Chapter 3 : You're Lucky , because it's not yet your time . Not yet !

266 7 2
                                    

[ Prince’s Point of View ]

Palakad ako ngayon patungo sa skwelahang pinapasukan ko na maraming weirdong tao . Hindi katulad ng ibang school , matitino kung matitino nga bang dapat ituring . 

Napahinto ako sa paglalakad ng may biglang humarang sa harapan ko .

“ Long time no see Pag-asa “

Napangisi ako ng marinig ko ang boses na iyon . Hindi ba talaga siya titigil hanggat hindi niya ako napapatumba ? wengya ! Wala naman siyang binatbat e ‘ .

Nag-angat ako ng tingin na may ngisi sa mga labi .

“ Miss me ? “

“ Oo ! Miss na miss ka na ng mga kamao ko ! Hala sugod ! “ – Ryan

Ang daya 1 vs 10 ? Tae ! ! Pero keri lang !

Ibinato ko sa malayo ang dala kong bag pagkatapos ay isa-isa na akong sumuntok sa mga sumusugod saken .

*Boogsh*

*Pak*

*boom*

*choss*

*boogsh*

“ Ack ! “ napahawak ako sa sikmura ko habang napapaurong dahil sa lakas ng naging impak ng suntok saken ng isa sa kanila . Naging sunod sunod ang atake na ginawa nila saken hanggang sa maramdaman ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa semento .

“ Ano ka ngayon ha ? “

*boogsh*

*Pak*

*boogsh*

“ ACK ! “ 

Puta ! kapag ako nakatayo dito hindi ko kayo hahayaang mabuhay ! . Nanghihina na ako at hindi ko na kaya pang tumayo , paano ko na sila ngayon papatayin kung ang p*tang*nang katawan na’to ayaw ng tumayo ? ! Argh ! Nagsisimula naring manlabo ang mga mata ko .

“ Papatayin na ba naten Boss ? “ rinig kong tanong ng isa sa kanila .

Hindi ! Hindi ako pwedeng mamatay ng ganun ganun na lang . Kailangan ko munang lumaban . ! Pero paano ? Putcha !

“ Sige , despatyahin niyo na yan ! “ – rinig kong utos ni Ryan sa mga kasamahan niya .

Tae ! Anong gagawin ko ?

*bang*

“ Sino yun ? “ – Ryan

“ Hindi ko alam Boss “ 

*bang*

“ P*tang*na ! Sino yan ? wag kang duwag ! Lumabas ka ! “ – Ryan

Anong nangyayare ? bakit may putok ng baril ? . Napapatakip ako sa tenga ko ng maraming beses ng putok ng baril ang narinig ko . Rinig na rinig ko rin ang mga nagbabagsakan sa sahig . Maya’t maya lang huminto na ang pagputok . Anong nangyayare ?

Nanayo ang mga balahibo ko ng biglang may bumulong sa tapat ng tenga ko , kakaiba ang boses nito . Parang boses ito ng demonyo na hindi mo malaman kung ano ang nagsasalita . Kung babae ba o lalaki .

“ You’re Lucky , because it’s not yet your time . Not yet ! “

Rinig ko ang lakad nito palayo sa kinahihigaan ko . Gusto ko mang imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa . Hindi ko narin maigalaw ang katawan ko dahil sa natamo kong bugbog .

Pero sino yun ? bakit ganun siya magsalita ? anong sinasabi niyang hindi ko pa oras ? .

“ PRINCE ! “ kilala ko ang boses na iyon ah ? kahit isang araw ko palang siyang naging kaklase at nakausap , kilalang kilala ko na ang boses niya “ Anong nangyare sa’yo ? Tulong ! Tulungan niyo kami ! Prince ! “ si Felicity

Napangiti ako , pero unti-unti ng nagblablanko ang isip ko . Katapusan ko na ba ?

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon