Chapter 18 : Hide and Sick on Dim Part I

148 2 0
                                    

[ Third person’s point of view ]

Ngayon na ang simula ng pangalawang activity ng 4-A na hanggang ngayon ay wala paring alam sa pagkamatay ng dalawa nilang kaklase sa kanilang ginawang activity kagabi lamang .

Excited ang iba sa kanila dahil sa alam nila na malaki ang premyong makukuha nila ngayong gabi sa gagawin nilang activity . Ang iba naman ay nangangatog na ang mga tuhod dahil sa nararamdaman nilang takot sa dilim . 

“ Ang tawag sa pangalawang gagawin nateng activity for tonight class 4-A , ay Hide and Sick on Dim . Familiar naman siguro kayo sa larong ito hindi ba ? “  Ms Delgado

“ Yes Mam ! “ 4-A

“ Sino pong magiging taya Mam ? at paano po ang magiging mechanics ng activity na ito ? may makukuha po bang premyo dito kagaya kagabi sa Egg Eastern Dim ? “ Claire

“ Yes Claire , at ang magiging Mechanics nito ay madali lang . Ang magiging taya ay siya ang magkakaroon ng pag-asa na makakuha ng premyo kapag lahat ng kayo ay mahahanap niya lahat “ Ms Delgado

“ Unfair yata yan , bakit ang taya lang ang may pag-asang makakuha ng premyo ? paano ang mga magtatago ? “ Mark

“ Hindi ito unfair , patapusin mo muna kasi ako Mr Pascual . “ natahimik si Mark sa sinabi ng guro nila “ As I’ve said , hindi lang ang taya ang may pag-asang makakuha ng premyo dito . Pati narin ang nagtatago . Ang Mission ng taya ay hanapin lahat ang mga nagtatago sa dilim upang makuha ang premyo ng activity na ito . Pero kapag hindi nito nakuhang hanapin lahat sa isang oras ay ang mga hindi nahanap na mga nagtatago ay siyang makakauha ng Premyo . Gets niyo ? “ Ms Delgado

“ Yes Mam ! “ 4-A

“Okay . Ang mapipiling taya ay manggagaling sa mahal nating Principal . Mrs Maninang , please join us here and pick one of the students “ Ms Delgado

Naglakad naman ang isang may katabaan at katandaan na babae at pumunta kung saan naroon si Ms Delgado . Nagbigay galang ang 4-A ng makarating na ito sa tabi ng kanilang guro . 

“ Where’s the list of your students Ms Delgado “ – ma autoridad nitong utos sa guro .

“ Here Mam “ sabay abot ng guro ng listahan ng kanyang mga studyante . Mabilis naman itong kinuha ng Principal sa kamay guro at mabilis din itong naghanap ng magiging taya .

“ Ayokong maging taya Kambs , malakas ang kutob ko na hindi maganda ang kinalalabasan nitong activity na ito sa magiging taya “ bulong ni Rach sa kambal niya na ngayon ay matiim na nakatingin lamang sa Principal .

“ Tama ka , pwedeng isang kapahamakan lamang ang makukuha ng taya dito sa larong ito . Pero maari din itong ikapahamak ng mga magtatago .  Kaya kambs , wag na wag kang hihiwalay saken okay ? “ Mich

“ Yes Kambs ! “ – Rach

“ Prince Hope Reyes “ Mrs Principal Maninang

Maraming nadismaya sa 4-A dahil ang gusto ng iba sa kanila ay sila ang maging taya dahil malakas ang paniniwala nila na madali lamang nilang mahahanap ang kanilang mga kaklase . Ang kambal naman na sina Mich at Rach ay napasinghap sa narinig , habang ang iba pa nilang kaibigan ay masaya para sa kaibigan nila maliban kay Cillian na ngayon ay nakanguso ng pagkahaba haba , dahil ang gusto niya ay siya ang maging taya upang makuha ang premyo ng gagawin nilang aktibidad .

“ Pre wag ka ng tumuloy “ – pigil ni Mich sa kaibigan na maglalakad n asana patungo sa kanilang guro .

“ Bakit Mich ? “ takang tanong ni Aubrey

“ Oo nga . Ah’ baka gusto ni Mich na ako na lang ang maging taya . Ayiee~ lab mo talaga ako Mich noh ? bwahahaha “ – Cillian

“ Bakit Mich ? “ – Prince

“ Kambs , hayaan mo na siya . Wala tayong magagawa kung siya ang napili , atsaka baka manghinala pa ang mga kaibigan naten sa ginagawa mo . Tandaan mo , Trust no One . Kaya hayaan mo na “ bulong ng kambal ni Mich

“ Wa-wala , tama si Cillian . Siya nga ang gusto kong maging taya , dahil nga malaki ang pangangailangan niyan , kaya gusto ko siyang pigilan “ – Mich

“ Yiee~ sabi na e’ , ikaw Mich ha ? paminta ka na ba ngayon ha ? at natamaan kana sa taglay kong ka gwapuhan ? ay mydulay bwahahaha iba na talaga ang gwapo “ – Cillian

“ Hangin mo . Baka naman nag-aalala lang si Mich kay Prince at hindi sa’yo , wag kang feeler “ – Aubrey

Napanguso naman ang binata sa sinabi ng kaibigan nito . Habang ang mga kaibigan nito ay natawa nalang .

“ Prince Hope Reyes , nasaan ang lalaking ito ? bakit wala pa siya dito ? “ Mrs Principal

“ Oh ? pumunta kana sa harapan Prince , bago pa magbuga ng maitim na usok ang malaking pugita “ – Rach

“ Bibig mo nga Rach , baka marinig ka nila . Ikaw talaga ! “ Felicity

“ Sarreh hahahaXD “ – Rach

“ Sige na Prince pumunta kana at para matapos na agad ito . Gustong-gusto ko ng magpahinga “ – Merson

“ Sige “ Prince

“ Mag-iingat ka Pre “ – Mich

“ Kayo rin “ sabi ni Prince bago tuluyang umalis sa harapan ng mga kaibigan at tumungo sa kinalulugaran ng guro at principal nila .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now