Chapter 5 : ' 2:30 PM / 30

197 9 4
                                    

[ Prince’s Point of View ]

Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko kaya naitakip ko ang kanang braso ko sa mga mata ko na naging sanhi para maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko . Oo nga pala , nabugbog ako ni Ryan pati na ang mga tauhan nito . Pero nasaan ako ngayon ? .

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko , pero nung una malabo ito pero habang tumatagal nagiging malinaw na ang paningin ko . Napakunot ang noo ko ng makita ko na puro puti ang nasa loob .

“ The Masungit Frog Prince is awake “

Bigla akong napalingon sa nagsalita . Anong ginagawa niya dito ? . Pinilit ko ang sarili ko na makaupo mula sa pagkahiga .

“ Ge , magpakabayani ka ! , ayaw mo ng tulong ko ? di wag “ – Aubrey

Hindi ko nalang siya pinansin at pinilit ko nalang ang sarili ko na makaupo . Pero ilang minuto lang bumagsak din ako sa pagkakahiga dahil sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko . Napapikit pa ako dahil sa sakit .

“ Yan , hindi ka lang pala talaga masungit e noh ?  , mayabang karin pala . Lika nga rito “ naramdaman ko nalang ang mga kamay niya na humawak sa braso ko . Napamulat ako ng mga mata at napalunok ako ng makita kong napakalapit na ng mukha ni Aubrey sa mukha ko . “ Wag ka ngang magpabigat ! Ang gaan mo ha ? “ – Aubrey

Iniling ko ang ulo ko at iniwas nalang ang tingin ko kay Aubrey . Sinubukan kong iangat ang sarili ko upang matulungan akong makaupo ni Aubrey . Ilang sandali lang nakaupo na ako pero nakasandal ako sa gurney .

“ Gaan mo ha ? sapakin kita diyan e “ sabi nito habang pinapagpagan ang kamay at nakakunot ang dalawang kilay . “ Salamat ha ? “ – Aubrey

“Salamat kasi “ akala niya siya lang ang may kayang magsungit ngayon , ako din noh ? . Kahit may bugbog pa ako hindi ako papatalo .

“ Aba’t-- argh ! Makaalis na nga dito ! “ padabog siyang lumabas ng kwarto ko . Napangiti ako pero agad din iyong napawi ng maalala ko ang mga putok na narinig ko . Pati narin yung nagsalita sa tapat ng tenga ko . 

“ How are you Iho ? “ naputol ang pag-iisip ko ng biglang may pumasok na isang doctor nasa likod nito ang nakabusangot na si Aubrey .

“ Okay na yan Pa , nagagawa na ngang magsungit e’ , parang hindi nabugbog “ – Aubrey

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko . Pa ? tinawag niyang Pa yung Doctor ? . May tatay siyang Doctor ? aba naman !

“ ^_^ Pagpasensyahan mo na ang anak ko Iho , ganyan lang talaga makitungo iyan sa iba “ – Doc

“ Papa ! “ protesta ni Aubrey

“ Bakit po ? “ tanong ko sa Papa ni Aubrey habang tinitignan ako ( ineekpeksiyunan po XD ) .

“ Bitter sa mga lalaki e ‘ “ natatawang sabi nung Doctor na ikinatawa ko rin . Nakita ko sa likod nito si Aubrey na umuusok na ang ilong sag alit .

“ Okay na yan Papa , makakalabas ka na “ sabay hila nito sa Papa niya palabas ng kwarto ko . Grabe ! Sunod sa layaw ang anak ? Ashbid !

-

Back to back to school na ako . Ilang araw ding naburo sa hospital . Buti nalang at mabait si Aubrey na hindi na ako pinagbayad ng Bills ko sa Hospital . Hindi ko talaga maintindihan ugali nun . -__- .

“ Bago tayo magsimula , may ibibigay ako sa inyo na ipinapabigay ng yumao nating presidente na si Jhonalyn “ Ms Delgado

Nagsimula ang bulong bulungan . Tulad ng ,

‘Ano nanamang pakulo ito ?’

‘Patay na nga nakukuha paring sumipsip’

‘Anong akala niya saten  ?’

‘Nagmamarunong nanaman’

Ano ba talaga ang problema nila dun sa pres ng SC ? .

Nakita kong naglabas ng isang kahon si Ms Delgado . 

“ Sa loob nito “ sabay taas ng kahon “ May mga piraso na papel , ang sabi sa sulat isa-isa kayong bubunot dito “ Ms Delgado

Nagsisimula nanaman ang bulungan

‘Pakshet ! mamatay ka pa sana kung nasan Kaman ngayon’

‘langyang trip yan sipsip ka’

‘Ano namang laman nun ?’

‘Tss’

“ Magsisimula ako sa’yo Ms Tolentino “ Ms Delgado

Nagsimula na nga itong magpabunot si Mam sa unahan . Pero teka , kasama ba ako sa mga bubunot ? diba bago lang ako ? baka hindi ako kabilang dahil bago pa man ako makapasok dito ay pumanaw na siya . Tama !

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Ms Delgado na nasa harapan ko .

“ Bunot “ Ms Delgado

“ Po ? kasali po ako ? “ takang tanong ko

“ Oo nga Ms Delgado , kasama po siya ? e nung pumanaw si Sip--- si Ms Pres wala pa po si Prince nun “ – Cillian

“ Kabilang si Prince sa mga bubunot , dahil ukol sa nakasulat sa papel na mga pangalan niyo ay isa si Prince doon “ – Ms Delgado

Kasali ako ? pero paanong—

“ Bumunot kana Mr Reyes , o ako na ang bubunot para sa’yo  ? “ – Ms Delgado

Kahit naguguluhan ako , wala na akong nagawa kundi bumunot nalang . Nilagpasan na ako nito ng makabunot na ako .

Pagbukas ko ng nakaroll na kapiraso ng papel . Kumunot ang noo ko .

‘ 2:30 PM / 30 ‘

Ano to ?

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt