Chapter 13 :

105 3 0
                                    

[ Cillian’s point of view ]

Paanong hindi si Mich ang nakita naming dalawa ni Prince sa kagubatan ? . Hindi ako pwedeng magkamali doon , hindi pwede . Nakilala ko na iyon si Mich dahil sa suot nitong damit . Kaya paanong nangyare iyon ? .

“ Siguradong sigurado talaga ako na si Mich yung nakita naten sa gubat Prince , pero paanong nasa kwarto lang si Mich at tulog na tulog ? “ hindi parin makapaniwalang tanong ko kay Prince .

Naglalakad kami ngyaon patungo sa isang cage na kung saan nandoon ang iba naming kaibigan .

“ Hindi ko rin alam Cillian , pero sino kaya yung lalaking nasa gubat na pinagkamalan nateng si Jim ? “ – Prince

“ Sino nga ba ? hindi kaya triplets si Rachael at Michael at hindi kambal ? “

Napahinto kaming dalawa at nagkatitigan nanaman . Napapansin ko yata na ang hilig naming magtitigan ni Prince , nababakla na ba ang lalaking ito ? .

“ Sinong triplets ? “

Napalingon kami ng sabay ni Prince sa nagsalita . Si Merson lang pala . Lumapit ako sa kanya at nagtanong .

“ Si Mich at Rach ? kilala mo ba kung sino yung pangatlo ? “ isang batok na malakas ang nakuha kong sagot sa kanya >_< . pero bakit ? anong masama sa naging tanong ko ?

“ G*go ! Kambal lang si Rach at Mich , hindi triplets , anong kalokohan nanaman ito Cillian ha ? Prince ! “ Merson

Muli kaming nagkatinginan ni Prince . Umiling ako sa kanya na nagpapahiwatig na wag nalang sabihin .

“ Ah wala , nakatrip lang yang si Cillian . Kanina pa nga yan e’ , kung ano-ano ang sinasabi “ Prince

“ Ahh’ “ napatango-tango si Merson . Ngumiti naman ako ng malapad ng lumingon ito saken . “ Nakalimutan mo bang uminom ng gamot Cillian ? “ Merson

Napanguso ako sa sinabi niya . Anong akala niya saken ? Baliw ? tss !

-

[ Felicity's point of view ]

Nasa isang kubo kami ngayon ng mga kaibigan ko . Kumakain na kami ngayon ng tanghalian .

“ Nasan ang mga lalaki Rach ? ang kambal mo nasaan ? “ tanong ni Aubrey habang sumusubo .

“ Tulog pa si kambs , si Prince at Cillian naman , pinuntahan si Kambs sa kwarto para tignan si Kambs kung nandoon nga ito “ – Rach

“ Ha ? bakit daw ? “ – Saphira

“ Ewan sa mga yun , nakita daw si Kambs sa kagubatan kanina e samantalang maghapong tulog yon sa kwarto namen “ – Rach

“ Ah’ baka namilikmata lang sila “ 

“ Tama , paano nga ba naman makakapunta ang isang tulog sa kagubatan diba ? “ – Aubrey

“ Tama ka diyan ! “ – Rach

“ E si Merson ? Bennett ? at … si Bailey nasaan ? “ Saphira

“ Parang hindi ka naman nasanay kay Bailey , my dear Saphira . Palitaw Girl yung babaeng yun e’ “ – Aubrey

“ Si Bennett ? “ – Rach

“ Nagpaalam na maliligo muna siya bago kumain , arte talaga nung lalaking yun “ - Aubrey

“ Si Merson ? “ – Saphira

“ Nagpaalam tumungo ng Cr , kanina pa nga iyon e’ hindi pa bumabalik “ 

“ Baka nilamon na ng Cr “ napalingon kaming lahat kay Jane . Ito talaga kahit kelan . “ Joke ! baka may dinaanan lang , malay niyo “ – Rach

Napailing nalang ako .  Argh ! bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa lugar na ito ? parang hindi maganda ang mangyayare samen dito . Ayts ! baka tama nga si Yna , baka napa-paranoid lang nanaman ako . 

“ Labidobee ! anong ulam ? “ napalingon kaming lahat sa nagsalita . Si Prince , Merson at Cillian pala .

“ Dahan-dahan sa pagkain Rach , parang hindi ka lumalamon ah ? “ – Merson

“ Pakalers , kumain nalang kayo diyan ! Walang basagan ng trip mga Dude “ – Rach

“ Wag niyo ng pansinin yang si Rach , kumain nalang kayo . Heto ang ulam na binigay ni Mam Delgado kanina . Tinolang manok “ – Saphira

“ Wow ! my pebo , pengeng isang kalderong kanin “ – Cillian

Nanlaki lahat ang mga mata namen ng biglang tumakbo patungo kung saan nakalapag ang isang malaking kaldero na puno pa ng kanin . Wala agad nakareak samen sa ginawa ni Cillian , at ngayon ay nagsisimula na itong kumain gamit ang malaking kaldero .

“ CILLIAN , WAG KANG MATAKAW ! “ sigaw naming lahat sa kanya

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now