Chapter 9 : Victim 1 : 2:40pm / 01

139 5 0
                                    

[ Third Person’s Point of View ]

Tawanan at kwentuhan ang maririnig mo sa Bus na sinasakyan ng A-1 . Tatlongpu silang lahat sa Bus .

“ Ang yabang talaga niyang si Eric Vasquez na yan . Hindi pa mamatay ! “ – Rachael

“ Rach ! “ suway naman sa kanya ni Felicity habang binigyan ito ng mahinang hampas sa kamay . Sila kasing dalawa ang magkatabi sa pangalawang pinakahuli na upuan sa dulo ng Bus .

“ May araw din yan Jane , wag kang mainip “ – Emerson

“ Kampihan mo pa Merson . Tss ! “ – Felicity

“ Bakit ? dapat nga pinatay narin nung killer yan yung mayabang na ungas na yan e’ . Akala mo kung sino , panget naman ! “ – Rach

“ Mich , kambal mo nga . Puputulan ko ng dila yan hanggang mamaya ! “ inis na sabi ni Felicity habang nakakunot ang kilay na nakatingin kay Mich na nasa likuran nito nakaupo .

Napailing nalang si Mich at hindi pinansin ang pagsusumbong ni Felicity . Sinuot nito sa tenga niya ang nakasabit sa leeg nitong headphone atsaka isinandal ang ulo sa binatana .

“ Pano ba yan ? dedma ka dude ! “ – pang-aasar naman ni Cillian kay Felicity

“ Hahahaha “ tawa ni Cillian at Merson na siyang ikinasama ng tingin ng dalaga sa dalawa .

Tahimik naman na nagmamasid si Prince sa mga bagong kaibigan . Hindi parin ito makapaniwala na nagkaroon siya ng kaibigan sa madaliang panahon lamang niya sa skwelahang pinasukan niya . Kahit sino naman siguro sino ganun din ang mararamdaman , dahil nakakailang araw ka palang sa bagong skwelahan na pinasukan niyo , may siyam ka na agad na kaibigan .

“ Tigilan niyo nga si Felicity ! Atsaka pwede ? manahimik kayo at ako’y inaantok ! “ irita na sabi ni Aubrey kasabay ng pagtahimik nung dalawa . Sinandal naman nito ang ulo niya sa balikat ni Saphira .

“ Sa bintana ka nalang sumandal . Bigat bigat ng ulo mo e’ “ – Saphira

“ Arte nito ! “ Aubrey sanak nito isinandal ang ulo sa binatan ng Bus .

“ Ang iingay nila noh ? “ napalingon si Prince sa biglang pagsasalita ni Bennett na nasa tabi nito . Tumango ito “ Ganyan man sila , pero magkakasundo naman kaming lahat , lalo na’t sa tuwing garabyado ang isa samen . Gaya ng ginawa namen sa’yo , nagawa narin namen iyon sa iba “ – Bennett

“ Pero kapag ang isa ay nagtraydor . Wala kang makukuhang kakampi ni isa man samen . Dahil kung sino ang may sala , siya lang ang dapat na layuan at wag pakisamahan “ – Bailey

“ Tanda mo talaga lahat noh ? “ natatawang sabi ni Bennett sa katabi niyang si Bailey

“ Mahilig lang mag memories , once kasi na nagmemories ako hindi na matanggal sa isip ko “ – Bailey

“ Yan ang tatak ng isang matalinong bata “ – Bennett

“ Ewan ! “ – Bailey

Natawa nalang ang binata sa naging usapin nung dalawa . At naisip din nito na halata naman sa itsura palang ni Bailey na may katalinuhang itong taglay , pero medyo may ka weirduhan na tao dahil sa sinasabi niya na hindi ko maintindihan minsan .

TAHIMIK na nagbiya-biyahe ang sinasakyan nilang bus dahil tulog ang lahat ng mga nakasakay maliban sa Driver nito . Pero ilang sandali lang ay may biglang nagising . Napangisi ito ng makitang tulog ang lahat maliban sa Drvier ng bus na sa kalsada lang ang tingin nito . 

Dahan-dahan siyang bumunok ng isang patalim sa kanyang dalang bag at tahimik na tumayo upang puntahan ang taong puntirya nito .

Tumingin muna ito sa kanyang orasan bago tuluyang lumapit sa kanyang puntirya .

“ 2:38pm . August 1 , exactly date huh ? *grin* “ naghintay muna ito ng dalawang minuto , nilaro nito sa kamay niya ang patalim na hawak nito habang sa kabila naman niyang kamay ay may isang panyo doon . “ Stop ! It’s your time to die Ms Tolentino , bye bye “ tinakpan ng salarin ang bibig ng dalaga para hindi ito makasigaw kasabay ng pagtusok ng patalim sa puso nito . Hindi na nagawang manlaban ng dalaga dahil nanghina na ito pagkatapos iinda ang malakas na pagkakasaksak sa puso nito . Napangisi ang salarin ng makitang unti-unting nawawalan na ng buhay ang dalaga .

 Hinugot nito ang patalim ng makitang wala ng buhay ito , pasimple naman nitong sinulyapan ang driver na hindi man lang nakita ang pangyayare . Pagkatapos ng maikling pagsulyap sa driver ay sa mga kasama naman ito sumulyap . Napangisi siya ng malapad ng makitang tulog parin ang lahat .

Pinunasan niya ang dugo sa kutsilyong hawak niya gamit ang panyong pinangtakip nito sa bibig ng biktima . Dahan dahan na kinuha nito ang bag ng biktima tsaka ito kumuha ng isang jacket at tinakpan ito sa katawan ng biktima . Dahan dahan naman niyang inihiga ang ulo nito sa bintana para isipin ng iba na natutulog lang ito .

Tahimik na bumalik ito sa kinauupuan niya “ Tanga naman ng katabi nito , hindi man lang naramdaman na pinapatay na ang katabi niya ? , tulog mantika ! “ bulong nito sa sarili bago ipinatong ang ulo nito sa katabi niya .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now