Chapter 28

119 4 6
                                    

[ Third person's point of view ]

Takbo ng takbo ang dalaga palayo sa kanyang mga kaibigan dahil sa pagbibintang sa kanya ng krimen na hindi naman niya ginawa . 

" Bakit ayaw nila saking maniwala ? wala akong kasalanan ! Hindi ako mamatay tao , hindi ! " - humahagulgol nitong sabi habang patuloy s pagtakbo .

" SAPHIRA ! SAAN KA PUPUNTA ? "

Lumingon ang dalaga habang tumatakbo sa kanyang narinig na tinig na tumatawag sa kanyang pangalan .

" WALA AKONG KASALANAN WALA ! " sigaw din nito at binilisan pa ang kanyang pagtakbo .

" ALAM KO SAPHIRA ! , ALAM KONG WALA KANG KASALANAN ! "

Napahinto ito sa kanyang tagkbo ng marinig niya ito . At naisip na meroon pang naniniwala sa kanya na hindi ito ang gumawa ng pagpatay sa kanilang kaibigan .

Napaupo ito sa buhangin kasabay ng paghgulgol nito ng iyak .

" Bakit ayaw nilang maniwala saken na hindi ako ang pumatay kay Bailey ? ilang taon tayong magkakasama , at hinding hindi ko magagawa ang sinasabi nila lalo na't sa kaibigan pa naten " 

" Makitig ang mga utak ng mga tao ngayon Saphira . Na kahit kaibigan ka pa nila , ay magagawa ka parin nilang pagbintangan sa kasalanang hindi mo naman ginawa . Ang tanong , naging kaibigan kaya ang turing nila sa'yo kaya ganun ? " napahinto sa paghikbi ang dalaga at iniangatan ng tingin ang kaibigan na ngayon ay nakatayo sa harapan nito " Dahil kung OO , hindi nila magagawang ibintang sa'yo ang kasalanan na ako ang gumawa "

" O_O , A-anong sinasabi mo Aubrey ? anong ikaw ang gumawa ? " - Saphira

" Are you a f*cking deaf ? kakasabi lang hindi ba . AKO ANG GUMAWA ! AKO ! AKO ANG PUMATAY KAY BAILEY , AKO ! Ano ? narinig mo na ? kailangan ko pa bang ulitin sa'yo ha ? " - Aubrey

Nakaramdam ng takot ang dalaga sa sinabi ng kaibigan nito , unti-unti siyang tumayo at umatras sa kinatatayuan ng kaibigan niyang nagsasabi na siya ang pumatay sa kaibigan nila .

" I-ikaw ? , per- paan---- " 

" Sabagal siya sa lahat ng plano ko ! Kaya bagay lang sa kanya ang mamatay . Ng dahil sa kanya , hindi sumunod ang pinlano namen sa umpisa palang . Ang pagpatay kay Mam Evang , at sa iba pang mga Terror teacher na lagi nalang kaming pinapagalitan kahit hindi naman dapat " - Aubrey

" Anong sinasabi mo Aubrey ? anong pinatay niyo si Mam Evang ? hindi ba namatay siya dahil sa Stroke ? dahil na soffocate siya sa isang kwarto noong mag outing tayo ? " - Saphira

Tumawa ang dalaga sa sinabi ni Saphira .

" Tanga ! Tanga kayong lahat ! Lalo na ang mga walang kwentang mga pulis ! Hindi niyo ba naisip sa umpisa pa lang kung paano na soffocate sa loob ng kwarto noon si Evang ? " hindi nakasagot ang dalaga " Ako ang nag lock sa kanya sa loob ng silid na iyon at pinausukan ko ang loob nito na siyang naging pagkamatay ng matandang iyon . O ano ? alam mo na ngayon ? " - Aubrey

" Baliw ka ! Paano mo nagagawang pumatay ? " galit na sabi nito sa kanyang tinuring na kaibigan na hindi naman dapat kinaibigan pa .

" Matagal na akong baliw , Saphira . Ngayon mo lang nalaman ? aww kawawa ka naman ! " - Aubrey

Nakangising humahakbang palapit ang dalaga kay Saphira na ngayon ay siya namang paatras ng paatras sa kanyang kinatatayuan .

" Wag kang lumapit ! Layuan mo ako ! " - Saphira

Huminto naman ang salarin at itinaas ang magkabilang kamay . Nanlaki ang dalaga sa kanyang nakita ng makitang may hawak itong baril .

" Oh ? masyado naman yata akong nakakatakot para panlakihan mo ng mata ? ... Oh btw high way norway south way , meet my precious gunny " sabay tutok ng baril sa dalaga na ngayon ay nanginginig ang mga mata na nakatingin sa kanyang kaibigan . " Gunny , meet Saphira Paras , my friend " - Aubrey

" W-wag mong ituloy yan Aubrey . P-pwede pa naman nating pag-usapan yan hindi ba ? kung meron man nagawa ang tropa sa'yo , pag-usapan natin ito ng masinsinan , hindi ganito na idinadaan mo sa dahas at pagpatay . P-please Aubrey , bi-bitawan mo na yang baril " - Saphira

" Anong sinasabi mo diyan ? anong nagawa ? walang nagawa ang tropa saken Saphira " - Aubrey

" P-pero bakit ? bakit mo ginagawa ito ? bakit ka pumapatay ? " - Saphira

" Wala , gusto ko lang . Gusto lang namen , walang basagan ng trip ika nga nila . Kahit naman ikaw kung gugustuhin mong pumatay ng tao makakapatay ka e' " - Aubrey

" BALIW KA ! DAPAT SA'YO INILALAGAY SA REHAB ! MGA BALIW ! " - Saphira

" Ya'ya'ya ! I know sAPHIRA , hindi mo na kailangan pang ipangalandakan . Atsaka sa Rehab ? matagal na akong nakulong sa Rehab tanga ! Limang taon pa nga ako doon e' " - aUBREY

" Anong---- paano ka nakalabas doon ? " - hindi makapaniwalang tanong ni Saphira

" Argh ! Kailangan ko pa bang sagutin yan ? Fine ! Itanong mo sa tatay kong mayaman . Gusto mo makausap ? hukayin mo ang bangkay niya sa Forest Lake ! " - Aubrey

" P-pinatay mo siya noh ? " - Saphira

" W-O-W ! why so galing ? paano mo nalaman ? " - namamanghang sabi nito . Pero bigla itong sumeryoso ng may makita siyang dalawang bulto ng kanyang mga itinuring na mga kaibigan " I have no Time for you now , Saphira . Hinihintay ka na ng sundo mo e' , because It's your Time to Die , darling bye " sabay tutok muli ng baril sa dalaga .

*BANG*

" Ahhh ! " tili ng dalaga habang nasa gitna sila ng pagtakbo ng may narinig silang isang putok ng baril . " Si Aubrey , Kambs " nag-aalalang tanong nito sa kanyang kakambal .

" Wala na siya Kambs , kailangan na nating magmadali " sabi ng binata at hinigit na ulit sa pagtakbo ang kanyang kakambal .

Pero napahinto din sila agad ng may biglang isang tao na humarang sa kanilang tinatakbuhan .

" At saan kayo pupunta ? "

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora