Chapter 23 : GONE

106 3 0
                                    

[ Felicity’s point of view ]

Panay ang iyak namen ni Aubrey at ang iba pa habang inililibing na sa hukay ang walang buhay na si Bailey .

Hindi kami makatawag ng ambulansya ng makita ito ni Prince dahil walang signal sa lugar nito . Hindi rin namen mapaalam sa mga magulang niya na wala na siya dahil don .

Ito na ba ang dahilan kung bakit parang nagpapahiwatig na mawawala na siya ay dahil may balak na pala itong magpakamatay ? . Anong naisip niya para gawin yon ? baliw na ba siya ? .

“ In the Name of the Father , of the Son and to the Holy Spirit Amen . Rest in Peace Bailey Mikaella Castillo “ – sabay-sabay naming sabi ng mailibing na ito dito sa isla .

Lahat sila ay nagsialisan na maliban saming magkakaibigan na ngayon ay nakaikot sa libingan ni Bailey .

“ Hindi man kita nakasama ng matagal Bailey dahil sa laging pag-alis mo para magpaalam para magbanyo at hindi na magbalik pa . Naging parte ka parin ng masasayang alaala sa buhay ko “ – Ako

“ Mamimiss kita Bailey , mahal na mahal kita kahit hindi tayo nag-uusap masyado . Dahil kahit alam ko na hindi mo ako masyadong kinakausap ay alam kong naging parte parin ako ng masayang alaala mo “ – Aubrey

“ Sino na ngayon ang gagawa ng mahirap nating assignments sa Math kung wala ka na ? ano ba kasing pumasok sa kokote mo at ginawa mo yan sa sarili mo ? “ – Saphira

“ Alam kong mysteryosa kang babae , pero hindi ko inisip na isa ka rin palang baliw para gawin sa sarili mo yan ! “ – Rachael

“ Rach ! “ saway ko sa kanya 

“ Pero , salamat parin at naging parte ka ng buhay ko kahit ginawa mo itong puzzle sa kamisteryosohan mo “ – Rach

Naiiling naman akong napasapo nalang sa noo . Nagagawa niya pang magsalita ng ganun , kahit wala na yung tao ? . Pero , ganyan na siguro si Rach at hindi na matatanggal pa sa kanya iyon .

“ Kung ano man ang dahilan ng pagpapakamatay mong yan Bailey , sinisigurado kong bibigyan namen ng solution kung ano man ito “ – Michael

“ Kung naririnig mo ako ngayon Bailey , maraming salamat sa pagtayo mong parang ate saken “ – Bennett

Silang dalawa kasi ni Bailey at Bennett ang laging magkasama , magka-usap . Kung una mo silang makikita at makikilala ay iisipin mong may relasyon sila . Pero hindi maaring mangyare iyon dahil magpinsan sila sa ama .

“ At kapag nakauwi na ako sa lugar naten , ay babalikan din kita rito agad upang bigyan ka ng maayos na libingan “ – Bennett

“ huhu T_T sabi na e’ , kaya ba ganun ka magsalita nung ibigay mo saken ang premyo nung pangalawang activity ha ? na hindi mo na kailangan ang pera ay dahil mawawala ka na ? ang daya ! Kung ganun naman pala , bakit hindi mo ako pinagbigyan na pasalamatan ka man lang bago ka nagpakamatay ! Alam mo ba kung gaano kalaking tulong sa pamilya ko ang perang iyon ? malaki , malaking malaki Bailey . Kaya maraming salamat sa’yo . Maraming salamat “ – Cillian

Inalalayan ni Prince at Bennett si Cillian na ngayon ay napapaluhod sa puntod ni Bailey . Pinunasan ko naman ang luha ko na kumwalang muli sa mga mata ko habang nakatingin sa naglulumpasaya na si Cillian .

Malaking tulong nga naman talaga ang ginawa ni Bailey kay Cillian  dahil ang laman ng sobre na iyon ay naglalaman ng 50 thousand pesos na cheke .

“ Hindi ka namen makakalimutan Bailey , you’re always inside our heart . Rest in peace “ – Merson

Ngayon ! ang masasabi ko sa araw na ito . Ay ito ang pinakamalungkot na araw na naranasan ko buong buhay ko . Ang mamatayan ng isang mabait at matulunging kaibigan . Naging mysteryosa man siya sa aming paningin , pero naging isa naman itong masayang parte ng aming alaala na kasama siya . Kung nasaan ka man ngayon Lora . Sana masaya ka , at maraming salamat sa binahagi mong happy memories sa aming lahat .

~~~

[ Michael’s point of view ]

Hindi ako naniniwalang nagpakamatay lang si Bailey . Dahil hindi iyon ang nakikita ko sa katawan niya . May mga hiwa ito sa katawan , mga kalmot sa mukha . Parang pinaglaruan muna ito bago pinatay . At paano naman magbibigti si Bailey kung wala naman itong ginamit na upuan o mataas na bagay na pwedeng tungtungan upang itali sa mataas na ding-ding ang lubid na nakasabit sa leeg nito ? .

Pinuntahan ko ang banyo na pinangyarihan ng krimen at may nakita ako . Isang hairpin , isang hairpin na babae . Imposibleng kay Bailey ito dahil hindi mahilig sa hairpin si Bailey at laging nakapuyod lang ang buhok nito .

Isa lang ang paraan upang matukoy ang gumawa nito kay Bailey . Ang nagma-may-ari ng hair-pin na ito na hawak ko , siya , siya ang pumatay kay Bailey !

Pero parang nakita ko na ito kung saan , pero hindi ko maalala kung kanino ko nakita na gamit-gamit ito . Pero gayun pa man , hinding-hindi ko mapapatawad ang criminal na iyon sa pagpatay sa walan g kamuwang-muwang na kaibigan ko . Humanda siya , dahil hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikita .

“ Kambs , ano na ang plano mo sa pagtakasa naten para mamaya ? may na-isip ka na ba ? “ – Rach

“ No kambs , hinding hindi na tayo aalis dito “ nakita kong kumunot ang noo nito . Sorry Kambs . Hindi ko maaring hayaan nalang ang gumawa nito kay Bailey at sa iba pa .

“ B-bakit kambs ? “ takang tanong ni Rach habang nakikita ko sa mga mga mata niya ang namumuong luha nito .

“ Alam kong malapit na nating matuntunan ang salarin . Hinding hindi ko na siya hahayaan pang maymapatay sa mga kaibigan naten . Alam kong malapit na Kambs , alam ko “ umiling ito sa sinabi ko at iniwan ako sa loob ng silid na mag-isa . Sorry Kambs . Im so sorry .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now