Chapter 27

106 3 0
                                    

[ Prince’s point of view ]

Kanino ko ba kasi nakita ang hairpin na ito ? Minsan ko na itong nakita sa isang tao na suot ito pero hindi ko matandaan kung sino .

“ AAAAAAAAAHHHHH ! “

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang sumigaw si Felicity . 

“ Anong nangyayare Felicity ? “ Bennett

Nanginginig si Felicity sa kinatatayuan niya at nakatingin lang ito sa isang direksiyon , ang mga mata nito ay puno ng takot kaya wala sa sarili kong sinundan ang tingin nito . Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng dugo na masagang umaagos sa sahig .

“ CILLIAN ! “ sigaw ko ng makita kong sa kanya galing ang dugo na umaagos mula sa sahig . Agad na nilapitan ko ito at tinignan kung saan ito may tama . Nanginig ang buong katawan ko ng makita kong sa may binti ito may tama “ Bennett “ tawag ko kay Bennett na agad namang lumapit saken “ Hawakan mo ito “ nanginginig na sabi ko habang hinahawakan ko ang nasugatan binti ni mario na hindi parin tumitigil sa pagtulo ang dugo .

“ A-anong nangyayare ? “ – Aubrey

Hindi ko pinansin ang naging tanong ni Yna dahil sa naging busy ako kung paano ko pupunitin ang suot kong damit upang ipangtali sa sugat ni Cillian .

“ G-guys ! “

Napahinto ako sa gianagawa ko at sabay – sabay kaming lumingon sa tumawag . Si Merson .

“ Merson ! Saan ka ba galing ha ? “ Aubrey

“ MERSON ! “ sigaw namen ng biglang mahimatay sa harapin namen ito . Ano bang nangyayare ?

[ Third person’s point of view ]

Mabilis na tumakbo si Mich sa kaibigang lalaki na bigla na lamang nahimatay sa kanilang harapan . Ipinagpatuloy naman ni Prince ang pagpunit sa kanyang damit upang mayroong maipapangtatali sa natamong sugat ng kanilang kaibigan na ngayon ay wala paring tigil sa pag dugo ang sugat nito .

" Ano bang nangyayare ? bakit may saksak si Cillian ? a-at bakit hinimatay si Merson ? ano bang nangyayare ? " naguguluhang tanong ni Saphira habang nakatingin sa dalawang kaibigan na ngayon ay mga walang malay .

" Ano sa palagay mo ang nangyayare ha ? " - inis na sabi ni Mich kay Saphira na ngayon ay masama parin ang tingin na ibinibigay nito sa dalaga .

" Wala akong alam Mich ! Wala akong pinapatay ! Bakit ba ako ang pinagbibintangan mo ? bakit ayaw mo akong paniwalaan na hindi ako ang pumatay kay Bailey ? " - Saphira

" Dahil sa ebidensyang yan ! " sabay turo nito ng madiin sa hairpin na nasa tabi ng kinahihigaan ni Cillian . " Dahil diyan kaya hindi kita magawang paniwalaan ! at ng dahil diyan , nalaman ko o naming dalawa ni Rach na ikaw ang pumatay kay Bailey ! Bakit hindi mo nalang kasi aminin ang pagkakamali mo ? Umamin ka nalang kasi ! " - Mich

" Wala akong aaminin sa inyo wala ! " sabay takbo palabas ni Saphira sa tambayan nila .

" SAPHIRA ! " sigaw ni Aubrey " Susundan ko lang siya "

" Wag mo siyang sundan mapapahamak ka lang , mamatay tao siya Aubrey . HAYAAN MO NA SIYA ! " - parang walang narinig si Aubrey sa sinabi ng kanyang kaibigan at nagtuloy tuloy ito palabas upang sundan ang kaibigan .

" Kailangan na nating lisanin ang islang ito " - Rach

" Ano ba kasing nangyayare ? ipaliwanag niyo nga at ng maintindihan ko ? at bakit tayo aalis dito ? baka magalit sa aten ang mga guro lalo na ang principal " - Bennett

" Wala na tayong oras para pag-usapan pa kung anong nangyayare . Ang mahalaga maakalis tayo dito ASAP ! " - Mich

" Paano si Saphira ? " - Prince

" Si Saphira , Prince ? si Saphira ? mamatay tao ang babaeng iyon ! Kaya hayaan niyo siyang maiwan dito ! " - Rach

" Walang kasalanan si Saphira , hindi sa kanya ang hairpin na iyon . Bakit ayaw niyong maniwala saken . Kung naalala ko lang sana kung kanino ko nakitang suot suot yang hairpin na yan edi sana hindi na kayo nagkakagulo ng ganito "- Prince

" Kung aalis tayo paano si Aubrey ? sinundan niya si Saphira hindi ba ? " - Felicity

" Problema niya na yun ! Hindi siya nakinig , kaya maiiwan siya " napasinghap ang dalaga sa sinabi ng kaibigan . " Kailangan na nating magmadali habang may oras pa tayo ! " - Rach

" Hindi naman yata tama na iwanan naten pati si Aubrey " - Prince

" Tama si Prince , kaibigan naten si Aubrey . Kaya hindi naten siya maaring iwanan dito " - Bennett

" Ano ba ang mas mahalaga sa inyo ? ang buhay ni Aubrey o ang buhay niyo ? " walang sumagot sa naging tanong ni Jim sa mga kaibigan nito . " Bibigyan ko kayo ng dalawang oras upang mag-isip . Pero mauuna na kami ng kakambal ko . Kung sasama kayo sa pag-alis dito , heto ang daan patungo kung saan may makikita kayong isang bus na siyang gagamitin naten upang makatakas dito " May inilapag itong parang mapa sa isang upuan malapit sa kinatatayuan nito ". At sa dalawang oras na binigay ko sa inyong palugit na mag-isip at wala pa kayo sa lugar na iyan . Hindi ako magdadalawang isip na iwanan kayong lahat . Tara na Rach " sabay hila nito sa kakambal at lumabas na ng Cage .

Naiwan namang tulala ang mga kaibigan nito at hindi makapaniwalang kayang ibuwis ng sariling kaibigan ang buhay ni Aubrey .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now