Chapter 11 :

124 3 0
                                    

[ Third Person’s point of view ]

Napapasabunot nalang sa buhok si Fritzie habang matiim na pinagmamasdan ang kaibigan na hanggang ngayon ay mahimbing parin sa pagtulog .

“ Saan ka ba pinaglihing babae ka at tulog mantika ka ? “ asar na sabi nito habang nakatayo sa harapan ng kaibigan . “ Aish! Ashbid ! naiihi pa ako , dito ka lang ha ? ihihi lang ako sandali “ sabi nito bago linisan ang kaibigan sa loob ng Bus .

Walang kaalam alam si Fritzie na ang hinihintay niyang kaibigan na magising ay hindi na muling magigising . Dahil ang dalaga ay naliligo na sa kanyang sariling dugo , at tumutulo sa kanyang kinauupuan .

Ilang saglit lang may isang tao na pumasok sa loob ng bus at nilapitan ang bangkay ng dalaga .

“ Kailangan mo munang magtago Ms Tolentino , hindi pa oras ngayon upang malaman nila na patay ka na “ hindi nagdalawang isip ang salarin na buhatin ang dalaga at kinuha ang dalawa nitong bagahe atsaka lumabas ng bus .

Maya’t maya pa’y bumalik agad ito ng maibaba ang dalaga upang linisin ang naturang dugo ng dalaga sa kinauupuan nito .

Pagkatapos malinis ang dugo ay nakangising lumabas ito ng bus .

Ilang minuto din ang lumipas ng bumalik muli si Fritzie sa bus pagkatapos nitong lumabas sa bus upang magbanyo .

Napakunot ang dalawang kilay nito ng makita ang kaibigan na wala sa kanyang kinauupuan .

“ Sabi ng hinatayin ako e’ , bwisit na babaeng yon “ inis niyang kinuha ang bagahe niya at padabog na lumabas ng bus .

Masaya namang inaayos ni Yna ang kanyang kagamitan sa kwartong pagtutulugan nito kasama ang kanyang kaibigan na si Mariel . Habang si Mariel naman ay hindi mo mapagtanto kung ano ang gustong gawin .

“ Kyaa ! excited na akong libutin ang buong Palaui Island “ masayang tugon ni Yna . Kumunot ang noo nito ng hindi nito narinig na nagkomento ang kaibigan kaya nilingon niya ito . Lalo itong napakunot ang noo sa nakita sa kaibigan . “ Anong trip yan Feli ha ? bakit hindi ka mapakali diyan sa kinauupuan mo ? “ – Aubrey

Huminto ang dalaga sa naging palakad lakad nito pabalik balik sa kanyang kinatatayuan . Yumuko naman ito bigla sa harapan ni Aubrey na ikinabigla nito .

“ Pwedeng umuwi na tayo ? “ – Felicity

“ Anong umuwi ang sinasabi mo diyan ha Feli ? “ takang tanong ni Aubrey

“ Masama ang pakiramdam ko sa lugar na ito Yna , hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito . Kaya please ! Umuwi na tayo “ – Felicity

Maguguluhan namang pinagmasdan ni Aubrey ang kaibigan . Napailing nalang ito ng maisip nanaman siya na nagiging paranoid nanaman ito kagaya ng dati .

“Alam mo Feli , gutom ka lang . “ tumayo ito at hinila ang kaibigan patayo “ I know what you feel dahil kahit ako ay gutom na , sa haba ba naman kasi ng nilakbay naten diba ? “ – Aubrey

“ Pero , Aubrey – “ Felicity

“ Ay nako Feli ! , tigil-tigilan mo ang pagkaparanoid mo . Batukan kita diyan e’ , tara na at gutom na ako . Kalimutan mo na yang nararamdaman mo dahil gutom lang yan for sure “ Aubrey

Hindi na nagawang makapagsalit si Felicity sa sinabi ng kaibigan dahil hinila na ito palabas ng kwarto nilang dalawa .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz