Chapter 29 :

121 4 0
                                    

Chapter 29 :

[ Third Person's POV ]

Nagkatinginan ang magkakaibigan na natira sa naging tambayan nila . Hindi sila makapag desisyon kung tama o mali ba ang gagawin nilang pagalis sa isla na hindi naman sila nakakapag paalam sa kanilang mga guro . Pero ang hindi nila alam , ay mas nauna ng binawian ng buhay ang kanilang mga guro .

" Anong gagawin naten ? Bennett , Prince ! , Kung aalis tayo , paano si Cillian at Merson ? Hindi naten sila pwedeng pabayaan nalang dito " - Felicity

" I know Felicity , mga kaibigan naten sila . Pero paano natin sila bubuhatin ? " - Bennett

" Simpleng tanong Bro . Edi pasanin naten " - Prince

" N-no ! Hindi maaring mamuhat o magpasan ng mabibigat si Bennett . Hoy Bennett ! Hindi ba nagkaroon ka ng pilay sa likod ?kaya bawal . Alam mo namang--- " - Felicity

" Alam ko Felicity , na ikapapahamak ko kapag nagbuhat ako ng mabigat . Alam na alam ko iyan . Pero hindi na mahalaga iyon saken ngayon Felicity , mamatay kung mamatay . Buhay nating lahat ang nakataya dito " - Bennett

" Pero--- " - Felicity

" Magiging okay lang ako Felicity " - Bennett

Napabuntong hininga nalang ang dalaga . Habang ang binata naman ay nagpapalipat lipat lang ang tingin sa dalawa habang nag-uusap ito .

" Kailangan na nating magmadali . Isang oras na ang nakakalipas , meron pa tayong isang minuto para puntahan ang sinabing bus ni Mich " - Bennett

" Tama , kailangan na nating magmadali . Bennett , buhatin mo si Merson at ako na ang bahala kay Cillian " - Prince

Tumango naman ang binata . Tutungo na sana siya sa kanyang kaibigan ng biglang nagsalita si Felicity .

" Nasaan si Merson ? " takang tanong nito

" Anong nasaan si Merson ? nandito lang si---- Nasan si Merson ? " - Bennett

Nilibot nito ang kanyang paningin sa paligid pero ni anino man ng kanilang kaibigan ay hindi nila makita .

" Saan nagpunta iyon ? hindi ba wala siyang malay kanina ? " - Prince

NANLAKI ang mga mata ng makbal ng makita ang kanilang kaibigan na inakalang patay na ay ngayon ay nasa harapan nila at may hawak na baril .

" Aubrey ! " - tawag ng dalaga sa kanyang kaibigan at akmang tatakbo na ito patungo sa kaibigan ng hablutin ito pabalik ng kanyang kakambal " Bakit Kambs ? si Aubrey yan oh ? " - Rach

" Diyan ka lang " seryosong sabi ng binata , habang matalim na binibigyan ng tingin ang kanyang kaibigan na nasa harapan nila .

" Rach ! Mich ! " tawag ng dalaga sa gitna ng kanyang hikbi " Buti at ligtas kayong dalawa , sabi kasi ni Saphira hindi daw siya nag-iisa na pumapatay " - sabi nito habang humahakbang palapit sa kanyang mga kaibigan .

TIME to DIE ( FIN )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon