Chapter 22 : Evil Plan

102 2 0
                                    

[ Someone’s point of view ]

Nasa isang kwarto ako ngayon sa resort na tinutuluyan ng 4-A . Pirme akong nakaupo sa isang kama habang nagbabasa ng diyaryo . Dahil may isa akong taong hinihintay , dahil gusto ako nitong makausap .

Napangisi ako ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob at siyang pagpasok ng isang tao na malapit na malapit saken .

“ Ano ang iyong sasabihin Mahal Ko ? “ tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya at hinalikan ito sa labi ng mabilis .” Augh ! “ napalayo ako sa kinatatayuan niya at muntik ng tumumba sa sahig ng bigla ako nitong hawiin ng malakas . Argh ! kailan ka ba mapupunta ng buo saken ? hanggang kailan ako magtitiis sa ganito ?

“ Mabilis lang ako at hindi na magtatagal dahil baka hanapin nila ako “

Inis na bumalik ako sa kinauupuan ko at padabog na umupo doon .

“ Spill it . May kailangan din akong tapusin “ kaasar . Kelan ko ba siya makukuha ng buo at hindi yung ganito na parang nandidiri siya saken ? Argh ! Bakit hindi ko kasi alam kung sino ang gusto nito ? at para amkitil ko na ang buhay ng walanghiya ! Sagabal siya sa kaligayahan naming dalawa ng mahal ko .

“ Ang kambal na sina Michael at Rachael ay may balak lisanin ang islang ito “ napatayo ako sa sinabi niya .

“ Bakit sila aalis ng isla ? anong dahilan nila ? “ sa ganda ng isalang ito ay wala ng magtatakang umalis pa .

“ May alam na silang dalawa kung ano ang nangyayare sa paligid “

“ What ? hindi pwede ! Kailangang mong gumawa ng paraan mahal ko “ nakita kong kumunot ang dalawang kilay nito “ Pero kung hindi mo sila kayang patayin ,pwes, ako ang gagawa “

~~~

[ Prince’s point of view ]

Ilang buwan na ba ang lumipas simula ng lumipat ako sa skwelahang ito ? buwan na nga ba ? o weeks palang ? . Parang buwan na e’ , dahil ang laki na ng pinagbago ko . Nawala ang pagiging trouble Maker ko , ang pag sagot-sagot sa mga guro , at ang pambubully ng malala sa mga kaklase ko . Nawala ang lahat ng iyon ng makapasok ako at makasama ko ang mga kaibigan ko . May isa pang dahilan kung bakit ako nagbago , pero hindi ko alam kung ano ito . Dahil tanging ang nararamdaman ko lang ay may alam at hindi ang isip o ang utak ko .

Patungo ako ngayon sa silid ni Lora dahil kanina ko pa ito hindi nakikita . Nagawa na naming magumagahan at tanghalian ay hindi pa namen ito nakikitang lumabas sa kanyang silid . Kaya ako na ang nag presintang puntahan siya upang pababain ito para kumain .

*tok*tok*tok*

“ Bailey si Prince ito “ pero walang sumagot . Kumatok akong muli ng ilang beses pero wala parin akong narinig na nagbubukas ng pinto o nagsasalita man lang . “ Bai—“ napatigila ng pagtawag ko ng mapahawak ako sa doorknob at napag-alamanang hindi ito naka lock . Naglakas loob nalang akong buksan iyon dahil wala rin namang sumasagot .

Pumasok ako ng dahan-dahan sa silid nito . Madilim sa loob kaya hinanap ko muna ang switch ng ilaw .

“ Bailey , bumaba ka muna raw at kuma--- “ naputol ang sasabihin ko ng makita kong wala si Bailey sa kama nito “ Nasaan ang babaeng yon ? at paano siya nakalabas ng kwarto niya na hindi namen alam ? “ napapakamot sa ulo na humahakbang na ako palabas pero napigil iyon ng may makita akong pulang patak sa sahig . Ano ito ? . Pinahid koa ng daliri ko sa pulang patak at inamoy ito , nailayo ko ang kamay ko sa mukha ko ng maamoy ko kung ano ito . Isa itong dugo , pero paano magkakaroon ng dugo dito ?

Napakunot ang noo ko ng makita pa akong sunod sunod na pagpatak ng dugo . Sinundan ko ito hanggang sa humino ang patak sa cr .

Bumilis ang tibok ng puso ko sa unang pumasok sa isip ko . Hindi !

“ Bailey ! “ tumakbo ako patungo sa banyo at pabagsak na binuksan ang pintuan nito . Nanlaki ang mga mata ko at unti-unting napapaangat ang tingin ko . “ BAILEY ! “

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now