Chapter 7 : Palaui Island , Cagayan Valley

160 6 0
                                    

[ Third Person’s Point of View ]

Hindi mapaliwanag ng Section A-1 ang kanilang nararamdaman na kasayahan dahil ngayon na ang kanilang pinaka hinihintay nilang Camping Trip . Makikita mo sa kanilang mga mukha ang saya na parang ngayon lang nila naipinakita simula nung nag-aral sila sa skwelahang pinapasukan nila .

“ Saan pala ang Camping Trip ? “ – Felicity

“ Ewan ! Basta sinabi lang na may Camping Trip tayo hindi ba ? tanong mo nalang mamaya kay Mam Delgado kung saan “ – Aubrey

“ Wag niyo ng problemahin ang lugar Felicity okay ? , ayaw niyo nun ? para surprise ! O diba ? “ – Bennett

“ I hate surprises ! “ 

Napasapo sa kaliwang dibdib ang iba habang ang iba naman ay napatalon sa kanilang kinatatayuan  ng may biglang sumingit sa pag-uusap nila .

“ Saphira ! Are you going to kill us huh ? “ – Rachael

“ OA mo Kambs . Wala namang kustilyo o patalim na hawak si Saphira paano niya tayo papatayin ? “ – Michael

“ Common Sense Kambs ! “ – Rachael

“ Hey ! sa Cagayan Valley daw ang Camping ah ? how Nice ! “ – sabi ng isa pang kararating lang na si Merson kasama si Cillian

“ Akala ko kakahuyan na pupuntahan naten dagat pala ? Palaui Island , Cagayan Valley ! Wow ! San ka pa ? “ – Cillian

“ May kakahuyan naman doon sa pagkakaalam ko “ – Aubrey

“ Nasa gitna kaya ng kagubatan ang  Palaui Island noh ? kaya marahil may kakahuyan ! “ – Bennett

Natawa nalang ang magkakaibigan sa nangyareng conversation nila .

Mag-isang nakaupo sa isang bench si Prince habang nililibutan ng tingin ang mga kaklase na masayang nagkwe-kwentuhan sa harapan niya . Napaigtad siya sa kanyang kinauupuan ng may biglang umupo sa tabi nito .

“ Ikaw lang pala . Akala ko kung sino na “ hingang malalim na sabi nito at ibinalik muli ang tingin sa mga kaklase nito .

“ Ang lalim yata ng iniisip mo ? “

“ Medyo . Medyo nagtataka kasi ako kung paano ako nasali sa Camping Trip na ito at lalo na yung naging bunutan nung Tuesday . Samantalang hindi ko naman nakita o nakilala man lang yung sinasabi nilang Yumao nilang Presidente “ naguguluhang sabi ni Prince sabay lingon sa katabi nito na ngayon ay nakatingin din sa mga kaklase nito . Biglang kumunot ang noo ni Prince ng may maalala ito “ Ngayon lang yata kita nakita ? atsaka magkaklase ba tayo ? “ – Prince

“ Maraming katanungan na hindi maaring sagutin , dahil maraming mapapahamak ng dahil lang sa sagot na iyon “ lalong kumunot ang noon g binata sa sinabi ng dalaga na nasa tabi nito “ Kung ako sa’yo “ sabay lingon nit okay Prince “ Makisama ka nalang at sakyan ang lahat ng mga nangyayare , dahil kahit anong gawin naten , doon parin tayo babagsak “ – Bailey

“ Huh ? hindi kita makuha . Anong pinagsasabi sabi mo ? “ naguguluhang tanong ni Prince kay Bailey . Pero ombis na sagutin ng dalaga ang naging tanong ng binata ay binigyan niya lamang ito ng matamis na ngiti at iniwas ang tingin .

“ 3 days akong absent kaya hindi mo ako nakita sa room , at oo magkaklase tayo . Ngayon ko nga lang nalaman na may Camping e’ ,  bumalik pa tuloy ako kanina para magimpake ng mga gagamitin ko “ pang-iiba ng pag-uusap ni Bailey

Inilig nalang ng binata ang ulo nito at hindi nalang inintindi ang sinabi ng dalaga .

“ Ah ‘ ganun ba ? may kaibigan ka ba sa kanila ? “ sabay turo ni Prince sa mga kaklase niya

“ Yes ! , at speaking ‘ papunta na sila rito “ – Bailey

Lumingon naman ang binata sa tinitignan ang dalaga . Laking tuwa nalang nito sa kaloob looban niya ng makita kung sino ang tinutukoy na mga kaibigan ng dalaga .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now