Chapter 31

107 3 0
                                    

[ Third Person's POV ]

" Felicity " nakangising sabi ng dalaga ng makita ang kaibigan 

" Takbo na Felicity " sigaw ng binata na kasama nito , agad anman itong sinunod ni Felicity , sinabayan narin ito ng takbo ng binata sa ibang direksiyon .

" Ako na bahala kay Felicity at ikaw na ang bahala kay Bennett , magkita nalang tayo sa bakanteng lote , may sasakyan doon na siyang gagamitin naten paalis sa islang ito " - Aubrey

Tumango ang binata at mabilis na tumakbo para habulin si Bennett . Kinasan ng salarin ang kanyang hawak na baril at nakangising naglakad patungo sa pinagtakbuhan ni Felicity .

Lumabas ang isang tao na nakatgo sa isang sulok at kitang kita lahat ang nangyare . Nagkaroon ito ng ngisi sa kanyang labi at mabilis na tumakbo patungo sa bakanteng lote na sinasabi ng salarin .

" Walang makakaalis ng buhay dito , wala ! "

-

" No ! Hindi pwede to' , MICH ! RACH ! " Sigaw nito ng makita nitong may isang sasakyan na ngayon ay nilalamon na ng apoy . Napasuklay ito sa kanyang buhok ay nagpalad lakad doon . " SHIT ! " he cursed " BENNETT , FELICITY ! " sigaw nito ng maalala ang dalawa pa niyang kaibigan . Nagsimula ulit itong tumakbo para hanapin ang mga ito . 

" AHH ! TULONG ! "

" FELICITY " mabilis tumakbo si Prince , kung saan nito narinig ang tinig . Napahinto ito ng may makita itong isang babae na nakaupo sa buhangin at umaatras ito pagapang , pagka lingon nito ay nanlaki ang mga mata niya ng makita si Aubrey na may hawak na baril at nakatutok ito kay Felicity .

'Akala ko ba si Shaira ang kasamang pumapatay ni Merson ? pero anong ginagawa ni Aubrey ngayon ? '  tanong nito sa kanyang sarili . Mabilis itong nagtago sa likod ng malaking drum at sakto ay may nakita itong isang dos por dos na kahoy na agad naman niyang kinuha .

Dahan-dahan itong tumayo at tumungo sa likod ng salarin . Napansin niyang nakita siya ng kanyang kaibigan kaya agad niya itong sinenyasan na tumahimik ito .

" Walang hiya ka ! Traydor ! Paano mo nagawa samen to ? " - Felicity

" Ya'ya'ya ! Traydor na kung traydor ! Walanghiya na kung walanghiya . Paano ko nagawa ito sa inyo ? simple lang .... dahil trip ko  " - Aubrey

" Trip mo ? nababaliw ka na ba ? at ang pagpatay ng sarili mong mga kaibigan ang naisipan mo ? " - Felicity

" Matagal na akong baliw Felicity , ngayon mo lang nalaman ? . E sa wala akong mapagtripan na patayin ? kaya heto at kayo ang pinuntirya ko... ang 4-A " - Aubrey

" Baliw ! Ang dapat sayo pinapatay ! " - Felicity

" Patay agad Felicity ? hindi ba pwedeng Rehab muna ? hahahaha XD " - Aubrey

" BALIW ! " - Felicity

" Ay ang bingi , sabi ng alam na e' , kelangan pa talagang ipangalandakan ? " - Aubrey

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now