Chapter 17 : Trust No One

104 4 0
                                    

[ Bailey’s point of view ]

Nasa isang lugar ako ngayon na ako mismo lang ang nakakaalam . Simula ng mapadpad kami sa lugar na ito , ay dito na ako tumutungo sa tuwing nagpapaalam ako na mag c-cr at hindi na pa muling babalik .

Gusto kong mapag-isa , dahil iniisip ko ang lahat ng masama na pwedeng mangyare samen dito mismo sa islang ito . Lalo na’t nandito din sila sa isalang kinaroroonan namen . Lahat ng ito ay planado . Lahat lahat ng mga nangyayare sa pang araw-araw ay planado . Gusto ko mang makialam sa lahat ng mga gagawin nila , pero hindi ko magawa . Gusto ko mang sirain lahat ang plano nila , hindi ko rin magawa . Dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila . Isa silang mga baliw , siraulo . Ang dapat sa kanila , ay nasa rehab , nakakulong , dahil mga baliw sila .

“ Alam mo ba kung anong katangahan ang ginagawa mong ito Bailey ? “

O____O

Nanayo lahat ng mga balahibo ko sa buong katawan at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko . Paano niya nalaman ang lugar na ito ?

Unti-unti ko naman siyang nilingon .

“ A-anong katangahan sinasabi mo ? “ napapalunok na sabi ko .

“ Wag kang pa inosente Bailey , alam mo’t alam ko kung ano ang ginagawa mong katangahan . Wag na wag kang magkakamaling sirain ang lahat ng plano ko , kundi ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na kahit hindi mo pa oras , hinding-hindi ako magdadalawang isip na patayin ka sa mismong kinatatayuan mo “

Nangatog ang tuhod ko sa sinabi niya . Hindi , ayoko pang mamatay . Pero dun din naman ang bagsak ko , anong use ? pero ayoko pa talagang mamatay muna !

“ 3:20pm / 25 ang oras at araw mo hindi ba ? 4 palang ngayon , kaya mag-isip-isip ka kung gusto mo pang tumagal yang buhay mo . Tandaan mo Bailey , isang salita at pagkakamali mo lang . Alam mo na kung saan ang bagsak mo “ tumalikod na ito saken at naglakad paalis .

Tuluyan naman akong napaupo sa kinauupuan ko kanina . Tumulo bigla ang luha ko na hindi ko alam kung kelan namuo sa mga mata ko .

Bakit ba nila ginagawa ito ? anong dahilan nila upang mangitil sila ng buhay ng inosenteng tao na katulad ko ? . Alam kong mga baliw sila , pero bakit ganito ? bakit buhay ang tao ang kinukuha nila ? .

--

[ Rachael’s point of view ]

Nasa tabi kami ng pampang ngayon ng kambal ko . Nakaupo sa buhangin habang tinatanaw ang ganda ng asul na dagat ? , lawa ? , Ilog ? ay ewan ! Basta isa sa mga tawag diyan !

“ May nalaman ka na ba Kambs ? “ – Mich

“ Wala pa Kambs , wala naman akong nakikitang kakaibang galaw ng mga kaklase naten dito “

“ Kung ganun , ang ibig sabihin lang nito ay malinis gumawa ng krimen ang salarin . Kailangan naten ng konting ingat Kambs , kung hindi , tayong dalawa at pati ang mga kaibigan naten , ay sa sementeryo ang bagsak “ – Mich

“ Hindi lang dapat ingat ang gawin  kambs , kundi pati naren ang hindi nateng pagtitiwala kahit kanino , lalo na sa mga kaibigan naten “ tumango ito sa sinabi ko .

‘Trust no One’ yan ang sabi sa libro na hawak ng lalaking bida sa Gravity Falls . Sino nakapanuod ng episode nun ? >_< .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now