Chapter 26 :

109 6 5
                                    

[ Someone’s point of view ]

“ Hindi na umaayon lahat sa plano Mahal ko , dahil sa walanghiyang Bailey na iyan ! Hindi ko na magawang sundan ang tamang oras at araw “ nakakainis . Hindi ba siya makapaghintay? Doon din naman ang bagsak niya ah ?

“ Edi wag mo ng sundan ang plano ,  upang madali na natin silang mapatay lahat . Ayaw mo ba non ? “

“ Ayoko ! Hindi naman ako nagmamadali sa pagpatay sa kanila e’ “ hindi naman talaga e’ , mas gusto ko yung pinaglalaruan muna sila bago ko sila tuluyang putulan ng hininga . Katulad ng ginagawa ko sa maarteng Cena na yun . Ang laman niya ang ginawa kong basahan upang magpunas punas . Habang ang buhok naman nito ay ginawa kong mop na siyang pinaglampaso ko sa maruming sahig .

“ Ako nagmamadali “

Nakataas ang isang kilay na tumingin ako sa kanya .

“ Bakit ? anong kinamamadali mo ? atsaka bakit ba ikaw ang nagmamadali dito ? ikaw ba ang nagplano lahat upang madalian mo ako ? hindi ! Kaya manahimik ka diyan at sasabihin ko nalang sa’yo kung sino na ang susunod na bi-biktimahin ! “ bakit siya nagmamadali ? samantalang ako naman ang lahat ng nagplano nito sa simula palang . Wala nga siyang ginawa e’ , tapos siya pa ang nagmamadali ngayon ! Argh ! Kung hindi ko lang mahal ang lalaking ito ay matagal ko na siyang pinatay .

*Creek*

Napabaling ako sa likuran ko ng tingin ng may narinig ako . May tao ! “ May naka kita sa --- ACK ! “ nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya habang pinipigilan naman ng dalawa kong kamay ang kamay nito na pilit pinagdidiinan ang kutsilyong nakasaksak sa tiyan ko . Anong ginagawa niya ? bakit ako ang pinapatay niya ?

“ Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo Shaira ! Kung ikaw nagagawa mo pang makapagtimpi sa ginagawa mo , ako hindi ! Kaya mas mabuti nalang na mawala ka dahil sagabal ka sa plano namen ! “

O____O Nanlaki ang mga mata ko . Plano nila ? nino ? sino ? .

“ Tr-traydor k-ka ! “ nahihirapan kong sabi dahil sa dugong umaagos mula sa bibig ko .

“ Matagal na ! AUGH ! “

Humagis ako sa buhangin habang hawak-hawak ang tiyan kong may saksak . Ito na ba ang sinasabi nilang karma ? . Ako ang gumawa ng plano nito upang patayin ang lahat ng 4-A , ako ang gumawa ng larong ito . Pero bakit ako yata ang nadaya dito ? bakit ? . Anong nagawa kong kasalanan upang gawin mo saken ito mahal ko ? Ano . And all went black .

Hindi pa tayo tapos Merson !

[ Third Person’s point of view ]

Inaapula naman ngayon ng apoy ang nag-iisang resto sa islang kinaroronan ng 4-A . Makakarinig ka ng iba’t ibang sigawan na maririnig mo sa iba’t ibang tao na ngayon ay nilalamon na ng apoy .

“ Anong nangyaya---- P*TA ! “napamura na lamang si Cillian ng makita ang nasusunog na Resto at kitang kita nito ang mga kaklase nito na nasa loob . Nataranta ang binata sa nakita at hindi alam kung saan ito hihingi ng tulong o kung saan kukuha ng tubig .

“ TULONG ! TULONG ! ANAK NG FRIED CHICKEN ! “ sigaw nito habang pilit na binubuksan ang nakitang gripo malapit sa nasusunog na resto , nasuntok nito ang gripo ng wala itong naibuhos na tubig . “ Anong gagawin ko ? Alam ko na ! Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko ! “ – pagkasabi niyang iyon ay tumakbo na ito ng mabilis . “ AHHH ! “ sigaw nito at bigla na lamang bumagsak sa lupa . Nakaramdam ito ng sakit at kirot sa kanyang binti . Pagkatingin nito ay nakita itong isang matulis na patalim na nakatusok sa kanyang binti .” AHH ! “ tili nito ng bigla nitong hugutin ang kutsilyong nakabaon sa kanyang binti . “ TIGILAN NIYO KO ! MGA WALANGHIYA KAYO ! MGA TRAYDOR ! MGA DEMONYO ! “ sigaw nito habang inililibot ang tingin sa paligid . Pinilit nitong tumayo , nung una natumba ito dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang binti “ Kaya mo ito Mario , para sa mga kaibigan mo ! Kayanin mo ! “ sumubok muli itong tumayo na ikinatumba lamang nito hanggang sa magtry ito ng mag try hanggang sa nakuha na nitong tumayo at maihakbang ang kanyang mga paa .

Nakarating na ito sa naging tambayan nila sa isla na hingal na hingal at pilit na hinahabol ang hininga .

“ G-guys ! “ tawag nito kasabay ng pagkaluhod niya sa harapan ng pasukan nito kaya hindi napansin ng kanyang mga kaibigan ang sugat na kanyang natamo .

“ Anong nangyayare sa’yo Cillian ? “ takang tanong ng kaibigan niyang si Bennett at inalalayan itong makatayo sa kanyang kinaluluhuran . Hindi naman agad napansin ng kaibigan ang natamong sugat ni Cillian sa kanyang binti ay dahil pausad-usad ang mga paa nito na parang ayaw na nitong ipatong ang mga talampakan sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman nito sa kanyang binti .

“ S-si—A-ng—“ hindi na naituloy ni Cillian ang kanyang sasabihin ng bigla itong mawalan ng malay kasabay ng isang malakas na pagsabog na nakaagaw sa lahat ng pansin ng kanyang mga kaibigan niya .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now