Chapter 4 : News

255 7 3
                                    

[ Felicity’s Point of View ]

Agad na isinugod sa Hospital si Prince ng makita ko siyang nakahandusay sa sahig kasama ng sampong lalaking hindi ko kilala . Lahat sila may tama ng baril , pero si Prince wala , puno lang ito ng pasa at bugbog sa mukha .

May mga Pulis kanina na nakausap ko , wala naman daw silang nakitang baril na ginamit sa mga namatay at ibinalita rin nila na may isang tao sa sampong may tama ng baril ang buhay , pero nag-aagaw buhay .

“ Anong balita Felicity ? “

Napalingon ako sa mga bagong dating . Sina Bennett , Michael at Rachael . Mga kaibigan ko sila .

“ Sabi ng mga Pulis , napagdiskitahan si Prince ng mga taong iyon . Pero hindi pa nila alam kung sino ang mga bumaril sa kanila samantalang wala naman silang nakitang baril sa nangyareng insidente “ paliwanag ko sa kanila . Tumango si Bennett at umupo sa couch kasunod si Michael . Lumapit naman sa kinauupuan ko si Rachael .

“ Buti buhay pa ? “ – Rachael

Kinurot ko naman ito sa tagiliran na ikinapaigtad niya .

“ Tulis talaga ng dila mo “ nag peace sign lang siya saken na ikinairap ko sa kanya . Kung hindi bastos ang kamay , bastos naman kung magsalita . Kung makapagtanong e parang gusto ng patayin yung tao .

“ Naangasan ako sa kanya e’ , kaya lampakelaman “ – napailing nalang ako “ Nasan pala si Aubrey ? “ – Rachael

“ Bumili lang ng makakain sa labas , kanina pa nga iyon e’ “ – kasama ko kasi kanina si Aubrey na nagbabantay kay Prince na hanggang ngayon tulog parin . Nagutom yata kaya nagpaalam na bibili ng makakain . Kanina pa yun e’ , pero hanggang ngayon hindi pa dumarating .

“ Baka nilamon na ng canteen “ sinamaan ko lang siya ng tingin “ Joke lang , ikaw naman hindi ka mabiro . Baka natagalan lang kasi mahaba yung pila , alam mo na . Maraming nagbabantay sa hospital na ito dahil maraming nakaconfine “ – Rachael

Napatango nalang ako , baka nga .

“ Si Cillian at Merson ? hindi niyo kasama ? “ si Cillian at Merson ay mga kaibigan ko rin sila .

“ Si Cillian na una ng umuwi , si Merson nasa labas nagyoyosi “ – Rachael

Napatayo ako sa kinauupuan ko . Nagyoyosi nanaman ang loko . Gusto na ba talagang mamatay nun ? .

“ Ikaw na muna magbantay kay Prince , pupuntahan ko lang si Merson “

“ Okay ? “ alanganing sagot ni Rachael

“ Hindi na kasi . Mich , Ben ! “ lumingon silang pareho saken “ Bantayan niyo muna si Prince may pupuntahan lang ako , especially ang kambal mo Mich ( Mike )  . Baka tuluyan niya si Prince “ – rinig kong nagprotesta si Rachael pero tumawa lang kaming dalawa ni Michael . Yea’ kambal po ang dalawang iyan . Hindi nga lang halata .

Nag thumbs up saken si Mich kaya naglakad na ako palabas ng kwarto ni Prince . Napasapo ako sa kaliwang dibdib ko ng biglang tumambad sa harapan ko ang dalawang naka unipormeng pulis .

“ Kayo ba si Felicity Nunag ? “ tanong nila saken

“ *nod* Bakit po ? “ takang tanong ko . Ibang pulis nanaman ito kaya tanong nanaman sila sa pangalan ko :3 nakaksawa kayang magpakilala -__- .

“ Ibabalita lang po namen sa inyo na ang isang nakaligtas sa naging insidente ay pumanaw na “ – Pulis 1

O________O

“ Po ? pero – akala ko ba nailigtas na siya sa paghihingalo niya ? “ hindi makapaniwalang tanong ko .

“ Yun nga din po ang ipinagtataka ng mga doctor na nagopera sa kanya . Success ang naging operasiyon at lumayo ang pasyente sa pag 50-50 ang buhay nito , pero 5 oras lang ang nakalipas , nadatnan nalang siya ng isa sa mga Nurse na hindi na humihinga at tumuwid na ang linya nito . Walang nakapag bigay alam na kailangan ng tulong ng pasyente dahil wala itong bantay “ – Pulis 2

“ A-ano pong mangyayare ngayon ? “ nagkatinginan ang dalawang Pulis . Wag nilang sabihin na--- Hindi !

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now