Chapter 8 : True Friend

132 4 0
                                    

[ Prince’s Point of View ]

Hindi ko alam kung bakit ako Masaya ngayon nung malaman kong kaibigan pala ni Bailey sila Felicity . Ang weird noh ? -_-

Pasakay na sana kami ng Bus ng may biglang humarang saken para makapasok sa loob , pagkalingon ko mga Pulis . Anong kailangan ng mga ito ?

“ Prince Hope Reyes ? “ – Pulis 1

“ Bakit ? “ kunot noong tanong ko . Bumaba sa Bus ang mga kaibigan ni Bailey na nakasakay na .

“ Inaaresto ka namen sa salang pagpatay sa sampong tao na sina Ryan Halos “ – Pulis 2

O____O Halos lumabas na ang mga mata ko dahil sa gulat sa narinig ko sa mga Pulis . Ako ? pinatay ko si Ryan ? paanong nangyare yon ? Halos hindi na nga ako makatayo nung binugbog nila ako , tapos makukuha ko pa silang patayin ?

“ Ano ? “ hindi makapaniwalang tanong ko . Biglang sumabat sa usapan si Felicity kaya medyo kumalma ako .

“ Mamang Pulis , hindi po ba pinag-usapan na po naten ito ? wala pong kasalanan ang kaibigan ko . I was there , nakita kong lahat kung paano nalang humandusay yung sampong lalaki na sinasabi niyo “ – Felicity

Nandun siya ? nakita niya lahat ? paanong ---

“ Anong ibig mong sabihin Iha doon ? na bigla nalang magkakaroon ng tama ng baril ang mga batang iyon ng walang bumabaril sa kanila ? . Ang kaibigan niyo lang ang tanging naroon sa pinagyaringan ng krimen kaya imposibleng hindi siya ang pumatay “ – Pulis 1

“ May ebidensya po ba kayo na siya ang pumatay ? hindi po ba wala kayong nakitang anumang baril upang matukoy na siya ang may kagagawan ? “ – Bennett , natahimik ang dalawang Pulis .

Napatingin naman ako sa kanilang lahat . Bakit nila ginagawa ito ? samantalang hindi naman nila ako kaibigan .

“ Sa pagkakatahimik niyo , ibig sabihin lang niyan wala kayong matibay na ebidensya upang arestuhin si Prince . Kung sa ganun , maari na po kayong umalis dahil nang-iistorbo kayo sa may Biyahe , malayo pa ang lalakbayin namen kaya please lang umalis na kayo . Wala kayong mapapala dito , hindi namen isusuko si Prince hanggat wala kayong matibay na ebidensya na maipapakita samen “ – Emerson

“ Yea’ right ! “ – Rachael

“ Kambs. Wag ka ng makisali “ saway ni Michael sa kanya

“ Kung may maipakita man po kayong ebidensya laban kay Prince , kami na mismo ang magdadala kay Prince sa presinto para isuko sa inyo “ – Cillian

“ Matatalino kayong bata ha ? , o sige pagbibigyan ko kayo ngayon . Pero sa oras na may maipakita na kaming ebidensya laban sa kanya . Aasahan ko ang sinabi niyo na kayo mismo ang magdadala sa kanya sa presinto “ – Pulis 2

“ Makaasa kayo , hindi na ako magtataka kung bakit gusto niyong hulihin ang lalaking yan . Ang yabang kaya niyan  “ –Aubrey

Tumingin sa gawi ko ang mga Pulis . Sabay patong ng isang kamay sa balikat ko .

“ Ma swerte ka bata , at may mga kaibigan kang handa kang ipaglaban “ – Pulis 1 , pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na sila . Pero bago pa man sila makaalis narinig kong may sinabi si Bailey sa kanila .

“ Ingat sa pag dra-drive . Lalo na’t malapit ng umulan “ – Bailey

Napalunok ako sa nakita kong expression sa mukha ni Bailey . Mukha siyang papatay sa itsura niya . Pero Malabo dahil sa pagkakakilala ko sa kanya kahit na medyo weird siya , mabait naman ito .

“ Salamat , kayo rin mga bata “ – Pulis 2 at tuluyan na silang sumakay at umalis gamit ang Pulis Car .

“ Tss ! Istorbo , sakay na ! “ – Merson

Sasakay n asana silang lahat ng pigilan ko itong mga ito .

“ Sandali “ tumigil silang lahat at tumingin saken at kita sa mga mukha nila na naghihintay sila ng sasabihin ko “ M-maraming s-salamat pala sa inyo “ First time kong magpasalamat kaya matuwa kayo -___-

“ Mga kaibigan mo kami kaya hindi mo na kailangan magpasalamat . Hindi mo man sabihin samen na kailangan mo ng tulong , tutulong at tutulong parin kami dahil magkakaibigan tayo . Dahil ang magkakaibigan nagdadamayan “ – Merson

“ Tama ! Ang magkakaibigan magkasama sa lahat “ – Rachael

“ Sa kalokohan “ – Michael

“ Sa kabulastugan “ – Bennett

“ Sa kabaliwan “ – Aubrey

“ Sa katangahan “ – Felicity

“ Felicity ! “ reklamo ng lahat

“ Bakit ? totoo naman ah ? haha labyu guys ! “ – Felicity

“ Hanggang kamatayan “ – Bailey

“ Tama , hanggang sa panghabang buhay ! Forever magkakaibigan ! “ – Cillian

Natawa ako . Kung ganito rin man ang magiging kaibigan ko . Why not ? mukhang Masaya . At ngayon lang ako naka encounter ng ganitong magkakaibigan . Wala kasi akong kaibigan sa mga past schools na pinasukan ko . Lahat kasi ng tao doon  , tingin nila saken masama . Kaya pinanindigan ko nalang .

Pero bakit sinabi saken ni Bailey noon na wag akong magtiwala sa iba ? . Weird !

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon