkahawig silang dalawa ni Felicity lalo na ang ilong nila , ang mga mata . Magkaparehong magkapareho .

[ Third Person's POV ]

Hingal na hingal sa pagtakbo ang dalaga kasama ang kanyang kaibigan . Higit higit parin ng binata ang kamay ng dalaga habang sila ay tumatakbo .

" W-wala pa ba tayo Bennett ? , pagod na ako " - Felicity

" Wala pa e' , pero alam ko malapit na tayo dito . Konting tiis nalang Feli , makakarating din tayo  " - Bennett

Hindi umimik ang dalaga sa sinabi ng kanyang kaibigan at nagpahigit nalang ito dahil wala na siyang lakas pa na tumakbo dahil sa layo na ng kanilang tinakbo .

*BOOM*

" AHHH " napahinto ang dalawa sa pagtakbo ng may bigla silang narinig na isang pagsabog . " Ano iyon Bennett ? " - Felicity

" Sina Mich at Rach " tarantang sabi ni Bennett at hinigit nanaman nito si Felicity upang tumakbo .

" Hahahahahaha " tawa ng salarin ng makitang sumabog ang sinasakyang Bus ng isang dalaga .

" Good Job Merson " nakangisi namang sabi ng isang dalaga na kararating lamang .

" You too Aubrey , ano makukuha ko na ba ang pabuya ? " - Merson

" Masyado pang maaga para diyan Merson , hindi pa tayo tapos dahil may tatlo pa tayong kailangang kitilan ng buhay " - Aubrey

Tumango ang binata at nakangising lumapit sa dalaga " 3 buhay nalang ang kulang para maging akin ka na ng buong buo " - Merson

Napatigil ang dalawa sa pagtakbo ng makita makita ng binata ang ginawang paghalik ni Merson kay Aubrey .

" Bakit Merson ? " takang tanong ni Felicity at sinundan ang tinitignan ng binata ng makita niya itong nakatingin lang sa isang direksiyon . " OMG ! " napatakip sa bibig si Felicity sa nakita niya .

" Basta ba gawin mo ang dapat mong gawin , hindi ka naman siguro mahihirapan sa pagpatay sa kanila dahil mukha naman silang mga walang binatbat " sabi ng dalaga ng maghiwalay ang labi nila ng binata .

Napasinghap naman si Felicity sa narinig nito kaya mabilis na tinakpan ng binata ang bibig ng kanyang kaibigan . Ng mapansin niyang lilingon ang dalawa ay mabilis na nagtago ang dalawa sa likod ng mga halaman .

" May narinig ka ba ? " - Aubrey

" Wala , walang tao rito kundi tayo lang dalawa . Dahil nasa cage pa silang tatlo at hindi alam ang gagawin kung iiwan ba nila ikaw o isasama sa pagtakas nung dalawa na hindi man lang umabot ng limang kilometro ang layo sa pagtakas " - Merson

" Ang sweet nga ng magkambal na iyon e' . Iniligtas nga ang buhay ng kambal niya saken hindi anman siya nakawala sa'yo , kaya useless din ang pagiging super hero niya dahil namatay din ang kakambal niya sa kamay mo " - Aubrey

Napahagulgol na ang dalaga sa pag-iyak ng malaman nitong patay na ang kanyang mga kaibigan . Pilit namang tinatakpan ng binata ang bibig ng dalaga dahil baka marinig sila nito at sila naman ang mapahamak .

" Sshh ! , baka marinig nila tayo " bulong nito sa kaibigan . Marahas namang tinanggal ng dalaga ang kamay ng kanyang kaibigan sa bibig nito .

" W-wala na sila Rach at Mich , huhuhu TT__TT wala na ang mga kaibigan naten " sabi nito sa gitna ng kanyang paghikbi .

" Alam ko ... Pero paanong naging si Merson at Aubrey ang salarin ? paano nila nagawang patayin ang sarili nilang mga kaibigan ? bakit nila ginagawa ito sa aten ? " - Bennett

Umiling si Felicity na nagsasabing wala siyang alam , kaya napaapo nalang sa noo ang binata .

Napatili ang dalaga at napatyo sa kanyang kinauupuan ng bigla itong may nakitang ahas sa tabi niya .

" Shit ! " bulalas ng binata sa nangyare 

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now