Chapter 12: Starting Point

7 1 0
                                    

Chapter 12: Starting Point

Nang makabalik na sa sasakyan sila EJ at Timmy ay agad na kaming nagtungo sa Logan Hills. And unfortunately, rain was already pouring and the skies were brightly lit by strikes of lightning above the gloomy clouds.

Agad ko namang nilakasan nang kaonti ang volume ng radio para kahit papa’no ay mas hindi marinig ni Estelle ang kulog.

Glancing at the rear view mirror, Andy was already letting Estelle rest on her shoulder with her eyes-closed. Nakahinga naman ako nang maluwag nang masiguradong hindi na siya ninenerbyos tulad noon, na hindi na rin siya umiiyak unlike our first year here in Winsborough together.

“Sabi naman sa’yo matibay ‘yang alaga mo eh.” Timothy suddenly said.

“Just keep on driving, Timoteo.”

“Yes, Ma’am!”

Not long after, we already arrived at the elementary school. But, still no luck, the parking spaces were already full dahil uwian na ng ilang mga estudyante.

Kaya naman sa tapat ng kalapit na convenient store na lang nag park si Timothy. Iniwan na rin namin sa sasakyan si EJ dahil paniguradong sandali rin lang naman kami sa school. Nang makatawid at nang tuluyan kaming makapasok sa school, one of the guards even assisted us.

Nakilala kasi ata si Tim.

Perks of being the vice governor’s son.

Both the school nurse and doctor greeted us three when we arrived at the two-storey infirmary. May kalakihan din kasi ang school dahil nandito na rin ang science elementary school ng Logan Hills.

“I’m Doc Trish, and this is Nurse Bea. We already heard about you three beforehand, and your professors have also sent us soft copies of your requirements kaya naman schedule niyo na lang ang ibibigay namin today.”

Doc Trish explained, and the three of us only nodded.

“So both Avila and Coronado will be on duty during Tuesday to Wednesday, while Custodio will be with us Nurse Bea every Thursday and Friday.”

“Huwag kayong mag alala, malaki lang ‘tong clinic pero bibihirang magkaro’n dito ng pasyente.” Nurse Bea said, even brightly smiling.

“Also, yung oras nga pala ng mga duty niyo is to settle pa with your profs.”

Doc Trish asked us getting-to-know questions for like three more minutes, at hindi rin nagtagal ay pinauwi na rin nila kami. Nagbibiro pa nga si Doc kasi napabukod pa raw ako kila Andy eh mag kaka-klase naman daw pala kami.

Sayang nga, libreng pamasahe na sana because of Timmy.

Baka kausapin ko na lang sila Daddy about sa almera ko. It’s like half a year already since they took my car keys away.

Nabawi ko rin naman yung grades ko the last sem.

“Hoy sa kalsada ang tingin.”

Andy said, even nudging me with her elbow.

Napakurap naman ako dahil na realize kong nasa labas na pala kami ng school at buhol buhol din ang traffic kaya pati ang ped-lane eh naharangan na ng mga sasakyan.

“Si EJ...” I murmured when another lightning loudly struck.

“Ampotek paano naman tayo tatawid diyan?”

Reklamo ni Timothy dahil nag gigitgitan talaga yung mga sasakyan.

We had no choice but to remain standing at the side of the road, pero nang makakita ng maliit na espasyo sa pagitan ng isang jeep at truck ay agad na kaming hinila ni Timothy. Unang nakasingit si Timothy nang biglang umabante na ang truck at tuluyang bumuntot sa jeep, kaya hinatak ko paatras si Andy.

Her Full-Time ApricityWhere stories live. Discover now