Chapter 20 : Hard Descision

106 3 0
                                    

[ Felicity’s point of view ]

Hindi ko parin lubos makuha ang ibig ipahiwatig ni Bailey kagabi sa kanyang sinabi . Bakit hindi niya tinanggap ang premyong napalalunan niya sa naging aktibidad kagabi ? at anong sinasabi niya na hindi niya na ito magagapit pa ? . Konti nalang talaga manghihinala na ako kay Bailey sa pagiging weird niya sa mga nagdaang araw . Hindi anman siya ganyan noon ? . Nagkaganyan lang yan nung simula ng mamatay si Mam Evang noon . Pero ano namang magiging konek ni Mam Evang sa biglang pagiging misteryoso ni Bailey ngayon ? .

“ Mukhang nag-iisa ka yata ? “

Unti-unti ko namang nilingon ang nagsalita mula sa likuran ko . Napangiti nalang ako at mabilis na inalis ang tingin ko sa kanya ng mapagtanto ko kung sino ito .

“ Leave me alone Merson , kung may balak ka nanaman na kausapin ako , please umalis ka nalang dahil ayokong makipag-usap sa’yo “ pananaboy ko sa kanya .

Merson is my Ex . At hindi alam iyon ng mga kaibigan ko . Mahirap man paniwalaan , pero yon ang totoo . Nakikita man kaming nag-uusap at masaya na parang wala lang nangyare sa harapan ng mga kaibigan namen . Pero sa tuwing kami lang dalawa ang magkasama , para siyang isang apoy na madali kong layuan at hindi malapitan dahil sa napapaso ako sa kanya .

“ Hindi ako pumunta rito para pilitin kang makipag-usap saken , dahil nakakasawa narin na ganun na ganun na lang lagi ang nangyayare sa tuwing gusto kitang makausap . Tao rin ako napapagod . Pero hindi ibig sabihin nito ay sumusuko na ako sa’yo , hinding hindi ako titigil hanggat hindi ka napapasa aken . Tandaan mo yan ! “ – Merson

Rinig ko ang mga hakbang niya na palayo saken kaya napasapo nalang ako sa noo ko . Bakit ba ang hirap niyang pasukuin ? Sinabi ko na ang lahat ng masasakit na salita upang layuan niya lang ako , pero wala parin . Nagpupumilit parin itong makipag-usap saken dahil gusto daw niyong magpaliwanag . Paano ko ba pasusukuin ang isang tulad n iyang walang pakialam ? walang pinakikinggan ? .

--

[ Rach’s point of view ]

Nasa isang kubo kami ni Kambs ngayon na malayo sa mga kaklase namen at sa mga kaibigan namen . Nakaupo kaming dalawa habang nakatingin sa magandang tanawin sa islang ito .

“ Unti-unti na tayong nababawasan Kambs . Kailangan na nating gumawa ng paraan upang wala ng mapahamak sating lahat “ – Mich

“ Paano naman tayo gagawa ng paraan Kambs kung wala pa tayong Ideya kung sino ang pumapatay ? mahirap gumawa ng isang hakbang kambs , kung hindi naten alam kung sino ang kalaban “ Paliwang ko sa kanya . Ilang araw na ang lumilipas pero wala parin kaming mapaghinalaan kung sino ang maaring gumawa ng isang krimen na walang awang pumapatay .

Hindi na nakapagsalita si Kamb sa sinabi ko . Tama naman kasi ako e’ , mahirap gumawa  ng isang hakbang, lalo na’t hindi namen kilala o alam ang salarin .

“ Ilang tao pa ba ang kailangan mamatay , bago naten matunton kung sino ang salarin ? Ilang tao pa ba ang kailangan magsasakrepisyo ng kanilang buhay sa isang taong baliw na walang alam kundi ang kumitil ng buhay ? “ – Mich

“ Bakit ba kasi tayong dalawa ang naghahanap sa taong ayaw magpahanap o magpakilala man lang ? pwede naman kasi tayong gumawa nalang ng paraan upang makaalis tayong dalawa sa impyernong ito . Ayoko pang mamatay Kambs ! Gusto ko pang magkaroon ng sariling pamilya , mga anak na palalakihin ng maayos , hindi katulad ko na may pagkakutsilyo ang dila . Kambs , gusto ko pang makasama sila Mama at Papa , kaya please . Gumawa nalang tayo ng paraan upang makaalis rito “ hinawakan ko ito sa braso ng mahigpit at binigyan siya ng nagmamakaawang mukha . Sana naman umepek dahil gusto ko na talagang umuwi sa bahay dahil hindi ko na maatim ang mga nangyayare sa lugar na ito .

“ Paano ang mga kaibigan naten Kambs ? “ – Mich

“ Wala tayong choice kung hindi iwan sila dito kambs . Gusto ko man silang isama sa gagawin nating pag-alis sa lugar na ito , pero hindi pwede . Dahil may possibility na isa sa mga kaibigan naten ang salarin na pwedeng ikapahamak naten . Nakakalimutan mo na ba ang salitang Trust no One ? na kahit mga kaibigan naten ay hindi naten pwedeng pagkatiwalaan “ napatango-tango ito na para banag nakumbinsi ko ito sa mga sinabi ko sa kanya .

Sorry sa mga kaibigan ko , Pero ito lang kasi ang tanging paraan upang maiwasan ang kamatayan sa isang hindi matuntong salarin . Patawad .

-

EDITED

TIME to DIE ( FIN )Where stories live. Discover now