Chapter 24 : Knew

118 2 0
                                    

[ Cillian’s point of view ]

Grabeng burol at libing yun . Hindi man lang nagpakape ni minsan *pout* . Pero nagpapasalamat parin ako kay Bailey , dahil super duper napakalaking tulong talaga ng ibinigay nito saken . Ang kaso , hindi ako nakapagpasalamat sa kanya in person , yung buhay pa siya . Paano ba naman kai nagwalk out ang gaga ang darama -___- . Pero ano kaya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Bailey ? sa nakikita ko naman sa kanya wala naman itong problema . *sigh*

Palakad-lakad ako ngayon sa gilid ng dagat . Mag-isa lang ako ngayon dahil yun ang sinabi ko sa mga kaibigan ko na gusto kong mapag-isa muna . Na gusto kong mag-isip isip muna . Pero ayun yung mga tanga , naniwala ba naman . Ako mag-iisip ? wala kaya akong isip -___- tanong niyo pa sa nanay ko .

Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong isang pamilyar na boses . Hinanap ko ito kung saan nanggaling . Sa paglalakad at pagsunod ko sa boses na naririnig ko , ay napadpad ako sa isang lugar na kung saan may kadiliman pero may maaaninag kang liwanag na para bang nanggaling sa isang cellphone .

Dahan-dahan akong naglakad upang magtago sa likod ng buko upang silipin kung sino ang mga iyon . Mag-uusap nalang dito pa sa masukal na lugar ? napakaimportante naman yata nung pinag-uusapan nila upang dito pa sila mag-usap ? Grabe ! Iba na talaga ang mga tao nga---

O_________O Anong ---

~~~

[ Third person’s point of view ]

Tahimik ang lahat ng tao sa loob ng isang cage na kung saan ang naging tamabayan nilang lahat . Wala kang maririnig na anumang ingay , kung may maririnig ka man , ay yon ay ang paghinga nila ng malalim .

Hanggang ngayon kasi ay hindi parin nila lubos na matanggap na pumanaw na ang isa sa kanila .

“ Magiging ganito nalang ba tayo palagi dahil sa pagkawala ni Bailey ? “ pang babasag ng katahimikan ni Saphira

“ Alam kong nalulungkot at nagdadalamhati tayong lahat sa pagkamatay ng isa sa malapit na kaibigan sa aten , pero dapat ba tayong maging ganito na tayo ? Cheer up Guys ! Alam ko kung nabubuhay man si Bailey ngayon hindi niya magugustuhan na maging ganiyan kayo katahimik ? “ – Bennett

“ Tama si Bennett . Hindi ko man lubusang nakilala si Bailey , alam kong mas magiging masaya siya kung nasaan man siya ngayon na makita kayong masaya kahit na wala na siya “ – Prince

“ N-napakahirap lang kasing tanggapin *sob* n-na parang kahapon lang buo pa tayo , tapos ngayon--- huhuhu “ – Aubrey

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin ng biglang bumuhos ang luha nito sa mga mata nitong mapupungay dahil sa magdamag na kakaiyak . Lumapit naman si Felicity sa kaibigan at ikinulong niya ito sa mga bisig niya at nakisabay sa pag-iyak ng kanyang kaibigan .

“ Alam niyo , itulog niyo na muna yang tatlo at bukas na bukas , ang gusto ko , hinding hindi ko na makikita yang mga luha niyong yan . Hindi lang kayo ang nagdadalamhati dito , hindi lang kayo ang namatayan . Pero para man lang kay Bailey o sa pinsan ko , wag niyo na siyang iyakan please dahil hindi niya gustong nakikitang umiiyak kayo “ – Bennett

Dahil sa sinabi ng binata ay tumigil sa pag-iyak sina Aubrey , Felicity at Saphira na kani-kanina lamang ay humahagulgol sila sa iyak . Naisip siguro nila na tama ang kanilang kaibigan . Na hindi gusto ni Bailey na may nakikitang umiiyak sa kanyang mga kaibigan . Hindi man maipakita ng kaibigan na ayaw nitong nakikitang umiiyak ang mga kaibigan pero may isang tao na nakakaalam nito , walang iba kundi si Bennett ang pinsan nito .

“ Hindi man sinasabi sa inyo ni Bailey na ayaw niya kayong nakikitang umiiyak , pero ako ! Ako alam ko ! Dahil saken niya sinasabi lahat ang hindi niya magawang masabi sa inyo . Lalo ka na Felicity , alam ni Bailey kung ano ang nangyare noon kung bakit ka umiiyak “ nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil hindi nito inaasahan na may makakaalam sa kanyang pinakatatagong sikreto sa kanyang mga kaibigan . Ang naging patagong relasiyon nilang dalawa ni Merson “ Hindi man niya sinabi kung sino ang lalaking nasa likod kung bakit kulang nalang noon ay ibuwis mo ang buhay mo  . Awang-awa sa’yo si Bailey noon Felicity , iyak ng iyak si Bailey ng sabihin niya sa akin ‘yon . Hindi ka nito malapitan ay dahil wala ko roon . Alam niyo naman kung bakit hindi ba ? “ nakahinga naman ang dalaga sa idinugtong ng kaibigan na paliwanag na ito . “ Ikaw rin Saphira , ng mamatay si Tita Devora . SIya ang nagsabi saken na pahintuan ka sa pag-iyak . Ikaw naman Aubrey , nung mag-away kayo ng kapatid mo , si Bailey parin ang nag-utos saken para patahanin kayo “ natahimik ang dalawang huling tinawag dahil naaalala nila ang nakaraan . “ Kaya please ! Tumahan na kayo okay ? “ – Bennett

Isa-isa namang tumango ang mga babaeng kaibigan ni Bennett sa sinabi nito . Habang si Prince naman ay nakikitango nalamang kahit sa kaisip isipan nito ay wala itong maintindihan sa mga nangyayare o pinag-uusapan nila .

“ G-guys ! “

Napatayo ang lahat sa kanilang mga kinauupuan ng makita ang kaibigan nilang hingal na hingal na mukhang hinabol ng sampong kabayo dahil sa bilis ng pang babawi ng hangin nito sa katawan .

“ Anong nangyayare sa’yo Cillian ? “ takang tanong ni Bennett at inalalayaan ang kaibigan na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ng pintuan ng cage at pilit paring hinahabol ang hininga .

“ Si-si—A-ng-- “

*BOOOM*

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now