Chapter 21 : Past

111 3 0
                                    

[ Third Person’s point of view ]

Hindi alam ng kambal na habang nag-uusap sila ay mayroong nakikinig sa kanilang pinag-uusapan na ngayon ay masama ang tingin sa mga ito . Naikuyom niya ang kanyang kamao at galit na umalis sa kanyang pinagtataguan .

“ May nalalaman na pala kayo ha ? at gusto niyo pang tumakas sa isalang ito . Pero bago mangyare yon . Makikipaglaro mun si kamatayn sa inyo “ nakangising sabi nito habang naglalakad patungo sa direksiyon ng resort .

Masaya namang nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan ang mga magkakaibigan na sina Felicity , Cillian , Bennett at ang iba pa dahil sa kabaliwan ng mga ikinukwento ng kaibigan nilang si Cillian .

“ O siya Logic tayo . Ang makakuha ng tamang sagot ay ibibigay ko sa kanya ang premyong ibinigay saken ni Lora kagabe “ – Cillian

“ Wag na Cillian , itago mo nalang iyon . Okay na yung napapasaya mo kami dahil sa mga kalokohan mong alam “ – Felicity

“ Tama ! Ibigay mo nalang sa mga magulang mo yan , mas kelangan mo yan kesa samen “ – Aubrey

“ Aww . Nakakatats naman kayo , kaya mahal na mahala ko kayo e’ “ – Cillian

“ I hate you Pre “ – Bennett

“ Me too “ – Prince

“ Che ! Kayo na nga lang ina-I Love You e, kayo pa maselan “ – Cillian

“ Paminta ! , sabihin mo na nga yung Logic mo , kesa diyan sa dumadada ka diyan at naglalaglag “ – Saphira

“ Hoy hindi ako naglalaglag noh ? ako ? ang poging si Cillian Sta Ana ay maglalaglag ? aba hindi yata pwede yan , maraming iiyak na chicks mga brad “ – Cillian

“ Baka mga aso brad hindi Chicks ? “ – natatawang sabi ni Bennett at nakipag-apir pa sa katabi nitong si Prince .

Napanguso naman ang binata sa sinabi ng kanyang mga kaibigan .

“ Pinagtutulungan niyo nanaman ako *pout* “ – Cillian

“ E kung sinabi mo na kasi agad ang Logic mo at hindi yang kahanginan mo , edi sana hindi ka napagtutulungan ngayon “ – Aubrey

“ Oo na po , heto na po … *ahem*  Here’s the Logic “ – Felicity

“ Naman English ! Ilang taon mong pinag-aralan yan Brad ? “ – Saphira

“ 10 years lang naman “ nagsitawanan ang mga kaibigan niya sa sinabi nito “ Okay katahimikan , masyado kayong nag-eenjoy “ tumahimik nga itong mga ito “ Heto na … Sa gitna ng kagubatan may dalawang lalake na naglalakad , sa gitna ng paglalakad nila may nakita silang batang may dala-dalang pugad , tinanong nila ang bata kung ano ang pangalan nito  . Sabi ng bata , kung ano ang pandinig niyo at kung ano ‘tong dala-dala ko at kung ilan kayo . Ang malaking tanong , Ano ang pangalan ng bata ? “ – Cillian

Napaisip naman ang lahat sa naging Logic ni Cillian . Ang iba ay napapakamot sa kanilang noo at ang iba ay sa baba . Napapangiti naman ng malapad si Cillian sa nakikita nitong mga reaksiyon ng mga kaibigan .

“ Hindi niyo alam noh ? haha “ – Cillian

“ Tumahimik ka nga Cillian , kita ng may nag-iisip ang inagay-ingay mo “ – Aubrey

“ Alam ko ang sagot sa Logic na yan “ napahinto ang lahat sa ginagawa nilang pag-iisip ng may biglang nagsalita at pumasok sa naging tamabyaan nila sa isla .

“ We ? paano mo malalaman Merson kung hindi mo naman narinig kung ano ang Logic na pinapasagutan ko ? “ – Cillian

“ Nasa labas lang ako ng Cage Cillian at rinig na rinig ko kayo “ – Merson

“ Nagyoyosi ka na naman noh ? “ – Felicity

“ Paki moh ? “ – Merson

Napasinghap ang lahat sa naging sagot ni Merson kay Felicity . Ang dalaga naman ay nakaramdam ng kirot sa dibdib nito sa naging sagot ng binata sa kanya . Namumuo na ang luha nito sa gilid ng kanyang mata , pero bago pa man bumuhos ng tuluyan iyon ay tumingala siya upang pigilan ang luhang gustong pumatak sa mga mata niya .

“ Oo nga naman , ano nga ba ang paki ko sa’yo ? kaibigan mo lang pala ako at hindi mo ako Nanay na may karapatang pigilan ka sa bisyong ginagawa mo “ – Felicity

“ Guys ! Nag-aaway ba kayo ? “ – Saphira

“ Hindi Saph , tama naman kasi yung sinabi niya hindi ba ? kaya simula ngayon at tatandaan mo , na hinding hindi na ako makikialam pa sa’yo kahit kailan “ mabilis nitong pinunasan ang traydor na luha sa kanyang mga mata at mabilis din itong lumabas ng tambayan nila .

“ Felicity sandali , saan ka pupunta ? “ habol sa kanya ng lagi niyang kasama na si Aubrey .

Natahimik naman ang loob ng Cage na kanina lamang ay maingay doon .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now